**Chapter 4**
Nagpunta kami ni Fatima sa sala pagkatapos namin mag dinner. Nanuod lang kami ng T.V.
“Fatima, may ikkwento ako sayo”
“Hmm? Ano yun.” Nakatingin pa rin siya sa T.V. Tapos pinalo ko siya sa braso.
“ARAY! ANO BA?!” Pag kasi sa TV siya nakaharap, wala na siyang pakelam sa buong paligid niya. Kahit nagpapatayan na ang aso’t pusa ng kapit bahay.. Hindi mo siya maiistorbo. Pinatay ko na yung T.V para makwento ko sakanya ng maayos, PARA MAKINIG SIYA. Damn!
Kinwento ko yung mga nangyari nung party. Nung nakita ko ang gwapong si Louie, natulala ako at nung nakita ako ni Ivy na nakabukas yung bunganga ko. Nakakahiya daw ako. PASENSYA NAMAN NGAYON LANG NAKAKITA NG GWAPO. Ano pa ba ang i-eexpect ko?! Siyempre tumawa na naman siya ng malakas. At si ‘Mr. Perfectionist’ sa party na natapunan ko ng juice.
“Ah…Ang galing naman, nakilala mo pa si Ivy at si oh-so-good-looking-guy na si Louie. Ang liit talaga ng world. Aish! Why are you so clumsy, Lyka?! Kawawa naman yung natapunan mo ng juice.”
“Mana lang ako sayo sa pagiging clumsy. TIYAKA KAWAWA?! Si Mr. Perfectionist? Oh please. FYI, nag sorry ako noh.”
“Arasseo…” (Arasseo= I understand/I know/okay in korean)
Kaya ngayon ko lang sakanya nakwento, siyempre wala siya sa mood for the past 2 weeks. Heartbroken eh, pero feeling ko ok na siya ngayon ng konti.
After ng kwentuhan, natulog na kami sa kanya kanya naming kwarto. Nakakapagod itong araw na ‘to. -_-
---
Second day at S.M High
Ayun… pahirapan na naman rin sa paggising kay Fatima. Tsk. Kung kahapon eh winisikan ko siya ng tubig, ngayon isang tabong tubig na. Take note. I’m not joking. Pero nung ibubuhos ko na, bigla na lang siyang tumayo. Aba! Nakaramdam? Mabuti naman…
Ganun pa din nag-lakad kami papuntang school. Medyo maaga kami dumating kaya bago kami pumunta sa classroom, nakita namin si Ivy, at nakipagkwentuhan muna sa may garden, doon sa may mga maraming bench at may mga table na din.
Nung nag-ring na yung bell,,, Pumunta na kami sa classroom. Pagpasok ko sa classroom, unang bumungad samin ni Fatima, si Khalyl.
“Hi Lyka. Hi Miss Clumsy!” Nag-wave siya at nagsmile samin. Umuusok na naman yung tenga ni Fatima. Haha
Umupo na ako sa upuan ko. Siyempre katabi ko si Khalyl. Nakayuko ako nun at nakapikit mata ko, wala ako sa mood, feeling ko may mangyayaring masama.
“Khalyl! Umalis ka nga sa upuan ko!” Narinig kong sinabi ng isang lalaki. Nakapikit pa rin ako nun.
“Ayoko! Gusto ko dito!” Sabi ni Khalyl.
“Tabi nga sabi eh! Bumalik ka na doon sa upuan mo!”
“Sige na nga. Psh” Naramdaman ko nang umalis na si Khalyl at umupo na yung lalaki. Nung lumingon ako para tignan kung sino yung nagpapaalis kay Khalyl, OMG! Guess who?
Edi yung prince charming ko, si Louie. Kini-claim? Masama ba mangarap?
Natulala na naman ako. Nakita ko si Fatima, nakatingin samin at nakangiti. Yung mga tingin na yun, alam ko na. Mang-aasar na naman to. Eh kung asarin ko kaya siya kay Khalyl?
“Hi Lyks.” Ano daw?! Lyks? As in L. Y. K. S.? Isa lang kasi ang tumatawag sakin nun, yung kuya ko. Tiyaka kaklase ko siya? Hindi lang kaklase, katabi ko pa. OMG!
“Oh. Hi.” Iniwasan ko na ang mga tingin niya. Pano naman kasi, natutunaw na ako sa mga tingin at ngiti niya.
“Ahmmm. Pwede bang magtanong?”