Chapter 16
Kinabukasan…
Ayun, di pa rin nawawala yung mga bulung-bulungan, tungkol sakin. Pagpasok ko pinagtitinginan ako. Sikat ako eh. Pero as long as na kasama ko si Ivy, wala naman nagtatangkang manakit sakin, o kaya kay Fatima. Afternoon class namin kahapon, bigla na lang nawala si Louie. Kaya medyo lumuwag pakiramdam ko. Feeling ko di ko siya kayang harapin eh.
“Ano dali na! Pili na tayo kung ano gusto natin sa Non-Academic, tyaka Academic!” Nagmamadaling sabi ni Fatima. Non-Academic meeting kasi ngayon eh, tapos next week yung Academic meeting. Pagtapos ng lunch yun. Kaya wala kaming afternoon class. Para yun sa buong highschool. Yung bang pipili ka ng subject na gusto mo for example, Sports Club, Chess Club, Music Club, Computer Club at TLE Club yun ay sa Non-Aca. Para sa Aca naman, Filipino Club, English Club, Math Club at Science Club. Blah blah blah.
“Sports Club na lang, boring sa iba eh!” Sabat ni Ivy.
“Oh yeah! Yun din yung club na pinili namin dun sa dating school namin!” Yes! Volleyball din.
“Ok, tara na sa gym! Baka full na dun, kaya bilisan na natin.”
Gaya nga ng napag-usapan, nagpa-lista na kami na sasali kami sa Sports Club kay Coach Torres. Andami ngang lalaki eh, para siguro sa basketball. Pagkatapos nun, nagpalit na kami ng pang P.E sa girls changing room sa loob ng gym. Pinagtipon-tipon kami sa gym pagtapos namin mag-bihis at may sasabihin sa amin si Coach.
“Ok, you can play now!” Coach Torres. Tsss. Yun lang?
Pagtapos nun, bigla na lang nagbukas yung pintuan ng gym. TATLONG MOKONG ANG LUMABAS! Malamang, si Keith nga at ang kanan at kaliwang kamay niya na sina Aaron at Khalyl! Oh asan si Louie? Oh bakit ko siya hinahanap? Timang ko talaga. Feeling ko gusto ko mag toilet nasusuka ako eh, makita mo ba naman mukha ni Keith eh. Pati ba naman sa club na pinili ko, andito siya?! Ano pa nga bang magagawa ko varsity siya ng basketball kaya malamang Sports Club siya. WHAT IS LIFE?
“Ehem, ehem!” FOR HEAVEN’S SAKE, FATIMA STOP IT! Nang-aasar na naman ba sila, si Ivy din ngiti ngiti pa diyan.
“Shut it.”
“Haluh! Wala nga kaming sinasabi diyan eh.”
“Ano ba maglalaro ba tayo oh hinde?” Galit na ko sobra.
“Shet Lyka! Makatitig sayo yun oh, wagas!” Ano naman trip nitong si Fatima? Napatingin ako kung saan siya nakatingin. Nakatingin samin si Keith habang kausap niya si Coach . Ayoko naman mag-assume na ako yung tinitignan ni Keith, baka nababanlag lang siya. Bwahahahah. Pero feeling ko nga sakin siya talaga nakatingin, balak yatang tunawin ako eh, kaya tinititigan ko din siya. Titigan kami dito. Umiwas na din ako ng tingin, nakakapagod ng tumitig. At parang nasusuka na naman ako dahil nag-smirk na naman siya.Yuuuck! Ewww!
Pagtingin ko sa likod ko, nawala yung mga kasama ko,yun pala naka-upo na sila, parang pumwesto na sila sa taas para manood ng kung ano man. Ako naman, inakyat sila.
“Akala ko ba maglalaro tayo?”
“Ate, excuse me.” Sambit ni Ivy habang pinapaalis niya ko, nakaharang kasi ako sakanila, tila may pinapanood sila.
Ang nakita ko na lang nakapwesto na yung mga maglalaro ng basketball, pero nakaupo pa sila sa may bench. Kasama si Keith at yung barkada niya. Mukhang seryoso sila Ivy at Fatima kaya napa-upo na rin ako.
“Alam mo mukhang di na tayo makakapaglaro kasi kita niyo naman sakop nila buong court.” Si Fatima. Bigla na lang sila nagtinginan sakin. May something ba sa mukha ko?
“Tara ate, sa labas tayo maglaro.” Huh? Oh bakit nila ako niyayayang lumabas? Teka! Mukha nila parang gulat na gulat. Parang kanina lang excited sila manuod. Napatingin ako sa court at nakita ko si… Louie nakapwesto din siya para maglaro.