Chapter 14

45 2 2
                                    

Chapter 14

Right. I was dumbfounded when he left. Ni hindi ko alam ang gagawin ko.  Why is this freaking happening to me? Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Magkatabi pa naman kami ni Louie sa klase at to think tapos na yung break.

Nagsimula na akong maglakad para umakyat na sa classroom, tamang tama kaka-ring lang nung bell nung nakapasok ako sa room namin at wala pang teacher. At bakit nakatingin at wagas kung makangiti 'tong mga 'to sa akin?

"Ehem. Haba ng hair mo teh. Paluhod luhod effect pa sayo si Louie ah." Pang-asar ni Nikki.

Nanlaki mata ko! HUTAENA! PAANO NILA NALAMAN?!!! Naglakad ako papunta sa upuan ko ng nakayuko. Naghihiyawan na yung mga kaklase ko! Si Louie, walang pakialam, nagbabasa lang ng libro. Eh kung try niya kaya niyang i-explain kung bakit siya lumuhod sakin. Issue na naman!

"What?! May namumuo na ba sa inyong dalawa?! AWTSU! PANO NA KO LOUIE BABY?!" Dagdag ng isa pa naming classmate na si Beatrice.

"Duh? Malamang! Ang sweet nga nila kahapon eh, pinagtanggol ni Louie si Lyka! Hehehe." Sagot ni Jane kay Beatrice.

*BLAG!*

Nagulat kaming lahat, bigla na lang kasing sinipa ni Keith yung upuan sa harapan niya.

"TANGINA NAMAN!" Sigaw ni Keith. Shit ano ba! Kawawa yung sinipa niya.

What the f? Anong problema niya?! Kinuha niya yung bag niya at sinabit yung isang strap sa kaliwang balikat niya, tinitigan niya lang si Louie ng masama tyaka umalis sa class room. ANO BA 'TO?!

"PARE SANDALI LANG!" Tumayo kaagad Sina Khalyl at Aaron para sundan si Keith. Parang feeling ko andaming bubuyog, kasi naman nagsisimula na sila mag bulungan.

Napatingin sa akin si Fatima. Wala akong alam pwede ba!

"Uy. Tignan nyo nga yung upuan baka nasira!" Sira ulo din 'tong kaklase kong si Christopher eh. Ang tinanong pa kung ok yung upuan imbis na yung nakaupo sa upuan. Lakas topak talaga, lalo na si Keith!

"Sus. Parang di na kayo nasanay dun parating mainitin ang ulo nun ni Keith. Ok lang ako, SALAMAT AT NAGTANONG KAYO AH!" Pilosopong sagot ni Russel, yung nakaupo dun sa upuan na sinipa ni Keith. Tinignan ko si Louie, naptingin siya sa akin pero umiwas din siya ng tingin. Bakit parang wala lang sakanya yung nangyayari?

"Si Jane at Beatrice kasi eh nagalit tuloy si Keith, alam na alam niyo naman na may..." Reklamo ni Maine. Pero agad agad naman tinakpan  ni Cess yung bibig ni Maine. 

"SHHHH! ANO KA BA! ISA KA PANG MADALDAL EH!" Teka lang ah? TEKA TALAGA! May hindi ba ako alam, kami ni Fatima? Oo nga pala, bagong lipat lang kami sa school na ‘to, kaya ano naman ang alam namin diba. Anong ba talagang meron?!

“Mapagpalang umaga sa inyong lahat.” Bati ng teacher namin sa A.P, buti dumating na siya, late pa ampotek!

“Mapagpalang umaga po, Ginoong Flores!” Agad agad kaming tumayo para suklian ang pagbati niya.

“Maupo na kayo. Oh na saan na naman si Keith at yung barkada niya? Oo nga naman bakit pa ako nagtanong halata naman at nagloloko na naman yung mga yun.” Tch. Siya rin sumagot ng tanong niya. Nakakabagot lang at teacher din namin siya sa Filipino, pagkatapos pa naman ng A.P eh Filipino kaagad. Bali isang oras at bente minutos namin siya makakasalamuha ngayong araw na ‘to. Nosebleed naman oh! Tagalog na tagalog! Alam niyo yun? Yung mga malalalim na tagalog ang kinaiinisan ko eh.

“Kumuha ng ika-apat na bahagi ng papel.” Yan na nga ba ang kinakatakutan ko eh, quiz ka agad?! Buset! Di pa nga niya, dini-discuss samin yun eh, pero sinabihan naman niya kami kahapon na, magbasa ng El Filibusterismo. EH TALAGA NAMAN, HINDI NGA AKO NAKAPAG BASA DAHIL, wala lang tinatamad ako pero hindi lang dahil dun, gawa na din nung kahapon. Naapektuhan tuloy pag-aaral ko. Keribels na nga ‘to wala na din namang choice eh.

My Beautiful NightmareWhere stories live. Discover now