Chapter Nine:

78 2 1
                                    

***Chapter 9***

Eto na naman ako... nagigising, pumapasok para maasar ng isang alien from outer space or should I say, A MONSTER FROM MY NIGHTMARES a.k.a KEITH RAMIREZ!

Nakakasawa na araw araw siya na lang makikita ko... At ano na naman kayang pang-aasar ang gagawin niya ngayon? Ayokong alamin. Pwede ba.

Yung feeling na para ka lang nananaginip ng gising? Araw araw nightmare... Kelan ako magigising dito? GET ME OUT OF HERE!

Breakfast. Blah blah blah. Na-una na naman si Fatima, nakakainis bakit hindi siya marunong magintay. Ang aga pa oh…Aish~! Pagkatapos kong kumain didiretso na sana ako sa pintuan para lumabas, bigla na lang sumigaw si Ate Kring! Ohyeah! My nanny~! SHE'S THE BEST!

"Lyka~! Baon mo! Nalilimutan mo na naman! Ikaw talagang bata ka!" Sabay abot sakin ng lunch box ko.

"Hehe. Sige po! Una na ako~!"

"Hala sige, Bilisan mo! Kanina pa nag-aantay yung kaibigan mo sa tapat ng bahay!"

"Huh? Kaibigan?" Anong kaibigan? Sino? Hindi na ako nasagot ni Ate Kring kasi bumalik na siya sa ginagawa niya.

Paglabas ko ng bahay, laking gulat ko... Si Louie andun...Nakatayo siya, nakasandal sa poste, yung kamay niya nasa bulsa... OMG! Anong ginagawa niya dito? Binuksan ko na yung gate para makalabas ako...

"Louie, anong ginagawa mo dito?"

"Bakit? Masama bang sunduin ko ang bago kong 'GIRL' 'FRIEND'?"

"Hindi naman sa--" Pinutol niya yung sinabi ko...

"Hindi naman pala eh, Tara na! Baka ma-late pa tayo ." Kinuha niya yung bag ko, tapos nagsimula na siyang maglakad. Ang bilis niya. At tyaka yung bag ko >,<

"Louie. Ok lang, akin na!"

"Ayoko, I'm serving my new 'GIRL' 'FRIEND' here... Pagbigyan mo na ako, nang makabawi."

"Makabawi saan?"

"Because...'GIRL' 'FRIEND' na kita...For me, I think I owe you something kasi pumayag ka." Ano daw? Ang babaw naman netong lalaking ito.

"Ano ka ba? It's my pleasure noh! Tyaka! Ambabaw mo naman... Halos yata ng babae gugustuhin kang maging kaibigan, siyempre kasi..."

"Gwapo ako? Ganun ba?" Nakangiti niyang sinabi at natawa siya. OMG! Blushing to the max ang drama ko... Tina-try kong wag tumingin sakanya baka mahimatay ako. Help me!!!

"Ha? Oo! Gwapo na mabait pa! Oh DIBA? San ka pa? Edi kay LOUIE CRUZ NA!" Tumawa siya and... And... Yan na naman ang napakaganda niyang ngiti...

"Nambobola ka na niyan eh... Alam mo Lyka, Gusto ko yung kakaibiganin ako dahil sa kung ano 'ako' deep inside, hindi yung dahil sa 'itsura' ko lang. Yung true friend ba... " Seryoso siya sa mga sinasabi niyang yun at ako naman parang inosenteng estudyante na nakikinig sa napaka-gwapong teacher na yun...

“Ah… Hehe. Hindi ako nambobola. Honest lang ako sa nakikita ko. Nga pala… kanina ka pa ba nag-iintay sa bahay?”

“Hmmm di naman, mga dalawang oras lang.”

“ANO?!!!! Bakit--” Napasigaw ako, ano ba naman kasi ang trip niya ha? Nakakahiya.

“Woooow. Relax, Lyka. Niloloko lang kita siguro mga 1 hour lang.”

“ARE YOU SERIOUS? MATAGAL PA RIN ANG ISANG ORAS NOH!”

“Ok. Sorry na. Gusto ko kasing matyempuhan kung anong oras ka pumapasok. Mabuti nang maaga para maabutan kita, para sabay tayo. Hehe.”

“Errr…you don’t have to apologize. Nakakahiya lang kasi sayo, bakit kasi hindi mo na lang ako tinext? Tutal naman alam mo na number ko.”

“Gusto ko surprise eh.” Napakamot siya ng ulo niya. He’s so cute. Surprise? Anak ng tupa baka hanap-hanapin ko yan. Haha. Joke lang.

“Tsk. ” Ayun titigan lang ng onti tapos napangiti kami sa isa’t isa. ARGH!

Bago kami makapasok sa gate kinuha ko na yung bag ko. Para kaming batang nag-aagawan, ayaw pa niya kasing ibigay sakin eh, buti napilit ko siya. Hello? Siyempre ayokong pagtinginan kami ng mga school mates ko.

“Bye, Louie. Una na ako.”

