Chapter 13 | Choices

677 14 11
                                    

Kinabukasan ay napagpasyahan kong huwag muna pumasok sa tutorial. Hindi ko pa rin ma-absorb nang husto ang sinabi ni William. Gusto raw niya ako? Nahuhulog siya sa akin? Hindi ko iyon mapaniwalaan.

10:30 ng umaga nang makatanggap ako ng text message mula sa isang unregistered number.

“Bakit hindi ka pumasok? May sakit ka ba?” nakalagay sa text message. Si William siguro dahil may number ako ni Tyler. Hindi ko sinagot. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay ayoko siya kausapin o harapin.

Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro sa sala. Wala akong kasama sa bahay dahil lahat sila ay pumasok.

Hindi ko namalayang 1:30 na. Tumayo ako at gumawa ng sandwich pagkatapos ay inilagay sa juicer ang pinya. Pumunta na ulit ako sa sala at kumain ng tanghalian. Ano kaya ang gagawin ko pagkatapos nito? Manonood ng movie? Magbabasa? Puwede ring gumawa ng assignment. Patapos na ako kumain nang may nag-doorbell. Sino kaya iyon? Isa sa mga kapatid ko? Tumayo na ako at binuksan ang pintuan.

Tumambad sa akin si William na may pag-aalala sa mukha. Nang makita niya ako ay tila nakahinga siya nang maluwag. Ano kaya ang ginagawa niya rito?

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko? Nag-aalala ako sa ‘yo. Mukhang wala ka namang sakit. Bakit hindi ka pumasok?” sunod-sunod na tanong niya na parang may inis sa boses niya.

“Ah...” wala akong masabi. Paano ko sasabihing ayoko siya makausap at hindi ako pumasok dahil sa kanya?

“Ano?” naiinip na sabi niya habang nakatayo sa may pintuan.

“Dahil ba ito sa sinabi ko? Sa pinagtapat ko? Kung oo, huwag mo na lang isipin iyon kung magkakaganito lang pala tayo,” medyo naiiritang sabi niya. Ayan na naman siya, pinapangunahan ako.

“Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi mo, okay? At saka bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?” medyo naiinis kong tanong sa kanya.

Bumuntonghininga siya at tumingin sa akin.

“Ikaw kasi. Ano ba’ng ginawa mo sa akin? Hindi naman ako ganito dati,” paninisi na naman niya.

“Hindi ko alam sa iyo, William. Bakit ba ako ang sinisisi mo?” Sarap niya sapakin. Buti at may self-control ako.

“Sumama ka na nga sa party mamaya,” nakasimangot at nakakunot ang noong utos niya.

“Ayan ka na naman, ang bossy mo na naman. Hindi ka ba marunong makiusap at gumamit ng please?” pagleleksyon ko sa kanya.

“Marunong naman kaso ayoko gamitin eh. Bakit ba?” At inangasan na naman ako ni William Dylan Flores.

Hindi ako sumagot at tiningnan lamang siya.

“Huwag ka na nga mag-inarte Josiah Grace. Tara na kasi!” yamot na yamot na sabi niya. Tingin ba niya ay papayag ako kung ganyan ang ugali niya? Umiling ako.

“Josiah Grace Perez, I’m warning you,” pagbabanta niya habang nakatingin sa mga mata ko. Umiling ulit ako. Bukod sa ugali niya ay hindi naman talaga ako mahilig sa party. Nagtitigan lang kami hanggang siya ang sumuko.

“Fine, huwag ka na sumama. Aalis na ako at hindi na kita pipilitin,” sukong sabi niya bago tumalikod at lumabas ng gate. Sinara ko ang pinto na parang walang nangyari. Ayoko talaga ng party lalo na at pang-mayaman. Naupo na ulit ako at inubos ang pagkain ko. Isinalang ko ang movie na ‘Beautiful Creatures.’ Mamaya ay ‘Hunger Games’ naman.

Nangangalahati pa lang ang napapanood ko nang may nangalampag ng gate. Sino naman kaya ito? Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakita ko si Tyler sa labas ng gate. Pinagbuksan ko siya. Ngumiti siya sa akin.

Ang Kuwento ng Isang TabachoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon