*CHAPTER 2*
Sunday na. 7:30pm start ng party. 7:00pm na eh hindi pa ako tapos. I'm wearing blue dress by the way. Kaya naman...
"Lyka!!!! READY KA NA BA?! BILISAN MO AT MALE-LATE NA TAYO SA PARTY!" Sumisigaw na naman tong nanay ko. Nakakainis, sinabi na kasing ayokong sumama sa party ng kaibigan niya eh. Tyaka malapit lang naman yung bahay na yun ka-subdivision namen. Siguro mga 3-5 mins lang papunta dun.
"Andyan na po!!!!!" Pababa na ako ng hagdanan eh natapilok pa ako. Ang tanga ko. Buti na-grab kagad ako ni daddy.
"Oops. Be careful. My queen and my princess look so great tonight! Come on let's go"
Pagdating namin ang dami nang tao. Nasa garden, sa labas yung mga pagkain, naka-setup na yung mga tables at may pool pa. Tapos may malaking fountain dun na may angel na may pana. Ang ganda ng bahay. Luxurious, mala white mansion. Nakakaloka para akong nasa caslte eh, basta hindi ko maintindihan. ANG GANDA TALAGA WALANG BINATBAT BAHAY KO. ESTE NAMIN. haha
Pinakilala ako nila mommy kay Mr. and Mrs. Ramirez I look pretty daw. Psh. Tapos may anak daw silang lalaki na halos kasing edad ko daw. Halos mabali na leeg ni Mrs. Ramirez kakahanap. Iniwan ko muna sila para makapag-usap. Gusto ko nang umuwi. Huhu. Amboring dito.
Pumasok na lang ako sa bahay. Grabe ang ganda talaga. May table dun na naka-hilera yung mga cookies kaya kumuha ako. May mga table din doon sa loob pero yung mataas ba na hindi na kailangan umupo.
Ako naman eh hindi mapakali at tila may hinahanap ang mata ko. Then suddenly, napatingin ako doon sa isang lalaki may kausap siyang babae at umiinom sila ng wine, ang saya nga nila eh.
ALL I CAN SAY IS BAKIT GANITO ANG PUSO KO? Nakakainis. Heartbeat ko na lang ang naririnig ko. Ano to? Love at first sight? HECK NO! Ang O.A. Pero kasi ang gwapo talaga ng nilalang na eto bagay sakanya yung white suit niya, he looks like a prince. GOSH!!!!!!!!!! HINDI AKO MAKAGALAW SA KINAKATAYUAN KO. Mabuti na lang at nagsuot ako ng contacts at nakita ko siya! Kung hindi, baka hindi ako nakita itong gwapong nilalang na eto. Bulag kasi ako eh. Bigla na lang may nagsara ng bunganga ko, hinawakan niya yung chin ko. Nagulat ako isang anghel ang nasa harapan ko.
“Bunganga mo bukas baka pasukan yan ng langaw. Tsk” tapos tumatawa yung babae. She’s so pretty, my gosh. Thanks to her at bumalik na nga ako sa normal. Nakakahiya, nakabukas pa yung bunganga ko, pero hindi naman sobrang laki noh! Para kasing ngayon lang nakakaita ng gwapo eh. Ngayon lang nga, kaya pagbigyan na. >.<
“Ah..err.. Sorry about that.” Yun na lang nasabi ko. Ang ganda ng mata niya, inosenteng-inosente. Mas matangkad pala ako sakanya ng onti.
“Hahahaha! Ano ka ba?! Ok lang noh. Sino ba kasing tinititigan mo at natutulala at nakabukas pa yung…”
“Huh? Wa..wala…” pinutol ko na yung sasabihin niya. Hinahanap pa niya kung sino nga yung tinitignan ko pero nung narinig niyang sinabi kong ‘wala’ lumingon na rin siya sakin.
“Uhmmm. Ok. My name is Ivy by the way. What’s yours?”
“Lyka nga pala.” Inabot niya sakin yung kamay niya para makipag-shake hands. Kumuha ako ng juice, nauhaw ako. Muntik na ako kanina. Mamaya kilala pala niya yung tinitignan ko. Nakakahiya.
“Nice meeting you. Who are you with? How old are you? Where do you live?” Ang dami niyang tanong. Kung pano siya magtanong eh, napaka excited makuha ang sagot. Itong batang ito, ang cute. Pero nagring yung phone ko kaya hindi ko nasagot yung mga tanong niya.
“Uhmm. Sorry, excuse me. I’ll just answer the phone call.”
Si Fatima tumatawag…
”Oh, Fatima bakit ka napatawag?”
“A…Ate…ang sa..sakit…” Naririnig ko siyang umiiyak na tila pinipigilan niya.
