Chapter 6 | Deal or No Deal?
Wednesday na. Ang bilis ng araw. Daily routine ulit. Ligo, kain, byahe, school DJ at next ay Advanced Calculus. Makikita ko na naman sina Tyler at William. Ano kaya ang gagawin namin sa project namin?
“Hey Josiah Grace! Good morning!” nakangiting bati ni Tyler nang makita niya akong papalapit sa upuan.
“Good morning!” masayang bati ko sa kanya habang nakatayo pa rin.
Somehow, naging komportable ako kay Tyler kahit bago ko pa lang siyang kakilala. Nakatulong ang nangyari kahapon.
“Taba, tabi nga d’yan!” inis na sabi ni William. Hay naku! Crush ko ito pero talaga naman. Naupo ako sa upuan ko sa tabi ni Tyler.
“Showing na pala ‘yung ‘The Mortal Instruments: City of Bones’, gusto mo manood?” tanong ni Tyler. Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na si William na tila hindi makapaniwala, “Niyayaya mo makipag-date ang piggy nerdy girl na ‘yan, Tyler?”
Tumawa ang mga nakarinig. Ma’am Sillar, dumating ka na please!
“Mas gugustuhin ko naman maka-date si Josiah Grace kaysa sa mga babaeng katulad ng mga dine-date mo na kulang na lang ay ihain ang sarili sa iyo,” malamig na wika ni Tyler.
Woah! Gusto ko i-cheer si Tyler. Pinagtatanggol na naman niya ako.
“At least, they’re all pretty and sexy. They’re not boring. Eh si piggy nerdy Grace mo?” pinagdiinan ni William ang ‘mo’ sa sinabi niya. Nakakasakit talaga ang mga salita niya.
“She’s not boring. Ako na nagsasabi sa inyo. Napakasaya kasama ni Josiah Grace. Kayo lang ang mga sobrang close-minded. I believe that she’s pretty and sexy in her own ways. I bet you’ll beg her for a date when she became fitter,” proud na sabi ni Tyler at talagang walang pag-aalinlangan. Ano ang pinagsasasabi ni Tyler? Nakakahiya!
“Let’s have a bet then. Kapag pumayat si Grace at nagmakaawa nga ako sa kanya na i-date niya ako o yayain ko man lang siya sa isang date, you win,” mayabang na hamon ni William.
Teka lang! Anak ng koala! Pinagpupustahan nila ako? Papayag kaya itong si Tyler? Hinintay ko ang sagot niya.
“No. Mataas ang respeto ko kay Josiah Grace. Hindi ako makikipagpustahan sa iyo,” may pinalidad sa boses ni Tyler na parang ayaw niya ng ideya na iyon. Napatunganga kami sa sinabi niya. Ang sweet ni Tyler! Grabe, ang bait niya.
“Duwag ka lang. Alam mo kasing imposible mangyari ang sinasabi mo,” nang-aasar na sabi ni William na nakangiti pa.
Nakita kong nagagalit na si Tyler. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa lapis niya. Josiah Grace to the rescue! Lakas-loob at hindi ako nagdalawang-isip na nagsalita, “Call! Payag ako sa pustahan ninyo.”
Napanganga sa akin lahat ng nakarinig. Ayos lang naman ang desisyon ko ‘di ba?
“Grace, you don’t have to do it. Wala kang dapat i-prove sa mga iyan,” mahina at nag-aalalang wika ni Tyler. Alam ko namang tama ang sinabi niya pero ayoko na magpaapi sa mga ito. Kahit ilang beses ko sabihin sa sarili ko na para sa akin ang pagpapapayat ko ay may parte pa rin sa akin na gusto patunayan sa mga tao na hindi lang ako isang tabachoy. Ngumiti ako kay Tyler at sinabing, “I’ll do it Tyler. Kaya ko ito.”
Tiningnan niya ako nang mabuti. Siguro ay naghahanap sa mga mata ko ng pagdadalawang-isip sa desisyon ko. Pero wala, determinado at pursigido ako. Napailing ito at sukong sinabing, “Okay. Payag na ako kung talagang gusto mo.”
Ngumiti si William. Napasubo tuloy ako. Pero hindi agad ako magpapatalo sa kanila. Lalaban ako.
“Good! Kung sino ang manalo ay magiging slave si piggy nerdy Grace for the rest of the school year,” ngiting-ngiting sabi ni William.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ng Isang Tabachoy
Fiksi RemajaMataba siya. Naranasan na niya yatang matawag sa napakaraming pangalan. Alam ninyo 'yun? Pig at whale kapag ingliserang sosyalin ang nang-aasar sa kanya. Dugong, dabiana, balyena, taba at baboy naman kapag normal lang na tao. Babsy, tabs, taby at ta...