***Chapter 12***
Lyka’s POV
Nakakahiya, ihahatid pa daw kami ni Mr. Ramirez. Yun ang sabi niya nung inutusan niya si Keith na mag-bihis ulit ng uniform. Nililigpit na nung mga katulong yung pinagkainan namin. Eto naman si Ivy, kanina pa nangungulit nung kumakain kami, tinatanong kasi niya kung anong nangyari samin ni Keith. Ako naman, nahihiya magsalita at katapat ko yung magulang niya kaya sabi ko sa school na lang. Inaya kami na pumunta sa may garden nila. Malapit dun yung parking lot. Parking lot lang ang tawag? Andaming kotse eh. Mga 6 ata. Kaya parking lot na ang tawag. Tigi-tig isa ata sila eh. Inaantay na namin si Keith.
“Nako po Sir Ramirez, hindi nyo na po ako kailangan ihatid. Maraming salamat po sa lunch. At tyaka kaya ko na naman po pumunta ng school tutal malapit lang naman po eh. ”
“No. It’s fine. Huwag ka ng mahiya. Tyaka napansin ko din na hindi ka pa ok maglakad. Ihahatid ko kayo nila Keith. Ok? At isa pa. Huwag mo na akong tawagin na ‘Sir’. Call me Tito, Tito Samuel.”
“Oo nga, Lyka. So, from now on ang tawag mo na din sa akin ay Tita Kalie, ok? Ahmm, pwede din mother-in-law, if you want!” Yun oh. Nanlaki mata ko.
“Mommy talaga!” Siniko ni Ivy si Tita. Perness, cute ng name nila ni Tito Samuel. Bagay! Samuel and Kalie.
“Ughm… Tita na lang po, mukhang malayo yung mother-in-law.” Sinabi ko habang natatawa ako. Ito talagang si Tita palabiro. Not really funny. Yung anak niyang yon? Yung masungit na monster na yun, magiging... AH BASTA NEVER! NEVER.
Ilang saglit lang bumaba na si Keith at andito na nga siya, mukhang badtrip, ayaw pa naman niya na pumasok ulit. Ang tamad talaga!
“Dad. Tara na.” Pumasok na yung dad niya ng kotse. WOW! Yung kotse na gagamitin namin ngayon ay yung latest model ng Range Rover at ang elegante kasi white yung kulay! Yung dad pa talaga magda-drive. Eto naman si Keith, pinagbuksan ang sarili niya ng pinto, tapos sinara niya ulit. Tignan mo ‘to wala talagang ka-gentleman sa sarili niya, kaya ayun si Ivy ang nagbukas ng pintuan at pumasok na siya. Natatawa na lang si Ivy. Nasa gitna namin si Ivy. Tama lang yun, dahil baka magka-world war 3 ng wala sa oras, kapag pinagtabi kami.
“Bye, hon. Ingat.” Kumaway si Tita Kalie kay Tito Samuel, napatingin din siya sa akin at kumaway. Hindi kasama si Tita Kalie sa amin.
Si Ivy, busy sa phone niya at hindi ko din maiwasan tumingin sa kanan ko, kung saan andun si Keith na malayo ang tingin. Natutuwa kasi ako at nararanasan niyang ma-badtrip katulad ko na sobrang badtrip sakanya. Nung napatingin ako sa rear-view mirror nakita kong nakatingin sa akin si Tito. Hindi ko namalayan may ngiti pala sa labi ko habang tinitignan ko si Keith kaya napangiti din si Tito sa akin. Nakakahiya siguro nakita niyang sumulyap ako kay Keith. Eh, bahala na. After 5 minutes andito na kame sa school. Walanghya dapat nilakad ko na lang ‘to eh. Ang lapit lapit kung hindi lang makirot tong sugat na ‘to eh.
Lumabas na si Keith ng kotse at nagpaalam din siya pero mahina lang.
“Maraming salamat po, Tito.” Yun ang sabi ko at nag-bow ako.
“You’re welcome.” Nagtataka niyang sabi.
“Bye, Dad. See you later.” Humalik na rin si Ivy kay Tito at tyaka lumabas.
Ito namang tao sa labas, mga school mate namin, pinagtitinginan kami. Ano pa nga ba? Lumabas lang naman ako ng kotse ng mga Ramirez. Ano naman ba? Issue na naman ‘to?
‘Kanina lang war sila, tapos ngayon magkasama na sila.’ Yan ang mga naririnig ko nung pumasok na ako ng campus ng nakayuko.
Shhhh. Never mind those crazy school girls. Tingala lang, may ganda ka naman ipamumukha sakanila. Meron nga ba? Ampanget ko kaya. Yuko ulit. Haha . Biro lang. Hayy buhay. Tinignan ko kung anong oras na, 25 minutes na lang, time na para sa afternoon class, 1:00pm pa naman yung start ng klase ulit eh.