“ANO?! ANONG MASAKIT SAYO? ANO NANGYARI? ANTAYIN MO KO DIYAN. NASAAN KA BA?” Lintek na to, san ba siya pumunta at nagkaganyan siya. Natataranta na ko. Ayoko na pinag-aalala ako.
“Nasa bahay…”
“Papunta na ko!” Umiiyak parin siya. Binaba na niya yung phone.
Sa likod na ako ng bahay dumaan habang tumatakbo kasi mas malapit doon kesa sa garden ka dadaan. Pano ko nalaman? Ewan basta dinala na lang ako ng paa ako doon. Tiyaka makikita ako nila daddy sa garden, magagalit yun. Nung tumatakbo ako bigla na lang
BOOM!
Natapunan ko yung lalaki sa tuxedo niya ng juice. GOSH! BIGLA BIGLA NA LANG SUMUSULPOT ITO! At teka?! May dala pa pala akong juice, sa sobrang taranta hindi ko namalayan.
“WHAT THE FUCK?! TIGNAN MO NGA YUNG GINAWA MO SA DAMIT KO? HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO OH SADYANG BULAG KA LANG TALAGA!”
“Oops. Sorry. I didn’t meant to…SORRY TALAGA!”
Oh. Gosh. Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ayokong makipagtalo dito sa perfectionist na to. Eh siya nga yung biglang sumpulpot sa dinadaanan ko eh. Wala na akong paki-alam basta kailangan ko ng umuwi sa bahay. Hindi ko na lang siya pinansin. Tapos tumuloy na ako sa paglakad ko. Gulat siya eh, iniwanan ko ba naman. Oops, parang may nakalimutan ako. Bumalik ako sakanya.
“Please. Paki balik naman itong baso oh. Thanks.” I gave him a smile. Kinuha ko yung kamay niya tapos nilagay ko yung baso doon. Puahahahahahahha. Yung itsura niya eh, lalong nainis. Eh nagmamadali nga ako diba? So ayun... Sabay takbo na at hinanap ko na yung driver.
--
Pagkadating namin sa bahay pinag-bilinan ko na si manong… “Manong, paki sabi na lang po kela mommy, nauna na ako. Bumalik na po kayo doon. Thanks.”
Hinanap ko sa lahat ng sulok ng bahay si Fatima, pero wala. Nung pumunta ako sa kwarto ko, I saw her hugging her knees and she’s crying.
“Fatima…Why? What happened?”
“Lyka!” Niyakap niya ako ng mahigpit tapos nagsalita siya.
“Ang sakit… Pinagpalit niya ako. May… mahal na siyang iba. Wala naman akong nagawa ah? Bakit kailangan niya akong saktan ng ganito. Binigay ko sakanya lahat. Halos kalimutan ko na sarili ko. Shit naman.” Humahagulgol na siya sa akin. I feel bad for her. All I can do is to listen to her and comfort her.
“Pinuntahan ko si Casey sa bahay nila kanina. Ayaw pa akong papasukin ng maid nila, may sakit daw kasi si Casey. Tapos nagpumilit akong pumasok, Nakita ko na lang, he’s with another girl sa sala nila at ang sweet nila. Ayoko naman na mag-isip ng kung ano. Bigla na lang siyang tumayo. Tanong ko sa sarili ko ’Akala ko ba wala siyang sakit eh nakikipaglandian pa siya dito sa babaeng to’ Tinanong ko siya ‘Ano ‘to? Sino siya? KAYA KA BA HINDI NAKIKIPAG-USAP SAKIN DAHIL SA BABAENG ITO? ANO BA? SUMAGOT KA?!’ Hindi ko na napigilan yung sarili kong sumigaw. Ang tanging sinabi lang niya sakin eh. ‘Sorry Fatima. I didn’t meant to hurt you pero…’ Sinabi ko na lang na tama na. Huwag na siyang mag-explain at nasa harapan ko na yung sagot.” I was so shocked. How can he hurt her? After all the love she gave him? Makakapatay ako ng di-oras dito eh.
“Tama na Fatima. Wag ka ng umiyak. He’s not worth your tears.” I rub her back. Nakatulog na lang siya sa kama ko sa sobrang pagod kakaiyak.
Nagmuni-muni muna ako bago natulog. Inisip ko yung nangyari kanina sa party. Dalawa lang naman ang espesyal na nangyari. Nakita ko yung mala-prinsipeng lalaki at yung napaka-rude na mokong na yun. Nakakainis siya naman talaga yung biglang sumulpot at natapunan ko siya ng juice eh. Tiyaka nag-sorry na naman ako eh. Psh. Nakatulog na ako noon, kakaisip.