Umaga pa lang ay maganda na ang mood ko. Good vibes! Magandang panimula ito ng araw. Pumasok ako sa school nang napakaaga dahil magdi-DJ ako.
“Good morning Great Dragons International School! I know you’re all excited! It’s Traditional Bonfire tonight! I’m so excited too! And we have some news for you. Some seniors will be having a production number later at the program. I hope we’ll enjoy it. And now, I’m giving you ‘Out of Goodbyes’ by Lady Antebellum!” Panimula ko.
Pinindot ko ang play button para sa unang kanta. Pagka-play ko ng kanta ay pumihit ako pakabilang gilid at napatili ako.
Tawa nang tawa si Tyler. Tama ba namang gulatin ako ng ganoon?
“Tawa ka pa sige!” inis na sabi ko.
Tumawa siya nang tumawa. Tiningnan ko lang siya na salubong ang mga kilay. Napansin ko ang dimples niya. Ugh! Badtrip ka sa kanya Josiah Grace!
Pagkaraan ng ilang minuto ay tumigil na ito sa pagtawa. Pinaupo ko siya sa gilid dahil magdi-DJ pa ako. Buti naman at nanahimik siya roon. Pero naco-conscious ako kasi nakatingin lang siya sa akin. Ang labo mo Tyler. O ako lang ang masyadong nagbibigay ng kulay sa mga ginagawa mo? Siguro nga.
Pagkatapos ng dalawampung minuto ay natapos na ako sa pagdi-DJ. Sa wakas! Natutunaw na ako sa mga tingin ni Tyler eh. Nakakainis! Nagligpit muna ako at dinouble-check ko kung naka-off na lahat. Lumabas na kami sa booth at umakyat papuntang library pagkatapos ay lumabas papuntang hallway na walang umiimik.
“Paano ka nakapasok sa booth kanina?” mahinang tanong ko.
Tumingin si Tyler sa akin na parang galing sa malalim na pag-iisip. Sumagot siya, “Nakalimutan mo i-lock ang mga pinto,” at naroon ang tone of disapproval niya.
“Ha? Talaga?” nagtatakang tanong ko habang inaalala ko kung nai-lock ko nga ba ‘yung mga pinto. Hindi nga yata!
Napansin niya yatang naalala kong hindi ko nga nai-lock ang mga pinto. Mariin niyang sinabing, “Next time, isara mo okay?”
“Opo tatay,” pabiro ko pang sagot para mawala ang tensyon. Napailing siya pero nakangiti na. Pumunta na kami sa mga locker namin.
“Ikaw, hindi ko pa nakakalimutan ‘yung panggugulat mo sa akin kanina!” medyo inis na sabi ko nang maalala ko iyon.
“Sorry,” nakangiti niyang sabi. Ako naman ang napailing pero nakangiti na. Nang magkatinginan kami ay tumawa kami pareho. Mga baliw lang!
Napatigil kami sa pagtawa nang may umubo kunwari. Tiningnan namin kung sino iyon – sina William at Caleb.
“Sarap ng tawa natin ha?” naka-smirk na wika ni William.
“Totoo palang nagkakamabutihan na ang kunwaring good boy at si taba,” naka-smirk din na wika ni Caleb.
Ano raw? Napatingin ako kay Tyler na namutla at blangko ang ekspresyon.
“Oh? Bakit ka nagtataka taba? Wala ka bang alam?” pang-aasar pa ni Caleb.
May sasabihin pa sana ako nang marinig ko si Elise. “Calebasa! Tantanan mo ang bestfriend ko kung hindi ay malalagot ka sa akin! Alam mo ang mangyayari!” pagbabanta ni Elise.
Si Caleb naman ang namutla at napalunok. Umalis na sila ni William. What was that all about?
“Good morning bru and Tyler!” masayang bati ni Elise.
“Good morning din. What was that?” nagtataka pa rin ako.
“Don’t worry about it. Wala ‘yun,” nakangiting wika ni Elise.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ng Isang Tabachoy
Teen FictionMataba siya. Naranasan na niya yatang matawag sa napakaraming pangalan. Alam ninyo 'yun? Pig at whale kapag ingliserang sosyalin ang nang-aasar sa kanya. Dugong, dabiana, balyena, taba at baboy naman kapag normal lang na tao. Babsy, tabs, taby at ta...