Umaga na naman. Lunes na naman. Pasukan na naman. Umpisa na naman ng klase – pahirapan na naman gumising sa umaga, pahirapan na naman kumilos, pahirapan huwag intindihin ang pangungutya ng mga tao sa paligid ko lalo na sa school.
Narinig ko ang malakas na kanta mula sa cellphone ko, ‘Still Into You’ ng Paramore ang ringtone ko para sa alarm clock. Ingay naman nito! Teka, five minutes pa!
“Josiah Grace, gising na at 5 a.m. na. Maliligo rin ang mga kuya mo,” katok ni Mama Carol sa pintuan ng kwarto ko.
Hay… 5 minutes ka pa r’yan Josiah Grace. Tamad akong bumangon at kinuha ang towel ko para maligo na. Lumabas ako ng kwarto at pumuntang bathroom. Pagkaraan ng halos kalahating oras ay tapos na ako maligo. Pumunta na ako sa kwarto para magbihis – gray shirt, black jeans at gray sneakers. Kinuha ko ang bag ko at bumaba na sa dining room. Naabutan ko roon sina Mama at Papa.
“Good morning!” Nakangiting bati ko sa kanila.
“Excited ka na ba sa first day of school mo? Last year of high school mo na ‘yan,” masayang tanong ni Papa sa akin.
“Alam n’yo na ho ang sagot d’yan Papa,” medyo matamlay pero nakangiti ko pa ring sagot na ikinasimangot ni Papa.
“Bakit kasi ayaw mo mag-diet, anak? 17 ka na, nag-aalala kami sa’yo,” malungkot at may bahid ng concern na wika nito pero hindi ako sumagot. Nagsimula na akong kumain.
Sa labingpitong taon kong pamumuhay sa mundong ibabaw, maraming nagtataka sa pangalan kong Josiah Grace. Ganda ‘no? Pambabae at panlalaki. Astig! Oo, mataba ako. Matabang-mataba. More than 130 pounds ang excess baggage ko. Bakit ayoko magpapayat? Simple lang, masarap kumain eh. Nag-aaral ako sa Great Dragons International School, isang exclusive school kung saan scholar ako.
Great Dragons International School – mula grade school ay doon na ako pumapasok. Pang-mayaman ang eskwelahan na iyon. Hindi naman kami mahirap pero hindi namin kaya ang tuition kung doon ako mag-aaral nang walang scholarship. Sa totoo lang, maganda ang turo roon. Advance dahil international school.
Kinakabahan ako sa pagpasok ngayong araw. Bakit? Kukutyain na naman ako ng mga mayayaman kong kaklase. Kahit nga ‘yung mga hindi mayayaman at pati na rin ang co-scholars ko, kinukutya rin ako. Si Cassandra Elise Kirschner lang yata ang kaibigan ko roon. Excited na ako! Nagbakasyon kasi siya sa Hawaii last summer. Marami na namang kuwento ang bruha kong bestfriend na ‘yun.
“Quarter to six na po pala. Alis na po ako Mama, Papa,” paalam ko bago humalik sa kanilang dalawa.
“Ito oh, allowance mo. Bigay ng Kuya Lance mo ‘yan,” inabot ni Mama sa akin ang 1000 pesos. Wow, 1000 pesos per week na ang baon ko?
“Salamat Ma, Pa! Mamaya po pag-uwi magpapasalamat ako kay Kuya Lance,” masayang wika ko bago lumabas ng bahay para pumuntang bus stop na nasa may kalsada malapit sa bahay namin. Limang minuto lang yata ay makakarating na ako roon.
Apat kaming magkakapatid: Lance Albert, 22 years old at Mechanical Engineer na ngayon; Tristan Kurt, 21 years old at graduating na ng Chemical Engineering this year; Paul Jasper, 20 years old at 4th year na sa kursong ECE pagkatapos ay ako ang bunso. Close kami ng mga kuya ko pero madalas ay nakukutya ako kasi ang popogi ng mga mokong kong kuya. Sina Papa Amberto at Mama Carol ay mga guro. Proud na proud kami sa kanila. Medyo may kaya mula pa dati sina Papa Amberto kaya kahit paano ayos ang buhay namin. Average ika nga nila.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang school bus. Maaga pa kaya walang tao at saka kaunti lang naman talaga ang nasakay ng school bus. Pang-rich kids nga kasi ang school namin.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ng Isang Tabachoy
Dla nastolatkówMataba siya. Naranasan na niya yatang matawag sa napakaraming pangalan. Alam ninyo 'yun? Pig at whale kapag ingliserang sosyalin ang nang-aasar sa kanya. Dugong, dabiana, balyena, taba at baboy naman kapag normal lang na tao. Babsy, tabs, taby at ta...