Chapter 11 | Week 2

684 11 7
                                    

Week 2

LUNES. Nang makasakay ako ng school bus ay agad hinanap ng mga mata ko si Tyler. Nakita ko siyang nakaupo sa dulo ng bus. Lumapit ako sa kanya at sinalubong naman niya ako ng ngiti niya. Ngumiti na rin ako. Naupo ako sa tabi niya. Gusto ko tanungin kung bakit wala siya noong Sabado pero nauunahan ako ng hiya.

“Sorry nga pala at hindi ko nasabing ‘di ako makakapunta noong Sabado. May pinuntahan kasi ako,” paghingi niya ng tawad. Naunahan na niya ako. Siya na ang nagsabi mismo.

“Okay lang ‘yun. Nagtaka lang ako kung bakit wala ka,” ‘yun lang ang nasabi ko. Parang walang nangyari at nagkuwentuhan kami. Sa totoo lang ay namiss ko siya. Masaya kasi kausap si Tyler. Makulit rin ito at hindi mo mararamdaman na lumilipas ang oras. Katulad ngayon, hindi ko namalayang nasa school na pala kami. Nagpaalam kami kay Tatay Jomar bago bumaba.

“See you later, Josiah,” paalam ni Tyler bago umalis at nag-iba ng direksyon. Bigla na lang ‘yun umalis? Sayang, akala ko makakasama ko siya sa booth ngayon. Teka? Bakit ba masyado akong na-a-attach kay Tyler? Erase erase!

Matamlay akong naglakad papuntang library at booth. Sana makausap ko ulit siya mamaya. Ewan ko ba pero hinahanap-hanap ko siya. Dahil siguro alam niya ang nararamdaman ko sa katabaan ko ngayon. Ganoon nga siguro.

Buong araw ko siyang natatanaw pero hindi ko man lang siya nakausap. Ito na nga yata ang kinakatakutan ko, ang ma-realize niyang sa mga sikat siya nabibilang. Hindi ko alam kung bakit pero nalungkot ako. Natatakot at nalulungkot akong mawalan ng isang kaibigang tulad niya.

Pagkatapos ng mga klase ay dumiretso na ako sa locker room para magpalit ng damit. Palabas na sana ako nang marinig ko ang boses ni Tyler na parang galit o inis.

“Hindi ako ang nauna. Sila! Nananahimik na ako pero sige pa rin sila sa panggugulo!” Na-i-imagine ko ang ekspresyon ni Tyler. Halata kasing galit na galit siya.

Dumaan ang sandaling katahimikan bago siya muling magsalita. Nagulat ako dahil sa sigaw niya.

“Mas papaniwalaan pa ba ninyo ang sinasabi nila kaysa sa sinasabi ng sarili ninyong anak?” galit na sigaw nito. Nabigla ako. Ngayon ko lang siya ulit narinig na ganyan. Parang mas galit pa nga siya ngayon.

“Sorry po. Nakakainis kasi. Wala na akong ginawang tama para sa inyo,” pilit na mahinahong sabi niya pero may bahid pa rin ng sama ng loob at galit ang boses niya. Gusto ko siya biglang yakapin. Kaya ba siya parang nagbago nitong mga nakaraan?

Wala na siyang sinabi pa. Narinig ko na lamang ang pagbuntonghininga niya. Pinihit ko ang doorknob at lumabas na. Nagulat siya nang makita ako.

“Kanina ka pa ba d’yan?” mahina niyang tanong na nagpipigil ng emosyon.

“O-oo,” medyo nautal ko pang sagot. Bakit ba ako kinakabahan?

Wala na siyang ibang sinabi pa tungkol doon. Inutusan niya akong mag-jogging ng pitong laps sa track and field. Sumunod naman agad ako. Ano kaya’ng problema nito?

Pagkatapos ko mag-jogging ay nag-training na kami. Isang oras at kalahati na puro sipa at suntok. Mas mahirap ang training dahil ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Ayoko ng ganito, para bang hindi kami magkaibigan.

Pagkatapos ng training ay nilapitan niya ako. Inabot niya sa akin ang Tropical Fruit flavor na Gatorade.

“Sorry kanina. Sana walang makaalam sa mga narinig mo,” nakayuko niyang sabi na tila nahihiya.

“Okay lang ‘yun. Kung kailangan mo ng kausap, alam mo namang nandito ako,” sincere kong sabi sa kanya. Tumango lamang siya bago pumuntang locker room ng mga lalaki para magpalit. Pumunta rin akong girls’ locker room.

Ang Kuwento ng Isang TabachoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon