***CHAPTER 3***
First Day of School at St. Mary’s High (S.M High) June, Monday.
“FATIMA! GUMISING KA NA NGA DIYAN!!!!!!!!!!” Nauna na akong nagising, nagpagising kasi ako kay ate kring.
“Errrr….5 minutes. Pwede?” 5 minutes na naman?! Kanina pa yan nakaka 30min. na siya. Nakaligo na ako lahat lahat, siya tulog pa rin. Ganyan ba talaga epekto ng heartbroken? Pati-first day of school kailangan madamay? Ayoko ma-late.
Winisikan ko nga ng malamig na tubig ang bruha. “What the?! Eto na nga eh, mag-aayos na!”
“Good.” Sabi ko naman.
Naglakad na lang kami papuntang school, nasa loob naman ng subdivision yung S.M High eh. Navy Blue uniform namen. May blazer, white na polo, necktie, knee high socks. Tapos kung gusto mo mag palda o kaya mag-trouser na black, basta depende sayo. Alam ko, blazer?! Eh ang init sa pinas. Lol. Siyempre may aircon sa loob ng room, pwede mo tanggaling yung blazer, pero actually hindi naman gaano kakapal yung blazer eh, kaya tama lang.
Pagdating namin ng school, siyempre madami ng estudyante. 8:30am start ng klase. Tinignan namin yung bulletin board kung saan naka-post kung anong section mo. Bigla na lang may lumapit sa amin at nagtanong.
“ATE! DITO KA RIN PALA NAG-AARAL PERO BAKIT NGAYON LANG KITA NA KITA?” Sabi nung babae, pero bakit parang pamilyar siya. Nagkita na ba kami dati? Tiyaka ate?! Close na ba kami?
“Ah..errr. Sorry?” Yun na lang ang nasabi ko. Si Fatima siniko ako at takang-taka na sa amin dalawa. Aba! Malay ko noh?!
“Oops! HAHAHAH Sorry. Natawag kitang ‘ATE’ teka hindi mo na ba ako kilala? Kaka-meet palang natin last week sa may party ah…” OHMYGOD! Siya yung pretty girl doon sa party na nagsara ng bunganga ko. Ok. I don’t even wanna remember that because it’s so embarrassing. Errr.
“OMG! Ivy, right? Sorry!” Hindi ko talaga siya nakilala. She looks different sa uniform niya. She’s prettier ngayon kesa sa party.
“Hehe. Ok lang. Sige tignan niyo na yung pangalan niyo…” sabi ni Ivy.
Nang hinahanap namin yung pangalan namin ni Fatima…OMG! Magkaklase kami! YEHEY!!!!!!! Ansayaaaaaaa. ‘4th year A*’ kami. Ibig sabihin ng ‘*’ sa A, eh ‘Star’. Ibig sabihin magkaiba ang ‘A*’ sa ‘A’. Mas mataas yung ‘A*’, pagkatapos noon eh, B, C, D, E…Gets? Aba napasama pa kami doon, biruin mo yun. Haha
“4TH year na pala kayo? Akala ko pa naman third year!” Sabi ni Ivy, malungkot. 3rd year pa lang pala siya…
“Oo eh…Ako nga pala si Fatima.” Sabi ni Fatima.
“Oh. Lyka, Fatima, If you don’t mind, Pwede ko ba kayong tawaging ate?! Tutal, 4th year na naman kayo eh? Antagal ko na kasing gusto magka-ate eh…”
“Oo naman!” Haha. Sabay pa kami ni Fatima na nagsabi.
“Ayos! Tara hatid ko na kayo sa room niyo.” Yes. Hindi na kami maliligaw. May-tour guide na kami.
Nasa 4th floor yung room namin. Enfairness. Sobrang laki ng school na eto. Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa room. Tamang-tama nag-ring na rin yung bell. May nakatayo na doon sa harap ng room yung teacher, kami ata yung hinihintay.
“Dito na kayo, Dadaan ako dito mamayang break/recess. Bye!” Iniwan na kami ni Ivy. Half-day lang kami kasi first day of school nga diba.
“Hi girls, I guess, kayo yung new student dito. Ako nga pala si Mrs. Gonzales, adviser ng 4th year A*. Halina kayo, papakilala ko na kayo!” pumasok na kami sa loob. Grabe ang ingay nila pero enfairness, malinis yung room, kahit na sobrang ingay. Ganun ba nila na-miss ang isa’t isa?!