Chapter 18 | Bakasyon sa Palawan Part 2

540 10 4
                                    

Mapagbiro nga naman ang pagkakataon . Sa Villa Domingo raw kami magpapalipas ng gabi dahil masyado nang gabi para bumyahe pa sa dagat at pagod na rin sina Lolo at Lola. Tinanong ako ni Kuya Lance kung ayos lang at kung ayaw ko raw ay puwede naman kaming magpahatid papunta sa isla. Malaking abala pa. Sinabi kong ayos lang na magpalipas kami roon ng gabi. Buong kasiyahan ay pinipilit kong huwag tingnan si Tyler. Tuwing makikita ko siya ay nalulungkot ako na hindi ko maintindihan. Masaya rin ako dahil mukhang ayos naman siya. Malungkot dahil parang ayaw niya ako kausapin. Ilang beses akong siniko ni Kuya Lance para sabihing nahuhuli niya si Tyler na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin iyon pero sa loob-loob ko ay nagkaroon ako ng pag-asa. Pag-asang gusto rin niyang mabalik sa dati ang lahat.

Patapos na ang kasiyahan at nasa Villa Domingo na rin ang birthday celebrant at asawa nito kasama ang grandparents at magulang namin. Naupo kaming magkakapatid sa dalampasigan tulad kaninang umaga.

“I’m leaving,” wika ni Kuya Lance na katabi ko ngayon. Napatingin kaming lahat sa kanya. Ang buwan at mga sulo ang nagsisilbi naming ilaw.

“What? Saan ka pupunta, Kuya?” Si Kuya Tristan ang unang nagsalita. Lagi namang siya ang unang naimik.

“Australia. Isang taon lang naman ako roon. Ako kasi ang pinili ng kumpanyang ipadala roon. Nasabi ko na ito kay Mama at kay Papa. Pumayag sila dahil para sa career at sarili ko naman daw ito,” paliwanag niya. Nagsabi ng ingat at kung ano-anong biro ang dalawa ko pang kuya pero nanahimik lang ako. Close kasi kami at first time na may mahihiwalay sa amin nang ganoon katagal. Sa pag-i-space out ko ay hindi ko namalayang nagpapaalam na pala sina Kuya Tristan at Kuya Jasper. Tinapik pa nila ako bago ko malamang mauuna na sila. Naiwan kami ni Kuya Lance.

“You like Tyler,” ‘yun ang una niyang sinabi pagkaalis ng dalawa. Napabuntonghininga ako. What’s the point of denying it? Sumagot ako ng malungkot at mahinang “oo.”

“May nangyari, Josiah. Ano ba ang nangyari? Masaya naman kayo ni Tyler ah,” nagtatakang tanong niya. Tingin niya ay masaya kami ni Tyler noong mga panahong magkasama kami? Ano nga ba ang nangyari? Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari noong araw ng basketball game. Napailing siya pagkatapos ko iyon ikwento.

“Nagseselos siya kay William. Hindi mo ba nakikita iyon, bunso?” tanong ni Kuya Lance na nakatingin sa akin.

Clearly, hindi ko nga napapansin iyon. How could I be so gullible? Napakamanhid ko naman para hindi maramdaman iyon. Nagpasalamat ako kay Kuya Lance. Tinanong niya kung kailangan ko ng tulong pero sabi ko ay hindi na. Kaya ko na siguro ito. Nagkuwentuhan kami saglit at nalaman kong pagkatapos ng New Year ay aalis na niya. Hindi man lang siya umabot sa birthday ko. Hindi ko pinaalam ‘yun sa kanya dahil ayokong malungkot siya. Isang taon din siyang mawawala. Kakayanin namin iyon. Siya ang inaalala ko dahil mag-isa siya roon.

Nagpaalam na siyang pupunta na sa villa para makapagpahinga. Nagpaiwan muna ako saglit para makapag-isip-isip. Gusto ko makausap si Tyler. Bakit naman siya magseselos kay William? Sabagay, akala niya siguro ay nagkakagusto na ako kay William. Iyon nga siguro ang dahilan. Napakakumplikado pala magkagusto sa isang tao. Buti at nakakaya ko pa makapagfocus sa mga dapat ko gawin. May mga oras nga lang na nag-i-space out ako.

Umihip ang malakas na hangin at nilamig ako kaya tumayo na ako para pumasok sa loob. Pagpihit ko ay nakita ko si Tyler sa bar counter na siguro ay may layong twenty o twenty five feet. Hindi ako sigurado. Naka-side view siya at mukhang may malalim na iniisip. Dahan-dahan akong naglakad papunta roon. Kakausapin ko siya.

Napatigil ako nang biglang may tumakbong babae papunta sa kanya. Maganda ito, kasing-tangkad ko siya siguro, mukhang beauty queen o model, matangos ang ilong, full lips, may kasingkitan ang mga mata, hugis puso ang mukha, mahaba ang diretsong buhok, maputi at naka-red maxi dress siya. Niyakap niya si Tyler na tinanggap naman ng lalaki. Nang maghiwalay sila ay hinalikan ng babae si Tyler sa labi at nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito. Napako ako sa kinatatayuan ko. ‘Gumalaw ka Josiah. Huwag ka tumunganga diyan.’ Iyan ang sinasabi ng utak ko. Unti-unti akong pumihit patalikod. Huminga ako nang malalim at pinagdarasal na huwag sana nila ako makita. Dahan-dahan akong naglakad palayo sa lugar na iyon. Nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko at pagbabara ng lalamunan ko. Bakit ako nasasaktan nang ganito? Wala akong karapatan masaktan.

Ang Kuwento ng Isang TabachoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon