Kakatapos ko lang gawin ang ilan sa mga project namin ni Josiah Grace nang maisipan kong ipagluto siya ng makakain. Hinayaan ko lang siyang matulog muna dahil nakainom naman siya ng gamot kanina sa clinic. Pagkatapos ko siyang pakainin at painumin ng gamot bawat anim na oras ay itinutuloy ko ang mga dapat gawin. Kailangang mabawasan ang mga gawain niya dahil malapit na ang debut niya. Magpapatulong na lang ako kina Elise, pamilya ni Josiah Grace at sa mga kapatid ko para maayos na ang lahat sa birthday niya. Kailangan din naman niyang magpahinga.
Si Kuya Tristan ang sumundo sa kanya. Pagkaalis nila ay tinawagan ko agad si Josiah Grace dahil nakalimutan kong sabihing mahal ko siya. Alam kong sobrang corny pero hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa iyon. Parang okay lang maging corny pagdating kay Josiah Grace. Iba kasi talaga ang nararamdaman ko para sa kanya, sobrang espesyal. Alam kong bata pa kami pero sa isang tulad kong natunghayan na ang buhay at kamatayan, naiintindihan ko na ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal.
Kinabukasan ay pumunta ako sa kanila pagkatapos ng klase. Dinala ko lahat ng mga dapat naming tapusin para habang nagpapahinga si Josiah Grace ay ginagawa ko na rin ang mga iyon. Gusto ko ring tulungan ang Mama ni Josiah Grace dahil alam kong kailangan niya rin ng pahinga. Pumasok ang mga lalaking Perez at mamayang gabi pa ang uwi nila.
Pagkatapos kong kamustahin si Josiah Grace ay naupo ako sa sala at itinuloy na ang mga project na hindi ko natapos noong nakaraan. Unti-unti na namang nababawasan ang mga kailangang gawin. Kumuha na si Ate Yuri ng event organizer kaya wala na dapat alalahanin ang mga Perez sa birthday ni Josiah Grace. Sina Elise at pamilya ni Josiah Grace na ang bahalang magbigay ng mga detalye sa organizer. Ito namang mga project ay puwede niyang tingnan kung may gusto siyang baguhin pero mas okay na itong may mga natatapos na. Sabi ng doktor ay kailangan niya ng pahinga.
Hindi ko na namalayan ang oras at nagsidatingan na ang mga lalaking Perez. Nagulat pa silang maabutan ako sa bahay nila. Magalang akong bumati at nagpaalam kung puwede ba akong magpalipas ng gabi sa bahay nila. Gusto ko lang makasiguradong ayos na si Josiah Grace. Hindi talaga ako matahimik hangga't hindi siya tuluyang gumaling. I worry too much for my age. Iyon ang laging sinasabi sa akin ng mga kapatid ko. Pagkatapos mamatay ng kapatid namin, nasa sistema ko nang maging sensitive sa nararamdaman ng iba at mag-alala nang sobra sa mga taong mahal ko. I care too much. Side effect ng mga nangyari.
Nasa tapat ako ng kwarto ni Josiah Grace at papasok na sana para mag-goodnight nang bumukas ito. Pareho kaming nagulat pero agad ko siyang nginitian at tinanong kung saan siya pupunta. Sa baba raw siya pupunta dahil nagugutom na siya. Sinamahan ko siya sa kusina at pinaupo na lang bago magluto ng makakain. Hindi pa rin siya sanay sa trato ko sa kanyang parang prinsesa. People can't blame me. Josiah Grace is such an amazing person. I am so blessed to be loved by her.
Kumakain na kami ng vegetable soup nang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon ay napabuntong-hininga na lang ako bago tumingin kay Josiah Grace. Tumango siya kaya sinagot ko na iyon. Kung ano ang kailangan ni Mommy, hindi ko alam.
"Hello Mom?" Patanong na bati ko bago ko hinintay ang sadya niya.
"Where are you?" Tanong nito. Hindi ko matukoy kung ano ang nasa tono niya. Lagi naman kasing malamig ang pananalita sa akin ni Mommy.
"I'm with my girlfriend. Bakit po kayo napatawag?" Nakasimangot na tanong ko. Nararamdaman ko ang mga titig ni Josiah sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at gusto kong magpasalamat doon dahil hindi ko gusto ang mga sumunod na sinabi ni Mommy.
"Why are you there? Gabi na, Tyler! Anong klaseng pamilya iyan at hinayaan kang matulog d'yan sa kanila!" Nagtaas ng boses si Mommy at alam kong kahit hindi ko siya nakikita ay galit na siya. Pinigilan kong huwag magalit pero nakakainis 'yung ganitong asta niya.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ng Isang Tabachoy
Dla nastolatkówMataba siya. Naranasan na niya yatang matawag sa napakaraming pangalan. Alam ninyo 'yun? Pig at whale kapag ingliserang sosyalin ang nang-aasar sa kanya. Dugong, dabiana, balyena, taba at baboy naman kapag normal lang na tao. Babsy, tabs, taby at ta...