Chapter 11: (Part 2)
Keith's POV
“MOM! DAD! Kelan pa kayo dumating?” Laking gulat ko nang nakita ko magulang ko. Hinalikan ako ni mommy sa pisngi at niyakap. Akala ko wala na silang balak umuwi dito. Inaakyat na din ng mga katulong yung mga maleta nila sa kwarto. Nakapagpalit na din ako ng t-shirt, wala na din naman akong balak pumasok.
“I missed you, Keith. Ngayon lang din. And what do you think you’re doing? Sa kwarto pa talaga?” Sabi ni Mommy na natatawa pa.
“Nako po! It’s not what you think, ma’am, sir!” Umiiling na sabi ni Lyka.
“Is she your new girlfriend, Keith? Good for you, then.” Sabi naman ni Daddy. Tuloy tuloy ang pagtatanong.
“Dad! Hindi ko siya--” Anak ng! Hindi man lang ako patapusin eh.
“Oh, well. Bakit kayo nandito sa bahay? May pasok kayo ah? Kumain na ba kayo? Almost lunch time na. Nagpahanda na ako sa baba, bumaba kayo at kumain.” Tanong ni mommy. Hindi pa nga ako sumasagot eh, Isa pa ‘to si mommy. Bumaba na sila ni daddy ng hagdanan, parang tuwang tuwa pa sa reaksyon naming dalawa. Bigla na lang nansiko si Lyka at sinabing pabulong…
“Keith, nakakahiya. Sabihin mo papasok na ako. Ikaw na lang ang mag-explain ok?”
“Anong balak mo? Tatakas ka? Asa ka pa, walang makakatanggi sa alok ng mga magulang ko. Ikaw din mismo ang susuko. Kaya kung ayaw mong pahabin pa, sumunod ka na lang.”
“Pero…”
“Bahala ka.” Nauna na akong maglakad para bumaba ng hagdanan.
“Ui…saglit. Eto na nga eh.” Sumunod din siya. Arte…susunod na din pala.
Nakababa na kaming dalawa. At umupo na ako sa upuan. “Keith, be gentleman. How dare you?!” Sabi ni mommy. Ayoko na ring pahabain pa ang usapan kaya tumayo ako ulit para hilahin ang upuan para makaupo ‘tong si Lyka sa tabi ko. Nakakabagot. Nagsisimula na rin silang kumain. Ang pwesto namin, katabi ko si Lyka sa left side ko at katapat naman namin yung magulang ko.
“So, explain.” Sabi na naman ni mommy.
“Explain ang alin?” Sabi ko.
“Kung bakit andito kayo imbis na nasa school? At higit sa lahat bakit kayo nasa kwarto. Don’t tell me?!--”
“Gumawa siya ng eksena sa school. Tapos nadapa siya. Tinulungan ko siya. Dinala ko siya sa bahay at ginamot ko siya. Tapos! Mom, naman dumi rin ng isip niyo eh..” Sinabi ko habang naglalagay ako ng kanin sa plato ko.
“Really? Aw. Ang sweet naman ng son ko. At tyaka iha, you really look familiar, hindi ko lang alam…Hmmmm— SA PARTY BA YUN?!”
“Ah…opo.” Sagot ni Lyka.
“You’re the daughter of Mr and Mrs Hernandez. Isn’t it? They’re very close friend of ours, nagsimula yun nung nagtayo kami ng business sa Korea.” Sabi ni Daddy.
“Hmmm, oo nga pala! What’s your name again?”
“Lyka po…”
“Oh, parati kang kinikwento ni Ivy sa amin ng Daddy niya. Mabuti naman at nagkaroon na din siya ng kaibigan.”
“Ah…hehe…talaga po?”
“You’re very pretty, Lyk--” Napatigil si mommy sa pagsasalita dahil may biglang pumasok sa kusina…
“Ugh…I’m so hungry…Anong lunch?” Si Ivy pala…Si Lyka naman…parang nakakita lang ng multo.
“HUH? MOMMY! DADDY! When did you…? Ohmygosh! I’m so glad you’re here…Kakatawag niyo lang po sakin kanina…Andito na pala kayo, sabi niyo next month pa!!!” Sinalubong kagad ni Ivy ng yakap ang magulang namin…
“Ngayon lang din, sweetie…Akala ko ba sa school ka maglulunch?” Sagot ni Daddy.
“Wala po kasi si Ate Lyka at Ate Fatima, I can’t find them… kaya—OHMY!!!” Isa rin tong baliw…ngayon lang napansin na nandito si Lyka…
“ATE LYKA?! WHY ARE YOU HERE?” Napatingin sakin si Ivy, ako naman ay umiwas at napalunok.
“MAGKASAMA KAYO? TEKA, OK NA KAYO? HAHAHA OH, I GUESS, HINDI PA…” Pwede ba! Mangungulit na naman ‘tong mokong ko na kapatid. Sana pala diko na lang tinulungan si Lyka…
“Ivy, kumain ka na nga muna…andami mong tanong…” Inalalayan ni mommy si Ivy para tumabi kay Lyka. Nilalalgyan na rin nang pagkain ang plato nilang dalawa.
“Thanks mommy…”
“You’re welcome sweetie. Nako ikaw din iha! Kain ka ng mabuti, baka sabihin ng kumare ko hindi namin tinatrato ng mabuti yung girlfriend ng anak ko.”
“MOM?!!!!” Sigaw ko at nabilaukan din ako.
“HINDI PO!!!” Umiiling na sabi ni Lyka.
“Why? What’s wrong? Kayo naman diba? ” Pabalik na rin siya ulit sa upuan niya.
“HINDI SABI EH! KAYO LANG EH, AYAW NIYONG PATAPUSIN ANG SINASABI KO.” Nakakainis talaga.
“Ok, fine. Relax Keith. It’s been a long time na din ng nagdala ka ng babae sa bahay. Nakakapanibago lang. Oo nga pala…How’s-- ”
“Mom, Please! Don’t you ever mention her name.” Pinigilan ko na siya bago pa niya sabihin ang pangalan na…ayoko nang maalala.
“Sorry, dear.”
“Mommy talaga! Di ba nga, yung kwento ko sainyo, Kuya’s always making fun of Ate Lyka. It’s impossible na maging ok sila lalo nang maging ‘SILA’! Hahaha” Natatawang sabi ni Ivy. Nahawa na siya ng kasaltikan ng babaeng katabi ko.
Nag-uusap ang magulang ko tungkol sa business na naman. Si Lyka tahimik na kumakain, nag-uusap na din sila ni Ivy. Kumain na rin ako ng kaonti, kahit na ayoko. Alam ko namang pipilitin ako ng magulang kong tapusin ang pagkain ko... patapos na rin sila. Tumayo ako para umakyat. Magpapahinga sana ako. I had enough from this day. Nakakabagot talaga.
"Keith, isuot mo yung uniform mo, ihahatid ko kayo sa school."
"Pero dad! Ayoko---"
"No buts, Keith. Go and change!"
Wala na akong magagawa umakyat na uli ako. Tatay ko na may sabi. Kaya after 10 minutes ayos na ulit ako.