***Chapter 13***
Napaaga ang pasok ko ngayon gawa ng tinext ako ni Louie kagabi na susunduin ulit niya ako. Ang sabi ko wag na, pero ayaw niya. Ayokong sunduin niya ako. Sinusubukan ko nga na iwasan siya diba?
As usual ako lang ang magisa sa classroom ngayon, ang aga ba naman eh. Unti-onti ng nagdadatingan yung mga kaklase ko, ang iingay talaga parang isang taong hindi nagkita eh. Sabay na pumasok si Fatima at Louie. Nagulat ako dahil malamang feeling ko wala akong mukhang maihaharap kay Louie neto.
"Ang aga mo bruha ka!" Sigaw ni Fatima sa akin, tinuro niya ako at tyaka umupo sa upuan niya sa may second row. Ako talaga ang bruha? Loko 'to ah. Sumimangot lang ako sakanya.
Oh shit. Nakaupo na si Louie, pero bigla na lang niyang binasag ang katahimikan sa aming dalawa.
"Nakasabay ko si Fatima papunta sa school sabi niya nauna ka daw." Sinabi niya habang nakatingin sa blackboard. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh, disappointed siya. Aish!
"Oo, ano kasi... may dinaanan pa kasi ako eh. Sabi ko naman sayo wag muna akong sunduin..." Ang galing ko lang magpalusot. I'm such a liar.
"Paging Lyka Hernandez of 4th year A*, please come to the guidance office right now." Nagp-paging?! At ako ata yun ah? Alam ko kapag ginawa nila yun automatic na baka may ginawa kang kasalanan at siyempre may punishment, nabasa ko sa hand book namin. Oh well, ganun talaga, exclusive nga 'tong school na pinasukan ko diba? May pa-paging paging pang nalalaman.
"Paging Lyka Hernandez of 4th year A*, please come to the guidance office right now." Aish! Sabi ko nga ako yun eh. Eto na po papunta na. Ano naman bang ginawa ko? Tumayo na ako para pumunta sa guidance. Tinanong pa ako ni Fatima 'Bakit?' daw. Aba malay ko.
Kumatok ako sa pintuan. Kinakabahan ako, ano kayang meron?
"Come in."
"Please sit down, Ms Hernandez." Si Ms Agustine, ang head teacher ng 4th year.
"Bakit niyo po ako pinatawag?"
"Nakarating na sa amin ang gumawa ng mga posters na nagkalat sa school, tungkol sayo. We're trying our best para malaman kung sino ang gumawa nun sayo, but for now wala pa." Tsh. Kinabahan ako dun ah. Kakalbuhin ko lang naman ang gumawa nun.
"Ah ganun po ba? Ok lang po yun." Ok nga lang ba sa akin?
"Of course not. Hindi yun , ok. Nakakahiya kung sino man yun para gawin sa iyo at sa kung sino mang estudyante ng school na ‘to. Dapat lang ang punishment, he/she might be suspened for a week or two." Tumango lang ako.
"Siya nga pala Ms Hernandez, ang mga magulang mo ang tumawag sa amin tungkol dito."
"Po? Magulang ko?!" WHAT? MAGULANG KO? No way. At sinong nagsabi sakanila?! Ni ako nga, hindi ko pinapaalam sakanila eh.
"Yes. We're so ashamed na hindi namin ito nalaman kagad at nakarating ito sa mga magulang mo. We're so sorry." CCTV! Tama may CCTV ang school, pwedeng malaman kung sino ang gumawa nun!
"Pero ma'am, yung CCTV ho?"
"Ayun na nga at nakuha din ang kopya ng mga may gawa nun. Kaya lahat ng kuha sa CCTV kahapon, wala." Ang talino nga naman ng gumawa nun, ang sarap talagang kalbohin, ang tanga rin ng school na ‘to eh noh, paano nila hindi nalaman ang pangyayari sa mismong school nila.
"Well then, pumasok ka na sa klase mo, ininform lang kita."
"Sige po."
