Chapter 34

231 4 4
                                    

Kakatapos lang ng "Search for the Next School DJ" at ang nanalo ay isang sophomore. Nasa backstage na ako at paalis na rin. Uuwi ako mag-isa. Napatigil ako nang maisip ko na naman si Tyler. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilang umiyak.

Lumabas na ako at naglakad palabas ng campus grounds. Next week ay graduate na kami. Aalis na kami sa school na ito. Kahit pa maraming masasakit na alaala dahil ilang taon din akong mataba, marami rin namang magagandang alaala kasama sina Elise, William, Caleb, iba pang nakakasalamuha ko at si Tyler. Pinigilan kong huwag humikbi nang maisip ko siya. Tyler...

Naglakad na ako papuntang highway. Madilim na pero may nag-iikot na ritong police patrol kaya hindi na ako natatakot. Nang nasa highway na ako ay naghintay ako ng jeep pero ilang minuto ang lumipas ay may black Sedan na tumigil sa harap ko. Napakunot ang noo ko.

Nang ibaba nito ang bintana ay napalitan ng lungkot ang mukha ko. Bakit kaya? May nangyari kaya?

"Ate Yuri..." malungkot na sambit ko sa pangalan ng kapatid ni Tyler. Nakita ko ang lungkot at simpatya niya. "Pwede ba tayo mag-usap? Alam ko gabi na pero ayoko nang ipagpabukas ito," tanong niya.

Pumayag naman agad ako. Sumakay ako at tahimik ang byahe. Napagpasyahan naming sa coffee shop na malapit sa amin kami magpunta at mag-usap. Huminga ako ng malalim. Huling punta ko roon ay kasama si Tyler. Nami-miss ko na siya.

*****

Dumilat ako nang magkagulo. Hawak pa rin ni William ang kamay ko. Halatang hindi niya alam ang gagawin. Nang makahuma siya dahil sa isa pang putok ng baril ay tumayo siya at naghanap ng ligtas na lugar kung saan kami pwede magtago.

Tumingin ako sa "boxing cage" at nakitang naglalaban pa rin sina Tyler at Kai. Ayaw tumigil ng huli kaya walang magawa si Tyler kundi ang labanan ito. May mga galos at sugat sa katawan si Tyler pero wala halos sa mukha. Si Kai naman ay puro sa mukha ang tama.

"William, kailangan natin tulungan si Tyler," sabi ko sa kanya at inalis ko sa pagkakahawak ang kamay niya at tumakbo papuntang "boxing cage". Maraming taong nagkakagulo pero hindi ko ininda ang sakit ng mga balya na natanggap ko. Kailangan ko matulungan si Tyler. Narinig ko ang tawag ni William sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Sa wakas ay nakarating na ako sa "boxing cage." Hinanap ko ang pintuan at nang makita ko iyon ay laking pasasalamat ko at naka-kadena lamang iyon. Sumulyap ako kay Tyler na kasalukuyang hineheadlock si Kai. Galit na galit ang itsura niya. Natatakot ako para sa kanya. Ayokong makapatay ito.

Binilisan ko ang pagtanggal ng kadena. Hindi ko pinansin ang mga taong hindi magkamayaw sa pagtakbo para makatakas sa kamay ng mga pulis at sundalo. Pero wala na silang magagawa pa. Napakaraming pulis at sundalo ang nakapaligid sa bawat sulok ng lugar na ito. Imposible nang makatakas pa sila.

Natanggal ko na ang kadena at tinawag si Tyler na nasa kabilang gilid. Nang hindi niya ako marinig ay lalo ko pang nilakasan ang pagtawag, "Tyler!" Lumingon siya at nanlaki ang mga mata nang mabosesan ako. Kung ibang tao iyon ay baka nakawala na si Kai. Kinuha ko ang kadena at dali-daling ibinigay iyon kay Tyler para hindi makawala si Kai.

Pagkatapos niya masigurong naka-kadena na ito ay hinarap niya ako nang may pag-aalala at pagtataka sa mukha.

"Princess, ano ang ginagawa mo rito? Sino ang kasama mo?" magkasunod na tanong niya. Hindi niya ako hinahawakan. Marahil ay takot siyang hawakan ako.

Inilahad ko nang mabilis ang nangyari at nakita ko ang guilt at pagsisisi sa mga mata niya.

"Tyler, huwag muna natin iyon pag-usapan ha? Tara na at umalis na tayo rito," yaya ko bago hawakan ang kamay niya. He flinched pero saglit lamang iyon.

Ang Kuwento ng Isang TabachoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon