"Good morning, Stan!!" maligayang bati ni Tishka sa lalaking nagmamay-ari ng opisinang pinasok niya. Inilapag niya ang pulang Christian Dior bag sa couch ng binata at dali-daling lumapit sa desk nito.
Hindi man lamang siya nilingon o binati ni Stan. Seryosong nakatitig ito sa mga papeles na hawak nito.
"I bought you pasalubong from Australia. Nakita kong marami kang magugustuhang damit doon!" masayang kwento ng dalaga habang binubuksan ang mga paper bags na dala. "January ngayon kaya medyo malamig pa rin. Ibinili kitang sweaters, pullovers at mga jacket para naman hindi ka magkasakit." Inilapag niya sa desk nito ang mga damit na nabubuklat niya mula sa paper bag. "Black, gray and white usually ang mga binili ko kasi nga ayaw mo ng mga makukukay. May blue rin! Sukat mo."
Nang mapuno na niya ng damit ang desk ng binata, saka nito napansin ang presensiya niya kahit na kanina pa siya nag-iingay. "I'm busy, Bethieshka. I'm sorry. Iwan mo na lang 'yan diyan."
"Ganoon ba?" Ngunit hindi niya pinahalata sa binata ang pagkadismaya. "Alam ko na, maglunch na tayo. Mag-alas dose na rin naman, eh."
"I have a lunch meeting at twelve." Ni hindi siya tinatapunan nito ng tingin.
"What time will you go home today?"
"I don't know. We have an event tomorrow. So may techrun mamayang 7PM. I don't know until what time matatapos. Maybe 10PM or midnight or the wee hours of the morning." At may pinirmahan itong mga dokumento.
"Okay, sige. Papahinga ka naman ha?"
Tumango na lang ito.
Inilagay niya muli sa paper bag ang mga damit na hindi man lamang tinitigan ni Stan. "Aalis na ako. Iwan ko na lang 'to sa couch." Ngunit busy na muli ito sa mga papeles na binabasa. Kinuha na niya ang bag at binuksan ang pinto. Tinapunan niya pa ito muli ng isang tingin at saka lumabas na ng opisina ng binata.
Haaay. Akala niya mami-miss siya ng binata matapos ang dalawang linggong bakasyon niya sa Australia. Well, noon pa man din naman ay hindi na siya talaga nami-miss nito. Isang taon na silang engaged. Matalik na magkaibigan ang mga ama nila kung kaya't ipinagkasundo sila. Wala namang problema sa kanya dahil matagal na niyang gusto ang binata. Mula pa mga bata sila, may pagtingin na siya para dito.
Ngunit hindi niya alam kung may gusto ba sa kanya si Stan o kung sang-ayon ba ito sa pagkakasundo sa kanila ng mga pamilya nila. Never naman itong tumutol. Ngunit never rin naman niyang naramdaman na gusto nito ang mga pangyayari.
Tumunog bigla ang iPhone niya. Sairha calling... Sinagot niya ang caller.
"Tishka, grabe ka! Ni hindi ka man lang nagpasabing nakauwi ka na pala from Australia. I so miss you, girl! And the flower shop misses you, too. Come here quick na! I have a lot of kwentos already."
"Hi," medyo nanlulumong bati niya. "Papunta na-"
"Tish, ba't para kang namatayan?"
Tumawa siya. Ngunit halatang peke iyon. "Baliw." Pinindot na lang niya ang down button sa gilid ng elevator sa harapan niya.
"Hay nako. Don't tell me si Stan Lagdemonyo este Lagdameo na naman ang problema?"
Hindi siya sumagot. "Alam mo pupuntahan na lang kita diyan. Ang dami mong satsat."
"Ikaw, ah! Kung di ka na masaya, please itigil mo na pagpapakatanga. Tama na ang one year na tanga ka. Huwag ka ng magextension of contract at wala ka namang nahihita diyan."
Bumuntong hininga si Tishka. "Sairha, alam mo namang 'di ganon kadali ang lahat." Bumukas na ang elevator. Naroon si Ashton at biglang ngumiti pagkakita sa kanya. "Sai, I'll call again in five minutes. I'm going in the elev lang. Bye!"
"Hi, Bethieshka."
Pumasok siya sa elevator at pinindot ang close button. "Hello, Ashton."
"How are you? I heard from Stan you were in Aus for vacation."
"Yeah, I was but here I am! Back!" Ash is a good childhood friend pero hindi sila ganoon kaclose dahil ayaw sa kanya ni Stan. Kaya hindi rin niya ito masyadong kinakausap.
"When is the wedding? Wala pa bang date?"
Umiling siya. "Hindi pa settled, eh. Pero malapit na matapos ang planning." Lol, wala pa ngang napaplano.
"Have you had lunch? Namumutla ka."
"Really? I actually haven't."
"Hindi ka sasabayan ni Stan?"
Umiling siya at ngumiti. "Marami daw siyang aasikasuhin kasi may event daw kayo tomorrow. I understand naman. Good luck sa inyo."
"If I were him, I would never leave you alone." At ngumiti ito. "Do you wanna have lunch? With me?"
Natameme siya. Magagalit ba si Stan kung kakain siya with Ashton? Well, rival niya sa kumpanyang ito ang binata. Ngunit gutom na siya. Mas uunahin niya ang sikmura kaysa ang pagtutunggali ng mga ito. "Okay!"
BINABASA MO ANG
Regrets In The End [Completed]
RomanceShe loved him. But he never did. She moved on. Then, he noticed her. And realized he loves her after all. But it's all too late. She found another. And he will try to get her back. Even if it means going through hell and all. 👑 #1 teenromance 👑 #2...
![Regrets In The End [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/72735970-64-k75465.jpg)