Naglalakad na ako papauntang classroom. Sa totoo lang ang mas iniintindi ko ngayon ay kung sino nagsabi sa magulang ko tungkol kahapon hindi dahil sa gumawa nun. Dahil wala na naman akong pake kasi alam ko na naman ang gumawa nun, si Keith! Yung mukhang yun? Halatang di makapagkatiwalaan.
Pagdating ko sa classroom, andun na yung first period teacher namin. Napatingin ako sa katabi ng upuan ko. Nako naman talaga! Bakit pa siya pumasok! Nakakainis! Kumukulo dugo ko eh.
"Papasok pasok matutulog lang pala." Sinabi ko ng mahina at padabog kong nilabas yung pencil case ko.
----
"Fatima sabihin mo nga sa akin kung sinong matinong tao ang magsasabi nun sa magulang ko?! Diba diba?" Kanina pa siya hindi umiimik, parang kausap ko eh hangin. Break time ngayon kaya sa garden ulit kami.
"HOY FATIMA! WAG MONG SABIHIN IKAW ANG--"
"Oo." Mahina niyang sabi.
"Ano?! Nahihibang ka na ba?!"
"Fatima naman, alam mo naman na nung last time na may nangyaring masama sa school natin, na na-involve ako. UMUWI SILA MULA ABROAD PAPUNTA DITO PARA LANG KAUSAPIN ANG SCHOOL KUNG ANONG NANGYARI. OO TAMA! ALAM MO NAMANG O.A YUN DIBA!!"
Anak ng patis naman. Ang sabi pa ng magulang ko 3 days ago na nasa Dubai sila para sa buisness trip. Alam naman niyang over acting ang magulang ko pagdating sa ganyan, at ako ang nahihiya at naiinis. At alam na alam ni Fatima yun.
"Sorry naman."
"Sorry? Bakit mo ginawa yun?!"
"Ayokong inaapi ka noh! Tyaka kailangan ng magulang mong malaman yun. "
"Inaapi daw. Ang daldal mo talaga kahit kelan."
"Sorry na…"
“Yeah right, oo na.” Siya pa, di ko yata kayang tiisin yang pinsan kong yan.
“Pupunta lang ako ng clinic, Fatima. Mauna ka na sa classroom.”
“Ok.” Kailangan ko na kasing palitan ng band-aid yung sugat ko.
---
“Good morning Ms. Nurse. Pwede po bang makahingi ng band-aid?”
“Band-aid na naman? Ano bang meron sa band-aid ngayon?”
“Huh?”
“Ah, wala wala yung dalawang gwapong estudyante kasi kanina humingi ng band-aid kanina, ngayon ikaw naman. Teka lang kukunin ko.”
“Ah…”
“Oh heto na. ”
“Salamat po.”
“Oh…” Paglabas ko ng clinic, bigla na lang may humatak sakin. Hinihila niya ako. Sa likod pa lang niya, alam ko nang si Louie yun. Wala na akong kawala sakanya. Dinala niya ako sa may garden at pinaupo sa may bench. Lumuhod siya sa harapan ko. Nagulat ako, ano ba kasing ginagawa niya. Tinatanggal niya yung band-aid sa sugat ko.
“Louie…” Hindi pa rin niya ako kinikibo, tinatanggal pa rin niya ng dahan dahan yung band-aid sa sugat ko, nung natanggal niya, may kinuha siya sa bulsa niya. Panibagong band-aid pala para sa sugat ko. Nagsalita na din siya.
“Hindi ko alam kung bakit mo ako iniiwasan, pero at least sabihin mo sa akin kung bakit at kung hanggang kelan.” Sinabi niya ng mahinahon ng nakatingin lang sa sugat ko. Nung nailagay na niya yung band-aid, umalis na siya. Ni hindi siya sa akin tumingin. Para akong nanlambot na ewan, di ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Ito na nga ba ang sinasabi ko, iniisip niya siguro na inaabandona ko na siya bilang kaibigan. Para sa ikabubuti naman niya ‘to ah.