Chapter fourteen

10.8K 238 26
                                    

Don't forget to vote and leave your comments para mas ganahan pa akong icontinue ang story na ito! :) Thanks so much for the support!

***

Nagising si Tishka ng marinig ang kaguluhan na malamang nanggagaling sa sala ng resthouse. Nasa second floor naman ang kwarto nila ni Stan pero masyadong maingay 'yong dumating na tao kaya nagising siya.

She tried to sit up and grabbed her phone na nasa side table drawer. Alas-tres na pala ng hapon. Napahaba nga ang tulog niya dahil naman puyat na puyat siya kagabi sa byahe nila pa-La Union. She opened her messages and found one from her mom.

Enjoy your pre-honeymoon, anak!

Grabe talaga ang ina niya. Talagang ibinubugaw na siya.

May 2 messages galing kay Sairha.

Girl, nasaan ka? Hindi ka ba papasok sa shop today?

Hoy, malanding babae! Ano itong narinig ko sa Mama mo na nagtanan na raw kayo ni Stan at ngayon ay nagha-honeymoon? Akala ko ba makikipaghiwalay ka! Bakit parang iba yata ang naganap? Paki-explain! P.S. Masarap ba? *evil emoji*

Nairita siya sa message ng kaibigan kaya nagreply siya kaagad. Hindi to honeymoon! Kinidnap ako ng walanghiyang lalaking to. At binalaan pa niya ako na kapag umatras ako sa engagement, papalabasin niya na may third party. Si Ashton. Demonyo pala talaga tong ex-fiance ko.

Narinig na naman niya ang maingay na boses na 'yon sa baba na nakakarindi. Tumayo siya at inayos ang sarili. Nagpalit na siya ng white shorts at white and black striped top kanina bago matulog. Binuksan niya ang pinto para bumaba. 

Habang pababa ng hagdan, nagpanting ang tainga niya ng makita ang isang petite na babae na nakalambitin sa leeg ng ex-fiance niya. Parang kumulo ang dugo niya sa nadatnan.

"Bethieshka!" bati ni Manang Judith na may dalang tray ng juice at biscuits. "Tamang-tama! Kadarating lang ni Margaux."

The girl who was called Margaux turned to her and smiled. "Oh my gosh! So she's the lucky girl, Stan?" Binitiwan nito ang leeg ni Stan at tumakbo para yakapin siya.

"Hi, I'm Margaux and I'll give you the wedding gown of your dreams," masayang bati nito sa kanya at inilahad pa ang kamay.

Ew! Ayaw niyang madumihan ng malanding kamay nito kaya nilampasan niya ito at lumapit sa asawa. Hinalikan niya sa mga labi si Stan at halatang nagulat ito sa ginawa niya. Pagkatapos ay ikinawit niya ang braso sa kanang braso ng binata.  "Hi, I'm Tishka, Stan's fiance." Ipinagdiinan niya talaga ang salitang fiance para malaman ng babaeng higad na ito ang lugar niya sa buhay ng lalaking binibitinan niya kanina.

"Y-Yeah, Bethieshka right?" 

Tumango siya. "Yeah, but Tishka will do."

"Babe, she's the one I'm talking about kaninang umaga," singit ni Stan. 

"Yeah, I figured," maasim na sagot niya.

"Magmeryenda muna kayo," alok ni Manang Judith at inilapag sa center table ang juice at mga biscuits na dala-dala. 

"Oh my gosh! Namiss ko tong mga biscuits ninyo, Manang Judith. Favorite ko to ever since," kumento ni Margaux at dali-daling kumuha ng biscuit.

Kukuha sana siya ng magpanting lalo ang tainga niya sa narinig. Ibig sabihin matagal ng dinadala ni Stan ang babaeng 'to dito sa resthouse niya. Tinitigan niya si Stan pero mukhang relaxed na relaxed naman ito. 

"Tishka, kumain ka na. Kakagising mo lang at hindi ka pa nagtatanghalian, hija," puna ni Manang sa kanya.

"Kakagising mo lang?" tanong ni Margaux.

"Yeah, pinagod kasi ako kagabi ni Stan," she smiled and looked lovingly at her fiance beside her.

 Stan has that weirded out look na parang hindi nito alam ang nangyayari.

Margaux's eyebrows flew up. "Wow!"Mukhang na-awkward ito at hindi alam ang sasabihin.

"My fiance is such a sweet man," dagdag pa niya. "Ikaw, Margaux? Do you have a boyfriend?"

Umiling si Margaux. 

"Sawi 'yan sa pagibig," natatawang singit ni Stan.

"Shut up, Stan. Baka gusto mong ibunyag ko sa fiance mo ang mga baho mo!" biro nito. "Hay nako, Tishka. Kung alam mo lang. Yang si Stan, hindi 'yan makakatulog dati kung wala 'yong paborito niyang chunky blanket. Nasaan na nga ba 'yon? Huwag mong sabihing katabi mo pa rin 'yong matulog?"

"Nope, I think I left it in mom and dad's house."

Wow! At ganoon pala sila ka-close. Hanggang sa pagtulog ni Stan alam niya. Konti na lang talaga at masasabunutan na niya ang babaeng ito. Hinawakan niya ang kamay ni Stan. Stan was a bit shocked but he remained quiet and held her hand, too.

"Kamusta na sina Tito and Tita? I've missed them."

"You've met them?" tanong niya kay Margaux. Wow! At ipinakilala na pala ng hinayupak na lalaking 'to sa mga magulang niya! Binawi niya kagad ng pabigla ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Stan.

"What?" gulat na tanong ni Stan sa inasal niya. 

"Kumakati 'yong kamay ko eh. Naghugas ka bang kamay?" inis na tanong niya.

"What question is that? Of course, I did."

"Para kasing may bacteria ang mga kamay mo," ganting sagot niya sa binata at binalingan muli si Margaux. "So you've met sina Tita and Tito?"

"Yeah, I know them. I'm they're favorite," mayabang na sabi nito. 

"Oh!" she exclaimed. Konti na lang talaga at masasabunutan na niya ang kabit na 'to ni Stan. Akala yata ng lalaking 'to, magpapauto na naman siya. Halatang halata namang may past sila ng babaeng 'to! Ang kapal talaga nitong papuntahin pa dito sa pamamahay nila! 

She couldn't help herself. She grabbed her glass of juice at walang ano-anong itinapon iyon kay Margaux. "Bitch!" 

Margaux stood up at halatang nabigla rin sa nangyari. Her top was soaked with juice and so is her hair. 

Stan immediately pulled Tishka back to her seat. "Tishka, ano bang problema mo!" 

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Stan Lagdameo. Hindi ako tanga para hindi malamang may namamagitan sa inyong dalawa. She's basically flirting with you and showing me that she owns you." Bumaling siya kay Margaux. "News flash, bitch! You can have this cheating guy all to yourself because I'm not marrying him." 

"Tishka, I'm his cousin," Margaux stated. 

Blood drained from her face sa narinig. Oh, no! Tiningnan niya si Stan para kumpirmahin ang narinig mula kay Margaux. His face was angry, brooding and very disappointed. 


***

Don't forget to vote and leave your comments para mas ganahan pa akong icontinue ang story na ito! :) Thanks so much for the support!

***

Regrets In The End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon