May isang oras pa bago ang oras ng detention kaya hinanap ko muna si Elise. Pero sa kasamaang palad ay hindi ko mahagilap ang bruha kong bestfriend kaya pumunta na ako sa detention room. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang may marinig ako.
“Ma’am! Huwag n’yo po sasabihin sa iba please!” nagmamakaawa na boses ng lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay si Tyler.
Napakunot ako ng noo. Ano kaya ‘yun?
“Fine! But get yourself straight. Hindi ‘yung ganyan at nahihirapan ka,” dinig kong wika ni Ma’am Sillar.
Anong meron? Kumatok na muna ako bago pumasok. Parang walang nangyari. Binati ko sila pareho bago naupo. I’m dead tired!
“Walang ibang nakakuha ng detention ngayong araw kaya tayo lang ang narito so we’ll play 20 questions!” masayang wika ni Ma’am.
Seryoso? Naupo ako malapit sa unahan na ginawa rin ni Tyler.
“Ako muna! Who’s your crush?” unang tanong ni Ma’am. Nakangiti ito at nakatingin sa amin. Napalunok ako sa tanong niya.
“Ladies first,” nakangiting wika ni Tyler. Batukan ko kaya siya?
“Ladies first your face! Ikaw muna dali,” iritableng sabi ko.
Ngumiti lang siya at nagkunwaring nag-isip pa bago sumagot. Drama effect pa. Daig pa babae.
“Well, may dalawang crush na ako rito sa school. Isang musikera at isang athlete,” nakangiting sabi nito.
“Ang daya mo! Hindi direktang sagot iyon!” naka-cross arms ko pang sabi.
“Ikaw naman Josiah Grace!” natatawang wika ni Ma’am.
“Uhm... Basketball player po ang crush ko,” nahihiyang sagot ko.
Medyo napasimangot at napakunot ng noo si Tyler. Todo-ngiti naman si Ma’am Sillar. Problema ng dalawang ito? Turn na ni Tyler magtanong. Ano ang favorite food namin. Sisiw. Ay hindi! Ibig ko sabihin, ang dali lang sagutin. Ako, Hershey’s Giant Bar. Si Ma’am ay seafood. Umikot ang tanungan. Puro basic lang naman mga tanong namin sa isa’t-isa. Movies, books, music at kung ano-ano pang puwede malaman tungkol sa buhay. Tawanan lang kami nang tawanan. At ang last question ay napunta sa akin.
“Bago ako pumasok, narinig ko kayong nag-uusap,” pag-uumpisa ko. Tumigil sila sa pagtawa. Parang naging estatwa at hindi gumagalaw si Tyler sa kinauupuan niya. Si Ma’am Sillar ay may misteryosong ngiti. Tinanong ko na ang kanina ko pa gusto itanong, “Ano ‘yung secret ninyo?” Feeling ko ang chismosa ko.
Nakita kong namutla si Tyler na napatingin kay Ma’am. Tumango lang si Ma’am bilang sign ng encouragement. Lumunok si Tyler at huminga nang malalim.
“Well, Josiah Grace, ganito kasi ‘yun... Pansin mo ang bait ko sa iyo ‘di ba?” pag-uumpisa niya sa pagpapaliwanag. Tumango lang ako at nagpatuloy siya sa sinasabi niya, “Mataba rin ako dati. Sobrang taba. Noong nag-highschool ako, saka ko naisipang magpapayat.” Kaya pala mabait siya sa akin at pinagtatanggol niya ako. Akala ko ay tapos na ang paliwanag niya pero may karugtong pa pala ito, “At matagal na rin akong confused…”
“Confused?” nagtatakang tanong ko. Hindi ko maintindihan.
“Please don’t tell anyone! I’m begging you Josiah Grace! Hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ako! May mga naging girlfriend na ako pero wala talaga. Parang ayoko sa kanila? Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon,” nagpa-panic na wika nito.
Wait a minute, kapeng mainit! Confused? Hindi alam kung ano siya? Girlfriend pero parang ayaw niya? Lumaki ang mata ko at napatingin ako kay Tyler.
“Are you gay?” Hindi na ako nagdalawang-isip na itanong.
“No. Hindi naman talaga bading! I mean bisexual siguro? Hindi eh. Confused pa nga rin ako,” hindi siya magkandaugaga sa pagsasabi.
Natulala naman ako. What the fudge? Bading si Tyler? ‘Hindi nga raw siya bading! Confused lang!’ sabi ng subconscious mind ko. Nagkaka-crush pa man din ako sa kanya.
“Josiah Grace...” untag niya sa akin.
“Sorry. Nagulat lang ako sa nalaman ko. Promise, secret natin ito,” unti-unti akong ngumiti sa kanya.
Sa totoo lang, halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang panghihinayang kasi nga gwapo at talented si Tyler. Malungkot kasi nga nag-uumpisa ko na siyang maging crush. Masaya kasi naiintindihan niya ang katabaan ko. ‘OA mo! Confused pa nga lang daw!’ sabi ng utak ko. Shut up subconscious mind!
“Salamat Josiah Grace,” ngumiti si Tyler sa akin. Nakamasid lang si Ma’am Sillar. Pagkaraan ng ilang minuto ay pinauwi na niya kami. Magkasabay kami ni Tyler maghintay sa bus station.
“Saan ka pala nakatira Tyler?” usisa ko sa kanya. Kung magiging mas malapit kami at maging magkaibigan, umpisahan na namin ngayon pa lang.
“Sa Emerald Condominium,” mahinang sagot niya.
Napatingin ako sa kanya na malaki ang mata. Bakit? Ang Emerald Condominium ay ang isa sa pinakamahal na condominium sa Luzon. Walang halong biro at ka-OA-yan.
“Eh bakit nag-ba-bus ka?” takang-takang tanong ko. Nakangiti siyang tumingin sa akin at sumagot, “Gusto ko lang. Masaya rin naman kasi nakilala kita sa bus.”
Anak ng pitumpu't pitong puting panda! Kikiligin ba ako? Oo naman. Hindi. ‘Di ba confused nga siya? Naguluhan tuloy ako bigla. Ngumiti na lang ako. Sumakay na kami ng bus. Pagkaraan ng halos isang oras ay nasa bus stop na kami na bababaan ko.
“Ingat Tatay Jomar! Ingat Tyler!” masaya kong paalam bago bumaba.
“Ingat Josiah Grace. Maraming salamat,” dinig kong sabi ni Tyler nang dumaan ako sa kanya.
Nginitian ko siya at nilahad ko ang kamay ko. Kumunot ang noo niya.
“Friends?” medyo nahihiyang tanong ko. Ngumiti siya at tinanggap ang kamay ko bago masayang sinabing, “Friends.”
Bumaba na ako ng bus. Masaya ako. May bago akong kaibigan. Totoong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ng Isang Tabachoy
Teen FictionMataba siya. Naranasan na niya yatang matawag sa napakaraming pangalan. Alam ninyo 'yun? Pig at whale kapag ingliserang sosyalin ang nang-aasar sa kanya. Dugong, dabiana, balyena, taba at baboy naman kapag normal lang na tao. Babsy, tabs, taby at ta...