***Chapter 7***
Lyka's POV
*KRRRRRING*
Grrrr. Monday na naman. Nagwawala na naman ang alarm clock ko. Omg! Ngayon lang ako nagising, 8:00am na! 8:30am start ng klase. Patay na ako, tulog mantika kasi eh. Naligo na ako at nagtoothbrush, nagbihis na din. Nagmamadali na akong maglagay ng sapatos ko, biglang may nagtext sa cellphone ko.
'Nauna na ako. Pasensya ka na antagal mo kasi magising eh. Baliktad ata tayo ng sitwasyon ngayon. TULOG MANTIKA! haha
-Fatima'
Bwisit! Nang-iwan ba naman. Usually, hindi naman ako ganito eh, maaga parati akong nagigising pero bakit ganun? Dahil siguro sa asungot na yun. Nawawalan na ako ng ganang gumising ng maaga at pumasok kasi alam kong sirang sira na yun dahil sakanya.
Saturday, wala naman magandang nangyari dahil nakakulong lang ako sa kwarto nun medyo hindi rin ako nakahinga ng maayos dahil nung nangyari sa Friday at may hangover na din. Bwisit na asthma kasi 'to eh, kasalanan ko dahil napa-inom ako. Si Fatima, wala. Pumunta muna siya sa bahay nila kasi umuwi yung parents niya galing abroad. Umalis siya ng Saturday ng umaga. Nagpaalam naman siya sakin sa text at babalik siya ng gabi ng Sunday, dahil babalik din kagad yung parents niya sa abroad. Parents ko nasa Cebu, before ng start ng pasukan ko sila umalis, ewan ko kung kelan sila babalik. Napaka-busy ng parents namin oh, pero ok lang din kasi para sa amin naman yun eh.
Sunday was a bad day for me. Bakit ba ganito ah… lumabas lang ako at pumunta sa may park, doon sa may playground para magpahangin. Nakausap ko yung yaya ng kapitbahay namin na nandun din, sinasamahan niya yung alaga niyang kambal. At least may makaka-usap ako. Mahilig ako sa bata kaya nagpakilala ako sakanila. They’re so cute. Babae at lalaking kambal. Gosh! Kung pwede ko lang sila i-uwi sa bahay gagawin ko. Nakakwentuhan ko yung yaya nila…she’s nice. Nakipaglaro ako sa mga bata. Ang saya saya kong nakikipaglaro sa mga bata kaso, nag-iba na naman ang takbo ng buhay ko at biglang sumama dahil nakita ko si Keith, natanaw ko sila sa may court dahil malapit lang din yun. Inirapan ko nga. Kasama niya sila Louie. Shit, nasa iisang village lang pala kami. Kaya hindi malabong magkita kami. Pati ba naman weekend siya makikita ko dito, pwede bang dun muna siya sa bahay nila at wag siyang lalabas? Naiirita ako.
---
Eto na, hingal na hingal ako dahil tinakbo ko yung school mula sa bahay namin dahil malapit nga lang. 8:27am! Ok pa yan, may tatlong minuto pa ako. Kapag siniswerte ka nga naman, 4th floor pa ang classroom ko. Hala! Sige takbo!!!!
Wow. Halos magkasabay kami ng teacher papasok ng classroom. Bubuksan ko na sana yung pinto kaso lang...pinigilan niya ako.
"Ms. Hernandez, where is your necktie?" Oh shit. Napahawak ako sa leeg ko.
"Sorry ma'am. I left it at home."
"Sino ba gumagamit nun? Bahay niyo? Let me just remind you na nasa section A* ka. Sige na pumasok ka na." Grabe naman ito nakalimutan lang yung necktie eh. Hindi ba pwedeng magkamali? Kaasar, kung maaga sana akong nagising walang problema.
Sabay kami pumasok ni Ms. Gonzales which is my advisor. Ganun pa din pagpasok ko maingay. I just wish na hindi pumasok yung 'Mr. Perfectionist' na yun, pero pagtingin ko sa side ng upuan ko, andun siya naka rest yung ulo niya sa desk niya. Anak ng tinapang tipaklong naman oh! Bakit?! Umupo na ako sa upuan ko. Si Louie nag-hi sa akin! Nginitian ko lang siya. Yun yun eh kahit papano nawawala pagka-badtrip ko.
Chineck lang ni Ms. Gonzales yung attendance at umalis na din. Dumating na yung teacher namin sa Math! Simula na para paganahin ang utak. Ayun... buong First to third period, tulog lang itong nasa right side ko. Ang galing talaga niya oh. After ng klase ng 1st-3rd period, break na! Aba! Nakaramdam ang mokong, nagising na! Hinila ko na si Fatima papalabas at ayokong makita ako ni Keith.