Isang oras na kaming nasa venue ni William kasama sina Elise at Caleb. Alam kong pagdating pa lang namin ay gusto na magtanong ni Elise kung bakit si William ang kasama ko pero tiningnan ko siya na parang gusto ko sabihing mamaya ko sasabihin. Ang mamaya na iyon ay ngayon. Nasa balkonahe kami ng venue. Sina William at Caleb ay nasa loob para makipagkwentuhan saglit sa teammates nila.
"Ano'ng nangyari, bru?" Agad na nagtanong si Elise. Paano ko siya sasagutin? Ano ang isasagot ko? Na ang boyfriend ko na nag-effort nang husto para yayain ako sa Grand Ball ay wala sa hindi ko malamang kadahilanan? Na out of coverage area o unattended ang cellphone number niya? Na hindi ko na malaman kung ano ang nararamdaman ko? Dismayado, malungkot, naiinis at nag-aalala ako kay Tyler. I sigh. Bestfriend ko si Elise kaya alam kong susubukan niyang maintindihan ang sitwasyon ko.
"I don't know, bru. Hindi ko maintindihan si Tyler. Tinext niya si William na sunduin ako dahil mahuhuli siya ng dating. Then the moment I called him, out of coverage area o unattended ang sinasabi ng operator. I'm worried yet I'm so disappointed. Naiinis ako. Alam kong nag-effort siya nang husto, bru, para sa pag-iimbita sa akin dito pero nasaan siya?" Frustrated kong mabilis na pagpapaliwanag sa kanya. Baka maiyak ako kapag binagalan ko ang pagpapaliwanag.
"Tanungin mo na lang, bru. Baka naman may valid reason. You know he's going through a lot, right?" Pagtatangkang pagrarason ni Elise. Naikwento ko na sa kanya lahat nang tungkol kay Tyler. Ipinagpaalam ko naman iyon kay Tyler at pumayag ito.
"Bru, gusto ko siya intindihin pero may part sa akin na natatakot, naiinis, nagagalit," napapailing kong sabi habang nakakunot ang noo at nagpatuloy na may pagod sa boses ko, "Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bru. Mahal ko si Tyler, walang duda. Pero parang gusto ko na kwestyunin kung seryoso ba siya sa kung ano'ng meron kami." There, I said it. My doubts. Sa gitna ng mga ginawa ni Tyler para sa akin ay nagdududa ako ngayon kung seryoso ba talaga siya sa akin. I feel so miserable. Masama ba akong tao?
"Bru, don't stress yourself. Lalabas din ang mga sagot sa mga tanong mo. Let's just enjoy this evening. Besides, nandyan si William na self-proclaimed 'bestfriend' mo," gumawa pa siya ng quote-unquote na sign sa hangin gamit ang mga daliri niya bago natatawang sinabing, "Alam ko namang hindi ka papabayaan ng lalaking iyon. Bestfriend? Sino'ng niloloko niya? Mahal ka pa rin niya. I just can't understand why Tyler contacted William of all people."
"That's so mean to say. Tingin ko naman kaibigan na lang talaga ang tingin ni William sa akin," pagdedepensa ko sa lalaki.
"Keep telling yourself that, bru. The guy's head over heels with you," nagniningning ang mga mata ni Elise at sinabi kong tigilan niya na si William. Thankfully, hindi na siya nagsalita pa tungkol doon. Niyaya niya ako sa loob at naupo kami sa lamesa namin. Agad lumapit sina William at Caleb. Niyaya ng huli si Elise na sumayaw na pinaunlakan naman nito.
Tumayo si William na akala ko ay aalis pero nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko at inilahad ang isang kamay bago masuyo at seryosong sinabi habang nakatitig sa mga mata ko, "May I have this dance, Josiah Grace?" Hindi naman ako nagdalawang-isip na tanggapin ang alok niya. Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo kami papunta sa ballroom.
Everything in this venue is vintage - mula sa mga lamesa, upuan, mga kubyertos, mga plato at baso, chandeliers. Malaki ito at may mataas na kisame. Marami ring bulaklak, vase at kurtina sa paligid. Hindi record ang kanta kundi kumuha sila ng live band. May tumutugtog pero hindi ko alam ang title ng kanta. Basta pang-slow dance ito. Inilagay ni William ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya samantalang ang mga kamay niya ay nasa bewang ko. Medyo hindi ako komportable pero hinayaan ko na lang. May distansya naman sa pagitan namin at si William naman ang nasa harap ko. Walang mangyayaring hindi maganda. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Ilang sandali ang lumipas bago niya basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ng Isang Tabachoy
Teen FictionMataba siya. Naranasan na niya yatang matawag sa napakaraming pangalan. Alam ninyo 'yun? Pig at whale kapag ingliserang sosyalin ang nang-aasar sa kanya. Dugong, dabiana, balyena, taba at baboy naman kapag normal lang na tao. Babsy, tabs, taby at ta...