Chapter 11: (Part 1)

60 2 1
                                    

Chapter 11 (Part 1)

Keith’s POV

***FLASH BACK

Nasa gym ako ngayon, naglalaro ng basketball, saglit lang naman ‘to dahil maya maya magta-time na. May mga kalaro din ako, kasama ko si Aaron at Khalyl, pati na rin yung ibang varsity player. Asan na ba si Louie? Ewan ko ba dun nawawala nalang bigla, samantalang tinext ko siya kagabi na pumunta ng maaga sa gym. Pumupunta ako dito ng maaga para makapaglaro, pero minsan lang naman, pwera na lang din kung may practice sa basketball. ANAK NG! Ganito naman lagi eh…ang aga aga andaming tao sa gym, karamihan babae. Nagtitilian pa, ang sakit sa tenga!

“Bro! Alam kong naririndi ka na…di ka na nasanay.” Sabi ng ka-varsity namin habang ipinasa niya sa akin yung bola. Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

‘WAHHH! GALING GALING TALAGA NI KEITH MY LOVE! 3 POINTS NA NAMAN.’

‘OHMYGOSH, NAGSMILE SIYA SAKIN!’

‘PLEASE BE MINE!’

‘KEITH RAMIREZ! I LOVE YOU!!!!’

Mga naririnig ko ngayon sa gym. Araw araw ata ganito eh!

Napatigil ako sa pagtakbo, pano kasi may bigla na lang sumulpot sa harapan ko at tinapon yung mga papel sa mukha ko. WTH? Ano naman ‘to? Si Ms. Juice. Anong problema niya?

 "ETO BA? SALAMAT  HA? SIRANG SIRA NA REPUTASYON KO! ANO? MASAYA KA NA? ANG BABAW MO KEITH. ALAM MO BA YUN?" Pinulot ko yung papel na binato niya sa akin.

"ANO BANG PINAGSASABI MO? ANO 'TO?" ANO NAMAN BANG GINAWA KONG MASAMA? Nananahimik na naglalaro yung tao dito eh.

"WAG KA NG MAG-MAANG MAANGAN PA! PANALO KA NA! SO KUNG PWEDE LANG TAMA NA TIGILAN MO NA 'TO, TIGILAN MO NA KO!"  WHAT THE? ANO BA, HINDI NGA AKO ANG GUMAWA NITO. BULLSHIT.

"LYKA, PLEASE. I DON'T EVEN KNOW WHAT YOU'RE TALKING ABOUT, SO LEAVE." Ang aga aga, nagsskandalo siya, dito pa sa gym na maraming tao.

"ANONG HINDI MO ALAM? KAPAL MO. KAKASABI MO PA LANG KAGABI NA MATULOG AKO NG MAHIMBING DAHIL YUN NA ANG LAST PEACEFUL NIGHT KO. SO ETO BA? ETO BA YUNG IBIG MONG SABIHIN HA~~~" Talaga naman. Kanina pa niya ako sinisigawan. Walang taong nanigaw ng ganito sa buong buhay ko, except magulang ko.

"Hindi ka ba tatahimik? Andaming tao dito sa gym." Sinabi ko ng mahinahon.

“SHIREOYO.” Huh? Anong lenggwahe yun? ANAK NG! NASA PILIPINAS SIYA PWEDE BA! 

(a/n)Shireoyo=I don’t want/like in Korean.

I can’t stand her anymore, kaya binuhat ko siya papalayo. Kailangan niyang kumalma muna. Pinapalo niya yung likod ko, tsss…anong klase ba siya mamalo? Napaka-weak.

"HOY! CUTTING KAYO! BUMALIK KAYO DITO." Papalabas na kami ng school at sinaway kami nung guard, nagpapatulong pa si Lyka dun sa guard. Wala namang palag sakin yung guard na yun eh, kasi alam niya na yung magulang ko eh isa sa mga stockholder ng school na ‘to.

“PASENSYA NA MANONG AWAY MAGSYOTA ‘TO!” Pinalo na naman niya yung likod ko. Ano bang problema nito?

Gusto na niyang ibaba ko siya nun, pero ayoko. Kailangan namin mag-usap ng maayos kaya dinala ko siya sa park…malapit lang dahil sa likod lang ng school yun. Nung binaba ko na siya, di ko sinasadyang mailapag siya sa damuhan.

“Bigat mo. Mag-diet ka naman. Ok.  Dito sa walang tao, skandalosa ka, sa maraming tao pa talaga napilimo eh noh..." Di naman talaga siya mabigat. Trip ko lang siyang asarin, yung mukha niya kasi, nakakatawa pag naka-simangot.

"Skandalosa ka jan. Hindi naman mangyayari 'to kung hindi dahil sa papel! Aish~ ambabaw mo kasi!" Eto nanaman siya dakdak ng dakdak.

And the conversation with her goes on. WALANG TIGIL YUNG BUNGANGA NIYA, PARANG GRANADA. DAMN IT! Nag-eexplain ako sakanya, sinasabayan niya. Ano ba naman ‘tong babaeng ‘to? Ang laki ng saltik sa ulo niya! Naririnig ko pa siyang bumubulong sa sarili niya.

My Beautiful NightmareWhere stories live. Discover now