MTJ : 2

3.4K 91 26
                                    

Queen's POV

Saktong pagka-upo ni Jungkook, biglang dumating yung Math teacher namin. Yeah... math! Aga-aga math agad.. hehe pero matalino ako dyan! Haha! Hindi ko tuloy maiwasan tumawa ng mahina, kakaupo lang kasi niya tapos tatayo agad? Haha pftt.

After namin i-greet yung teacher, umupo na rin kami. Aba? Di uso magpray? Psh. Nagstart ng magturo si Sir Lee. At yung tinuturo niya ay... algebra lang naman! Whoo. Easy! Haha maka-easy, parang kayang i-solve lahat eh 'no?

Pero nagtataka ako, palagi na lang hinahanap sa algebra ang 'x', di ba siya nakamove-on? Haha joke. Yung x kasi, yun yung n-

"Open your books and answer pages 3-5." - sabi ni Sir kaya kinuha ko na yung book namin at nagsagot na.

Pagkatapos naming sagutan yung pinasasagutan samin, class dismiss na! Bukas na lang daw che-checkan. Haha .

"Bestiee~ punta nako sa next class ko ah? See you later! Byeee!" - pagpapaalam ni Rexy. Aba! Di man lang ako inintay makalabas ng room?!

Sige, ako na loner.

Palabas na sana ako ng, biglang sumingit si Jungkook. Aba! Di ba niya alam ang kasabihang 'ladies first'?!

Hays. Hinayaan ko na lang, pero sa susunod na gawin niya yon! Nako! Baka kung ano ng masabi ko. Sa ngayon kinakalma ko na lang yung sarili ko.

Di naman sa nagalit ako dun sa ginawa niya.

Eh kasi naman! Loner na nga ako tapos may makikipagunahan pa sakin lumabas ng pinto! Hmp!

Naglakad na lang ako papunta dun sa next class ko, english naman. Tiningnan ko yung schedule ko at pareho kami ni Rexy na 3 lang ang subjects ngayon! Yay! Haha mag-mamall kami after class. Haha.

[FAST FORWARD]

Yay! Eto na! Haha malling! Nandito ako ngayon sa may waiting shed at inaantay si Rexy. Mas maaga kasi ang tapos ng klase ko kesa sa kanya eh. Kaya ayan, nag-aantay ako ngayon sa waiting shed. Haha

"Bestieee!" - ay nandyan na pala siya. Haha tumayo nako at naglakad na kami papunta sa parking. Yeah. We have our own cars. Rich kid? Haha regalo sakin ni papa yung kotse eh. Syempre nag-aral ako magdrive, para di na sila kukuha ng driver para sakin. Haha gusto ko kasi maexperience ang pagda-drive eh.

"Bestiee ikaw mauna ha?" - sabi ko.

"Sigee~" - sabi niya at pumasok na kami sa sasakyan namin. Nauna siyang umalis ng parking at sumunod naman ako.

Nung makarating na kami sa parking lot dun sa mall, pinark na namin yung sasakyan namin at bumaba na.

"Bestiee! Kaklase ko nga pala si Taehyung kanina! OMO!!!" - eh?!

"Waaah! Ang swerte mo! Aside from Jungkook, sana maging kaklase ko na sila RapMon or kahit yung ibang members. Haha." - sabi ko.

"Don't lose hope! May iba pa tayong subjects bukas! Malay mo makaklase mo na diba??" - oo nga no! Haha ba't di ko naisip yun?

Nandito na kami ngayon sa Starbucks. Umorder na kami at... pinasadya namin 'to.. imbis na pangalan namin ang nakalagay.. eto yung pinalagay namin,

*photo not mine*

See? Bestfriend goals! Haha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

See? Bestfriend goals! Haha.

Humanap na kami ng upuan at umupo na agad.

________________________

[Revised] 04.03.2017

Note: May iniba po ako dito sa story. Don't worry the original plot is still here.

Married To Jungkook (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon