"Gosh, bru! Para kang prinsesa!" Excited at masayang wika ni Elise. Yes, today is my debut. Sobrang kabado ako dahil medyo traditional with a twist daw ang debut ko. Hindi ko alam kung anong twist ang sinasabi ni Elise.
Tumingin ako sa full length mirror. Hindi ako makapaniwalang ako ito. Ni hindi ko nga akalaing magkakaroon ako ng debut. Siguro kung noong umpisa ng school year ay sasabihan ako ng isang tao na magsusuot ako ng gown sa birthday ko ay tatawanan ko lang siya. Pero heto ako at naka-gown, healthy at fit na rin.
"No crying!" Saway niya sa akin pero mas nauna pa nga siyang umiyak. Natawa ako at hindi na pinigilan ang luha ko. Niyakap ko siya.
"I just can't believe it, bru. Parang fairytale. Parang panaginip lang lahat," emosyonal na sabi ko bago kumalas sa pagkakayakap. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang luha ko.
"I know what you are feeling right now. Sobrang saya ko para sa'yo, bru," masayang sabi niya bago punasan ang sariling mukha at sinabing, "Gosh, buti na lang at waterproof ang make-up na ginamit sa atin." Nagkatawanan kaming dalawa.
Lahat ng bisita pati pamilya ko ay nasa baba na. Kinakabahan ako at sobrang excited din.
"O siya, bababa na ako ha? See you in a jiffy!" Nakangiting wika niya bago umalis. I sigh. This is it, Josiah Grace.
Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Hindi naman makapal ang make-up ko dahil personal wish ko 'yun sa nag-ayos sa akin. Nakatirintas ang mahaba kong buhok pero kakaiba ang pagkakatirintas dahil pang-formal occasion iyon. Nasa harap ang mahabang buhok ko na naka-braid. Kulay puti at pastel pink ang kulay ng gown ko na parang sinusuot ng mga prinsesa na ball gown pero mas modern ang disenyo na may parang feather pa sa palda. Mamaya ay magpapalit ako ng gown na kulay crystal ice. Maikli ang harap ng gown na iyon na hanggang tuhod samantalang hanggang talampakan ang likod.
"Miss Josiah, the program will start in a minute," nakangiting wika ni Thelma, ang kinuha nilang organizer ng event. Ngumiti ako sa kanya at sinabing handa na ako. Tumingin ako sa salamin at inayos ang tiara at kwintas na binigay ni Lola Manuela.
Nasa Villa Charlotte kami. Isa itong two-story villa na maluwag at talagang pinagdadausan ng mga kasiyahan tulad ng debut, kasal at iba pa. Malapit ito sa school.
Nasa isang daan din yata ang nakita ko sa guest list. I have no idea kung sinu-sino ang imbitado but as long as nandito ang malalapit sa akin ay masaya ako.
Tumayo ako sa may pintuan. Dahil hindi ako sanay sa spotlight, pakiramdam ko ngayon ay hihimatayin ako sa kaba.
"Relax lang, Miss Josiah. You look very, very beautiful and princess-like tonight. You'll be fine. It's your birthday. Enjoy the night," pagpapakalma niya sa akin na pinagpasalamat ko. Ilang saglit pa ay ngumiti siya at sinabing, "It's time to go, Miss Josiah. Happy birthday."
Nagpasalamat ako bago buksan ang pintuan. Sinalubong ako ng ilaw. Nang maka-adjust na ang mga mata ko ay nagulat ako sa nakita ko. Nasaan ako? Para itong isang panaginip. Butterflies - real or not - are all around. There are vines with flowers on their stems. Hindi lang ako sigurado kung totoo sila. Matataas ang bintana na may malalaki, elegante at magagandang puting kurtina. May isang malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng lugar. Mula rito ay makikita ang mga bisita na nakatingala sa akin. Tama ba ang nakikita ko? May nakikita akong paghanga sa mga mata nila. Nagsimula na akong bumaba dahan-dahan. Ayoko namang matapikok at mahulog sa hagdan.
Pakiramdam ko ay nasa isang royal ball ako mula sa mga nabasa kong fairytales dati noong bata pa ako. Nang makarating ako sa dulo ay sina Mama at Papa ang unang bumati sa akin sunod sina Lolo at Lola tapos ay sina Kuya Tristan at Kuya Jasper. Sana ay narito rin si Kuya Lance. Pero agad kong pinalis ang isiping iyon. Hindi ako pwede malungkot. Pinaghirapan nila ito.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ng Isang Tabachoy
Fiksi RemajaMataba siya. Naranasan na niya yatang matawag sa napakaraming pangalan. Alam ninyo 'yun? Pig at whale kapag ingliserang sosyalin ang nang-aasar sa kanya. Dugong, dabiana, balyena, taba at baboy naman kapag normal lang na tao. Babsy, tabs, taby at ta...