Chapter 15
Fatima’s POV
“CLARISSE!” Pangalan siguro yun ng sasampal kay Lyka, napaka bruhaaaaaa! Napalingon kaming lahat. Tumakbo yung sumigaw papunta sa amin.
“Ayos ah, ano bang sinabi ko sainyo kanina? Di na kayo nakinig sakin noh?” Si Ivy! Nakapamewang pa! Ang cute talaga niya kahit kelan.
“S..ssorry! Sorry Ivy! Wag mong sabihin sa kuya mo--”
“ALIS SA HARAPAN KO!!!!!!!” Nagsitakbuhan naman yung mga babae. Sa liit ni Ivy na ‘yon at sa mga dambuhala ng limang babae na yun?! Hahahahah! Nice one! Di naman gaano maliit si Ivy, mga 5 ft siguro.
“Uy Ate! Ok lang kayo? Loko yung mga yun, sinabihan ko na kanina tapos di pa rin ako pinakinggan. Hmmmp!” Nag-aalala niyang sabi. Nagsimula na kaming maglakad para pumunta sa garden.
“Ok lang ako Ivy, salamat at dumating ka hah! Actually, kaya ko rin naman patumbahin yung mga yun eh. Haha!” Ako na mayabang, pero talaga naman eh, pagtitirisin ko lang yung mga yun.
“Pero lakas tama din nung mga yun sa kuya mo at sa mga barkada niya noh?” Tanong ko sakanya.
“Kaya nga eh, ayaw nilang masira yung reputasyon nila kela Kuya. Tsss, simula pa lang sirang sira na dahil hindi naman gumagawa ng matino yung mga yun. Ka-year ko din sila, yun nga lang class F.” Teka dalawa lang ata kaming nagkikibuan dito? Kanina pa tulala si Lyka pero ung nakaupo na kami sa may bench sa garden, nilabas ni Lyka yung lunch box niya sa bag at tyaka binigay sa akin. Parati na yan nagbabaon tapos binibigay lang sa akin, ayaw kasi niyang pumunta sa canteen dahil andaming asungot dun. At ayoko din naman, makikita ko lang dun yung... nevermind.
“Ate Fatima, anong problema nun?” Ngumunguso pa si Ivy para ituro si Lyka.
“Hayaan mo yan.” Ang tanging sagot ko. “Ivy, kumain ka na ba?” Tanong ko sakanya.
“Di pa nga eh. Dumeretso kagad ako sainyo. Hehe” ^___^ -Ivy.
“Sira ka talaga. Oh eto sayo spoon gamitin mo tapos sakin yung fork. Share na tayo dito.” Binigay ko sakanya yung spoon, share na kami dito sa food ni Lyka. Ang dami kasing maglagay ni Ate Kring eh noh, sandamukal na kanin at ulam.
“As usual di ka na naman kakain yung isa diyan.” Pagkasabi ko bigla nagulat si Lyka.
“Huh…ah.. ano? Ano ulit yun?” Napa-iling nalang kaming dalawa ni Ivy.
“Ano ba kasi--”
“Ah yung kanina ba sa garden? Wala lang yun, si Louie kasi, pinalitan niya ng band-aid yung sugat ko.” OHMY! Yun pala ang dahilan. Yun din ang tinutukoy nung babae kanina kung bakit pati paglagay ng band-aid di pa niya malagay!
“Angshh…weet…nomnom...” ANO DAW? Adik ‘to si Ivy, di muna kasi nguyain at lunukin yung pagkain niya bago magsalita.
“*swallow* Ang sabi ko ang sweet naman ni Kuya Louie ko!” Ayan malinaw na.
“Lyka, kanina din pagpasok ko. Bakit ka na-una? Tyaka bakit andun si Louie sa labas ng bahay, tapos hinanap ka niya sa akin, eh sabi ko wala na-una ka na, kaya nakasabay ko siya pagpasok, pinagchichismisan nga ako ng mga babae kanina eh kasi kasama ko si Louie eh. At higit sa lahat ano ba talagang meron sa inyong dalawa?” Ang sakit na ng ulo ko, ano ba kasi talagang meron.
“Boyfriend ko yun. Hehe~”
Lyka: ^____^
Ivy at ako: O______O
“ANO?!!!!!!!!!!” Sabay naming sigaw ni Ivy kay Lyka! WHAT THE FUDGE? NI WALA MAN LANG SIYANG KINIKWENTO SA AMIN!!!
“HEP HEP HEP HEP-------” Tumayo pa siya, tapos winawagayway niya yung kamay niya na para bang sinasabi niya na tumigil kami at makinig sakanya. Tsss, nakakatampo na.
