Lunes ng umaga ay hinatid namin ng mga kuya ko at ni Tyler sina Mama, Papa, Kuya Lance, Lolo at Lola sa airport. Pupunta na sila, bukod kay Kuya Lance, sa Palawan. Walang makakasama sa aming magkakapatid dahil abala talaga sa school.
Si Kuya Lance naman ay babalik na sa Australia. Ang bilis lang niya rito pero ayos lang. Masaya akong nakasama ko siya noong birthday ko.
Kinausap nang sarilinan ng magulang ko at ni Kuya Lance si Tyler. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila. Ayaw naman sabihin ni Tyler.
"Ingat kayo, Josiah. Itext mo lang kami o tawagan kung may problema," bilin ni Kuya Tristan. Tumango ako at humalik sa mga kuya ko bago kami umalis pero katulad nina Mama at Papa ay kinausap nila si Tyler. What's with Monday?
Maaga kaming nakarating sa bahay nila o mas appropriate na tawag ang mansyon. Naroon ang mga ate niya kaya nakipagkwentuhan kami sa kanila. It felt like they are the sisters I never had. Magaan sila kakwentuhan at masaya. Makulit sila pareho.
"Have you thought of being married to Tyler, Josiah?" Nakangiting tanong ni Ate Marielle. Namula ako nang husto at napatingin sa kanila. Nasa kitchen si Tyler kaya kaming tatlo lang ang nasa sala.
"Well... May mga panahong naiisip ko 'yun at napapangiti ako," mahina at may ngiti sa aking labi nang sabihin ko iyon. They giggled.
"We want you for him, Josiah. You're such a strong and honest person and Tyler needs someone like you," sabi ni Ate Yuri habang hawak ang kamay ko. Heart to heart talk with his sisters. Overwhelming ang pakiramdam. Everything is falling into its right place.
"First boyfriend ko po si Tyler. Umaasa akong siya na talaga Ate Yuri, Ate Marielle. The way he makes my toes curl whenever he's around and close to me, the way he makes my heart beats faster when someone mentions his name, the way he makes me feel loved and secured whenever he wraps his arms around me, there's nothing and no one who can make me feel like this," nakangiting wika ko pero medyo nahihiya pa rin ako. Ngumiti sila at binigyan ako ng ilang advice tungkol sa relationship.
"Once you love someone, Josiah, there should be no turning back. You chose to love the person so you should stand firm for it. Hindi dapat trial and error ang pakikipagrelasyon. Kaya talagang pinangaralan namin si Tyler na kung mahal ka niya, huwag na huwag ka niya iiwan at papakawalan," nakangiting kwento ni Ate Yuri. They are so amazing. Sobrang bait ng mga ito.
Ilang sandali pa ay sumali na sa kwentuhan namin sina Tyler at Kuya Christopher na kakarating lang. Sobrang ramdam ko na welcome ako sa pamilya nila. Naging panatag ako at komportable sa kanila.
Hanggang dumating ang magulang nila. Napalunok ako. Naramdaman yata ni Tyler ang pagtahimik ko at ang kabang nararamdaman ko kaya hiwakan niya ang kamay ko at hinalikan ang sentido ko. Tiningnan ko siya. Ngumiti siya at sinabi na may assurance, "You'll be fine. Just be yourself. Nandito lang ako." Medyo nabawasan ang kaba ko. Tama naman siya, kasama ko siya at wala akong dapat ipag-alala.
Naupo na kami sa dining area. Nasa gitna ako nina Tyler at Ate Yuri. Nasa tapat namin sina Ate Marielle at Kuya Christopher. Nasa head ng table ang daddy nila at katabi ni Kuya Christopher ang mommy nila. Wala sina Lola Manuela at Lolo Alberto dahil may pinuntahan ang mga ito. Nagsimula na kami kumain. Ang tahimik, hindi ako sanay.
"I heard your parents already left this morning with your grandparents?" Hindi ko alam kung tanong iyon ng mommy nila pero mahina akong sumagot, "Opo."
"Kamusta naman ang Mama mo hija? At paano ang pag-aaral ninyong magkakapatid?" Tanong naman ng daddy nila. Uminom muna ako ng tubig. Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. Hinawakan ni Tyler ang kamay ko at pinisil ito bilang pagsuporta.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ng Isang Tabachoy
Fiksi RemajaMataba siya. Naranasan na niya yatang matawag sa napakaraming pangalan. Alam ninyo 'yun? Pig at whale kapag ingliserang sosyalin ang nang-aasar sa kanya. Dugong, dabiana, balyena, taba at baboy naman kapag normal lang na tao. Babsy, tabs, taby at ta...