"Bru!" Tawag ni Elise sa akin habang naglalakad ako sa hallway. Nilapitan ko siya sa may locker niya. Balik na naman sa normal ang klase. Kailangan mag-aral at gumawa ng projects lalo na at graduating na kami. Once a week na lang ang school radio dahil naghahanap na ako ng kapalit ko. May sampung aplikante na at may ilan pang application forms at requirements ang nasa library kung saan pwedeng magsubmit ng application.
"Busy? Ang daming dapat tapusin at aralin," mahahalata ang pagod sa boses ko. Nag-aalalang tiningnan ako ni Elise bago pag-aralan ang mukha ko tapos ay napailing siya, "You're so worked up, bru. Wednesday pa lang at namumutla ka na. You can't be sick dahil marami tayong dapat ipasang school works. Besides, sa Saturday na ang debut mo. Ready ka na?" Hindi niya naitago ang excitement sa boses niya. Sa totoo lang, excited din ako. Hindi pa ayos lahat at dahil hindi pwede mapagod si Mama ay ako ang mag-aasikaso ng lahat. That reminds me of an appointment later for food tasting. With assignments and projects in four of my classes... Well, sana hindi gaano katagal ang food tasting. Kailangan ko rin mag-aral sa Advanced Calculus dahil may exam bukas. Noong huling tatlong araw ay lagi akong 4am natutulog para tapusin ang assignments at pag-aralan ang mga dapat pag-aralan. Itinuloy ko na rin ang projects at school paper works na kailangan ko pang gawin sa mga susunod na araw. I need to write them in a notebook. Baka makalimutan ko pa lahat.
"May mga aayusin lang ako para sa Saturday pero maayos na lahat. Thanks for helping me, bru." Ngumiti ako sa kanya at ibinalik niya sa akin iyon. Niyaya niya na ako mag-lunch at sumama naman ako. Food sounds music to my ears. Sa sobrang busy, hindi na ako masyado nakakakain.
Nag-order lang ako ng sandwich at tubig. Naupo na kami sa mesa at wala pang limang minuto ay nasa tabi ko na si Tyler.
"Hello," masayang bati niya sa amin na agad ibinalik ni Elise. Ngumiti ako sa kanya. Pero pakiramdam ko ay nahihilo ako at nasusuka. Nanlalamig ang buo kong katawan. Siguro dahil sa kulang ng tulog at hindi na rin ako nakakakain nang husto.
"Josiah Grace, okay ka lang ba? Namumutla ka," may bahid ng pag-aalalang tanong ni Tyler. Tumango ako pero lalo akong nahilo kaya napakapit ako sa gilid ng lamesa. Hindi ako pwedeng magkasakit. Hinawakan ni Tyler ang braso ko at tumingin ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti pero hindi ko na kaya. Tumayo agad ako at tumakbo sa pinakamalapit na banyo. Narinig ko ang pagtawag nina Tyler at Elise sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin iyon. Kapag lumingon ako, baka matumba na ako.
Pagdating sa banyo ay agad akong pumunta sa pinakamalayong lababo. Walang tao. Humawak ako sa magkabilang gilid ng lababo. Masusuka na yata ako. Hindi naman ako maarte pero nandiri ako dahil baka malagyan ang buhok ko. Ayoko namang malagyan iyon dahil hindi maganda ang pakiramdam ko para hugasan pa iyon kung mabahiran iyon ng suka.
Pero bago pa man ako makasuka ay may humawak sa buhok ko. Hindi ko na nakita kung sino dahil nagsimula na akong sumuka nang sumuka. Parang lahat ng kinain ko ay lumalabas. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Si Elise siguro ang nasa tabi ko. Pasasalamatan ko siya mamaya. Binuksan ko ang gripo para mawala lahat ng nasa lababo. Stupid me, halos lahat ay solid ang sinuka ko. Ngayon, kailangan ko tanggalin ang takip ng lababo para bumaba lahat. Nanginginig ang mga kamay kong hahawakan na sana ang takip pero may nauna na sa akin. Nang mahawakan niya iyon ay itinapat niya iyon sa gripo pagkatapos ay inilagay sa gilid. Napabuntonghininga ako at naghilamos saglit bago lumingon para pasalamatan ang bestfriend ko pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang taong tumulong sa akin. Hawak niya pa rin ang buhok ko at seryoso ang ekspresyon niya na may bakas ng pag-aalala. Namula ako sa kahihiyan.
"T-tyler, uhm," hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang nahihiya ako sa kanya. Nakita niya lang naman ako sumuka at hinawakan niya pa iyon. Napansin kong binitawan na niya ang buhok ko at may kinuha siya sa bulsa niya. Inilabas niya ang panyo at ipinunas nang marahan sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ng Isang Tabachoy
Dla nastolatkówMataba siya. Naranasan na niya yatang matawag sa napakaraming pangalan. Alam ninyo 'yun? Pig at whale kapag ingliserang sosyalin ang nang-aasar sa kanya. Dugong, dabiana, balyena, taba at baboy naman kapag normal lang na tao. Babsy, tabs, taby at ta...