“BOY. FRIEND. Na-gets niyo ba? LALAKING. KAIBIGAN! Inuulit ko LALAKING. KAI-BI-GAN. OWKEIIII! O.A LANG TAYO MAKA-REACT MGA TEH?” AH… YUN PALA YUN! BOYFRIEND PALA AH! Kanina lang ang pangit ng mood niya tapos sasabihin niya sa amin na boypren niya si Louie tas nakangiti pa. Nakakaloko lang ah.
“Gaga ka, di mo sinasabi na boypren mo yang si Louie.”
“Kaibigan nga! Hindi boyfriend. Sorry na.” Bumalik na naman yung pagka-bad mood niya.
“Ano kasi…” patuloy niyang sabi. “Ewan ko basta kaibigan ko siya at kaibigan niya ako. Yun ang alam ko.”
“Bakit ka niya sinusundo kanina ah? Nanliligaw na ba yun sa’yo?” Nagtatakang tanong ko sakanya, kaibigan lang yun, eh may pasundo sundo effect pa siya?
“Gaga, gentleman lang talaga siya.” Ginaga pa ko neto. Hmpp!
“Teka? Talaga? Sinusundo ka niya Ate Lyka? Hmmmm… siguro wala naman meron sainyo noh?”
“Wala. Ano ba kayo.” Naiinis niyang sabi.
“May girlfriend na kasi yun eh.” Dagdag ni Ivy. Teka. Huwaaaaaaaat?
Lyka’s POV
‘May girlfriend na kasi yun eh’
‘May girlfriend na kasi yun eh’
‘May girlfriend na kasi yun eh’
Ano daw? Bakit paulit-ulit na lang yung naririnig ko.
“Ano nga ulit yun?” Nabibingi na ba ko?
“Sabi ko may girlfriend na si Kuya Louie. Bakit? Akala ko ba magkaibigan na kayo? Di pa ba niya naikwento sa’yo? Nako sorry, ate…..” Tinakpan ni Ivy yung bibig niya. Tsss, bakit ba siya nag-sosorry?
“May..mmm..may girl. May girl…friend na siya?” Mahina kong sabi. Bakit gan’to ba yung nafi-feel ko. Para naman ang bigat sa pakiramdam.
“Hahahaha! Bakit ka ba nagsosorry? Ok lang yun ano ka ba? Wala lang sakin yun.” Wala nga lang ba sa akin? Tama lang yun, idala na lang sa tawa!
“Tyaka, parang kelan lang nung maging mag-kaibigan kami, nung isang araw ata. Wala naman siyang nababanggit…pero ok lang naman. Sus!” Dagdag ko sakanila pero, nakatunganga pa rin sila saakin. Bigla na lang hinawakan ni Fatima yung kamay ko.
“Lyka, gusto mo siya noh? Umamin ka nga! Asuuuuuuus! Obyus na obyus eh, mga pinagkkwento mo sakin.” Ano bang drama ‘to inalis ko nga yung kamay ko sa pagkakahawak niya!
“Di ah! Kaibigan ko lang yun. Kaibigan lang din turing ko. Tyaka isa pa may girlfriend na yung tao…wag nga kayo!” Baliw ‘tong si Fatima, mamaya kung anong isipin ni Ivy sakin eh.
“Wag kang makinig diyan Ivy, may gusto yan sa Kuya Louie mo! Yung tawag nga niya dun, Prince ch--” Tinakpan ko yung bunganga niya para di na makapagsalita. Fatima naman eh!!!!!
“Prince charming?!” Tanong ni Ivy.
“Ok. Tutal buking na naman ako, edi sige na. Aamin na. Oo na, pero ano naman magagawa ko diba? Tulad ng sabi mo Ivy, may syota na siya.”
“Tsss, ok lang yun. Di mo naman mapipigilan magkagusto dun kasi gwapo talaga si Kuya Louie eh. Pero dun ka sa single…
sa kuya ko, try mo. Puahahahaha!” Sabay silang nag-apir ni Fatima at humalakhak!
“SHUT UP! NEVER OK! NEVER! AS IN!!! GUSTO NIYO SPELL KO? N-E-V-E-R! NEVER!!!! UBUSIN NIYO NA NGA YANG PAGKAIN NIYO! PINAGTITRIPAN NIYO NA NAMAN AKO!” Dagukan ko ‘tong mga ‘to eh.
“UBOS NA EH!” Grabe! Nasimot nila lahat yun? Ibang klase!