“Teka sabay na tayo. Parehas naman tayo ng classroom ah…” Oo nga naman parehas lang kami ng room.

“Pero kasi…”

“Pagtitinginan tayo? As long as wala tayong ginagawang masama. Bakit ka mahihiya o matatakot? Nandito naman ako ah…’GIRL’ ‘FRIEND’ na nga kita diba? Bilang ‘BOY’ ‘FRIEND’ mo. Pro-protektahan kita. Kaw talaga, ambilis mo makalimot.” He pinched my nose. Errr, kanina pa siya, pano niya nababasa yung nasa-isip ko? Ok. Fine, siya ang boss ko. Kilig ako sa sinabi niya. >.<

“Ok. Fine, boss.” I smiled at him. Ngiting wagas. Hindi ko mapigilan eh.

“Psh.”

Sabay nga kaming naglakad pero nung nasa first floor pa lang kami… Pinagtitinginan kami ng mga tao. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Yung iba pinagtatawanan ako, ano bang meron?

May mga nakakumpol na mga estudyante na tila may tinitignan sila sa wall, bulletin board whatsoever. Psh. Pake ko. Hanggang sa may natapakan akong yellow paper. Pinulot ko yun at ang nakasulat eh...

"LYKA HERNANDEZ IS A BITCH. GO AWAY!" WHAT THE FUCK IS THIS? ARGHHHH. Ano naman ba 'to hah?  HALOS MAIYAK IYAK NA AKO. Wala naman akong ginawang masama ah... Bakit ako yung tinitira?

"Look who's here. Hindi ko alam pwede pa lang makapasok sa S.M High ang isang tulad niyang...BITCH!" Sinabi nung isang babae at nakapamewang pa.

"WATCH YOUR MOUTH YOUNG LADY!" Sinabi ni Louie. Pinagtatanggol niya ako.

"PERO LOUIE...! Nilalandi ka din niya! Una si Keith, ngayon ikaw. Tapos sinong kasunod? Si Khalyl at Aaron?"

"Kung walang magandang salita ang lumalabas sa bibig mo, YOU BETTER SHUT YOUR  MOUTH! O baka naman gusto mong ako ang gumawa ng paraan para maisara ng mabuti yang bibig mo? Sinasabi ko sayo, hindi mo magugustuhan so...BACK OFF!"

"Lyka, wag mo na lang silang pansinin." Sagot ulit ni Louie. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Umakbay sakin si Louie para alalayan akong umalis dun, pero sa sobrang inis ko tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakaakbay sakin...

Napansin kong yung tinitignan nila sa pader at yung hawak kong papel, iisa. Pumunta ako sa mga taong nakapaligid dun sa may side kung saan nakadikit yung mga papel. Pinagtatanggal ko.

SHIT. KEITH! OO TAMA SI KEITH! SIYA MAY PAKANA NETO. SIYA LANG NAMAN ANG TANGING GAGAWA SAKIN NUN. ANO BA? 2nd week pa lang ako sa skul na to ang lala na ng nangyayari sa akin. Natanaw kong may nagbabasketball dun sa may gym, nagbabakasaling andun si Keith. Siguro wala pa yun sa classroom tutal maaga pa naman. Gera ang hanap ni Keith. At andun nga ang mokong nakikipagtawanan at nakikipaglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan niya. Pumunta ako sa harapan niya sabay tapon ng mga papel sa mukha niya.

"ETO BA? SALAMAT HA? SIRANG SIRA NA REPUTASYON KO! ANO? MASAYA KA NA? ANG BABAW MO KEITH. ALAM MO BA YUN?" Pinulot niya yung papel na binato ko sakanya.

"ANO BANG PINAGSASABI MO? ANO 'TO?" Aba! Yung mukha niya pa-inosente effect habang tinitignan yung papel. Di na ubra yan.

"WAG KA NG MAG-MAANG MAANGAN PA! PANALO KA NA! SO KUNG PWEDE LANG TAMA NA TIGILAN MO NA 'TO, TIGILAN MO NA KO!"

"LYKA, PLEASE. I DON'T EVEN KNOW WHAT YOU'RE TALKING ABOUT, SO LEAVE."

"ANONG HINDI MO ALAM? KAPAL MO. KAKASABI MO PA LANG KAGABI NA MATULOG AKO NG MAHIMBING DAHIL YUN NA ANG LAST PEACEFUL NIGHT KO. SO ETO BA? ETO BA YUNG IBIG MONG SABIHIN HA~~~" Andami ngang tao sa gym pero wala akong pakelam.

"Hindi ka ba titigil?"

GERA HANAP NIYA PWES ETO NA NASA HARAP NIYA!

"SHIREOYO!!!!!” URGHHH. NAPAPA-KOREAN TULOY AKO SAKANYA! BWISIT TALAGA. (Shireoyo=I don’t like(korean))

"Naku talaga 'tong babaeng to!"

O___O

What does he think he’s doing?

My Beautiful NightmareWhere stories live. Discover now