Epilogue (Part 1)

1.8K 32 1
                                    

Queen's POV

2 years later...

Naging successful naman ang surgery ni papa at ang hinihintay na lang namin ay ang magising siya.

"Sweetie, okay ka lang ba? Masakit pa ba yung ulo mo?" - nag-aalalang tanong ni Jungkook. Nadulas kasi ako sa cr namin last week. Pero buti na lang at yelo lang ang katapat nito.

"Okay lang naman ako eh." - sabi ko at tumango naman siya. By the way, yung mga nang bully-not bully. Pero parang ganun na rin yun eh. Yung nagtapon ng pintura, nagsulat sa kotse ko at yung mga babaeng nagtulakan noon sa canteen ay iisa. I mean silang lahat ang gumawa nun. Nalaman kong inutusan pala sila ni Danica para gawin 'yon.

I forgave the girls already but not Danica. Confirmed. Si Danica nga ang dahilan kung bakit naaksidente si papa. And I can't forgive her. My father almost died.

By the way, graduate na nga pala kami ni Jungkook. Last month yung graduation namin. Si mama at Ate Alice ang kasama ko nung graduation. Tsaka nung bago kami grumaduate ni Jungkook, he already announced that we are already married. But they don't know that we're married in papers only.

Nung na-announce na sa publiko ang tungkol samin ni Jungkook, ang dami kong natanggap na violent reactions. Well, tanggap ko naman, ganyan naman talaga sila eh.

Kakarating lang nila mama ngayon galing sa bahay. Shifting kami dito eh haha. Kami ang magbabantay sa gabi tapos sila naman ni Ate Alice sa umaga.

"Sige na 'nak, umuwi na kayo. Kami na bahala dito." - sabi ni mama, kinuha ko na yung bag ko at tiningnan si papa. Pa, kailan ka ba gigising? Miss ka na namin oh! Pa, wag mo naman kaming pag-antayin dito oh. Haha joke lang po. Pero pa, please wake-up. We miss you. I stared at him once more, then I saw his index finger moved.

"Pa? Pa! Jungkook! Tawagin mo yung doctor!" - sabi ko at nakita ko namang tumakbo siya. Nagtataka pa rin sila mama sa inakto ko.

"Ma, ate, gumalaw yung kamay ni papa! I think he's awake!" - sabi ko at bakas sa mukha nila ang saya at gulat. Dumating na naman yung doktor at chineck si papa. I really hope he's awake now.

"Doc, is he awake already?" - tanong ni mama, at tumango naman yung doktor. Omg! Gising na si papa! Thank you Lord.

"After 2 hours, pwede na natin siyang ilipat sa private room. Excuse me." - sabi niya at umalis. Sobrang saya ko ngayon dahil gising na si papa!

"Queen, Jungkook, umuwi na muna kayo. Be here after 2 hours. Magpahinga na muna kayo." - sabi ni mama kaya wala kaming nagawa at sumunod na lang. Nagpaalam na kami at umuwi. Pagkadating namin sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto. Sabay higa sa kama. Haha. Sorry na, pagod lang. Tsaka masakit na yung likod ko.

Nang makapahinga na ako ng maayos bumangon na ako at naligo. Hindi pa umaakyat si Jungkook dito sa kwarto. Baka kumakain na yun ng lunch niya. Hmp. Di man lang ako sinabay.

Pagkatapos kong maligo, nag-ayos na 'ko at bumaba. Pagbaba ko, nakita ko si Jungkook na nakatulog na sa sofa. Hawak pa niya yung remote at medyo nakanganga siya. Hahaha! Kinuha ko yung phone ko at pinicturan ko siya haha sorry sweetie. Dahan-dahan kong kinuha yung remote sa kamay niya at nagulat ako dahil nung malapit ko ng makuha yung remote sa kanya, bigla niyang hinawakan yung kamay ko ng mahigpit. Oh no!

So it means gising siya? Alam ba niyang pinicturan ko siya?

"Huli ka! Ganyan pala ang ginagawa mo kapag tulog ako ah!" - sabi niya sabay tawa.

"Hmp." - sabi ko sabay pout.

"Don't pout. Anyway, let's eat lunch. May tinolang manok dyan." - sabi niya sabay hila sakin papunta sa dining area. Nakita ko namang mukhang masarap yung tinola kaya umupo na'ko at nagdasal bago kumain.

Married To Jungkook (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon