*** Chapter 1***
Errr. Pano ko ba 'to sisimulan? Sa dinami dami ng iniisip ko eh, bahala na. Haha. Ako nga pala si Lyka, ang taong lobo. Haha Joke lang. Ok seryoso na. Lyka Hernandez, isang normal na highschool student. Half-filipino-korean nga pala. I don’t actually speak Korean. Konti lang alam ko. Dito na kasi ako lumaki sa pinas . 17 years old. Supposed to be 15-16 years old lang ang 4th year diba? Pero kasi may grade 7 pa sa school na pinasukan ko dati at meron din daw sa papasukan ko ngayon.
**KELAN PA NAGKAROON NG GRADE 7 SA PINAS? HAHA. PAKI TANUNG NA LANG KUNG BAKIT SA MAY ARI NG SCHOOL? OK? Biro lang.**
So basically, siguro ka-edad ko lang din yung mga magiging classmate ko sa papasukan kong school ngayon. Ayokong ayoko na napapa-trouble ako kaya dapat umayos ako sa new school ko. Mom and Dad ko eh parating wala, nasa ibang bansa sila, minsan nasa Japan, Korea and London. May business kasi kami dun sa mga bansang sinabi ko. Ang bongga ng parents ko nakikipag sabayan sa mga bansang yan. So basically, binilhan nila ako ng bahay kasi nga lumipat kami, may kasama naman ako eh yung pinsan kong babae at si ate kring. Si ate kring eh nanny (yaya) ko simula nung grade 1 ako and I love her. Pangalan naman ng pinsan ko eh 'Fatima Cortez'. Half-korean din. Mommy namin Korean, magkapatid sila. Tawag samin sa Korea, ‘KIM SISTERS’. ‘Kim’ Apelyido ng nanay namin. Gets? Full package yang girl na yan, pinsan ko na bestfriend ko pa. Oh DIBA? Ansaya? She's like my sister na rin. Kambal na din para mas masaya. Haha.
***May
Uuwi na parents ko dito sa pinas galing ng London. And I missed them so much. So sinundo namin sila sa airport. Oh yes, kasama ko si Fatima! Siyempre nagpadrive kami kay manong driver!!! Excited na ko!
Pagdating namin, nung nakita namin sila eh syempre hinalikan at niyakap ko silang pareho!!! Sabay sabing
"Mommy, Daddy! Pasalubong ko?!"
"Sabi na nga ba eh. Mukha ka talagang pasalubong!" Sabi ni daddy tapos sabay tap sa noo ko.
Natawa si mommy sa aming dalawa ni daddy. Tapos sabi niya "Siyempre naman mawawalan ba naman ang baby girl ko at ang favourite kong pamangkin?! Fatima! How are you?!"
"Ok lang po Tita!"
sabi ni Fatima.
"Mommy naman eh. Stop calling me 'baby girl' yuck." And I was like ---> ㄱ___ㄱ
"Ok. Halina na nga kayo at sumakay na tayo sa kotse!"
Gabi na rin nun. So nag dinner na kami. Kumain kami sa hotel namin dito sa pinas. Oh yes. Hotel business namin. Pagkatapos nun eh umuwi na kami. At nagpahinga kasi siyempre pagod sila sa biyahe at ako rin pagod. Kaka-daldal.
Kinabukasan. So, sabay sabay kaming nag breakfast. Nag-usap lang kami kung nagustuhan ba daw namin yung bagong bahay. Oo naman. Anlaki laki ng bahay tapos 3 lang ang nakatira? Haha. Siyempre pag bumibisita dito parents ko may sarili din silang kwarto. 6 bed rooms. So, isa sakin, isa kay Fatima, isa sa parents ko, isa kay ate kring at 2 guest room. Si Fatima samin na yun tumira simula first year high. Parents kasi niya nasa abroad din. Pero umuuwi naman sila. Kapag umuuwi parents niya doon muna siya.
"Baby girl, eat this." Nilagyan ako ni mommy ng bacon sa plato ko. Grrrrr. Sinabi nang...
"BABY GIRL?!" ayoko sinabing tawagin ako nyan eh. Mommy talaga. Siguro sa iba sweet pero sakin. Ewwwwwww.
"Aba, Lyka bakit ba ayaw mong magpatawag ng baby girl?! May boyfriend ka na ba?! HUH?" ETONG SI DADDY. ANG O.A NABILAUKAN TULOY AKO SA KINAKAIN KO.
"Porket po bang ayaw magpatawag ng baby girl may boyfriend na?!"
"Oo. And that's my opinion. Tignan mo nga tong si Fatima may boyfriend na, Ikaw wala pa! Wala bang nanliligaw sayo?!" Lintek. Kanina nabulunan ako sa kinakain ko ngayon nabuga ko yung tubig na iniinom ko. Inabutan ako ni Fatima ng kitchen towel. Hindi na ko sumagot at hahaba pa ang pagtatalo.
Itong si Fatima! Patawa tawa lang ang sarap batukan. Yeah right may boyfriend na si Fat. Ako na lang ata ang forever alone. Feeling ko lahat ng babae sa mundo taken na ako na lang talaga ang hindi. Asan na kasi yung prinsipe ko?!
"Tama na nga yan. Saturday bukas diba? Pumunta kayo sa Jewels at pick-up in nyo yung dress niyo may party tayong pupuntahan sa Sunday." Jewels, doon parati kami nagpapagawa ng gown or dress. PARTY?! Ayoko ng party. Nakakairita. At ayokong makipagplastikan at makipagsosyalan. Sumimangot na lang ako.
"Tita, hindi po ako makakasama may pupuntahan po kasi ako eh." Sabi ni Fatima. Saan naman pupunta to?
"Ah ganun ba? Ok. Lyka, magpasama ka na lang sa driver."
"Pero mommy, ayoko sumama!"
"Hindi pwede. Mr and Mrs. Ramirez is a good friend of ours. I want them to meet my one and only daughter. And that's final." That's bullshit. -_____-
"Okay fine. Si kuya po kelan uuwi?!"
"I don't know my dear. Tinatapos pa niya masterals niya sa London." Yup. I have a brother. Masterals sa Math and Science. Teacher kasi siya eh. We're close though. Kahit na parati niya akong inaasar. Sana saakin na lang talino niya. Haha
Pagkatapos naming magbreakfast nagpunta kami ni Fatima sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at si Fatima naka harap sa may laptop.
"Hey. Bakit ka nakasimangot?" Kanina pa siya ganyan. Actually, last week pa nga eh.
"Hindi kasi siya nagpaparamdam eh, hindi niya sinasagot text at tawag ko. Wala naman akong nagawa. Meron nga ba?!" Sabi na eh yung boyfriend niya.
"Baka naghanap na ng iba. Boring ka daw eh." Lol. I was just joking. Subukan lang niya lokohin itong kambal ko nang makatikim siya sakin.
"ATE NAMAN EH!!!" Yup. Minsan tawag niya sakin ate. Mas matanda ako sakanya ng 6 months. Haha. Pero minsan lang talaga niya ako tinatawag na ate. Sabunutan ko to eh walang galang. Biro lang. I don’t mind anyway.
"Biro lang. Alam mo magbihis ka at magshopping na lang tayo."
Fatima and I went to shop. Kailangan naming magliwaliw at malapit na pasukan noh! Oh yes we love shopping. My parents don't mind if we spend money on shopping though. Naglunch na din kami sa mall. At umuwi na rin. Buti naman kahit papano eh nakalimutan niya yung problema niya sa boyfriend niya. Anu ba kasing problema ni Casey? Casey (pronounce as 'keysi'). Pangalan ng boyfriend niya.