Chapter two

13K 271 6
                                    

Dinala siya ni Ashton sa isang posh restaurant across the company's building. She has eaten there for countless times with Stan, with her dad and mom. Masarap naman kasi talaga ang mga pagkain dito.

"My treat," wika ni Ashton.

"Wow, teka, ako yung galing Australia. Dapat ako manlilibre. Nakakahiya naman sa'yo. Wala akong pasalubong."

Napatawa naman ito sa turan niya. "Seriously, it's okay. Masaya na akong sinamahan mo akong kumain. First time yatang pumayag ka."

Hinalungkat niya ang bag para maghanap ng pwedeng ibigay kay Ashton. Nakakita siya ng Cadbury chocolate bar. "Here!"

Lalong napatawa ito sa ginawa niya. "You know what, you're so cute. Stan is really lucky..." Sumeryoso bigla ang anyo nito. "Shall we order?"

"Yeah, sure." Binuksan na niya ang menu book at hinanap ang mga paborito niya. Nang ituturo na niya sa waiter ang order niya, may isang pares ng mga matang nahagip ng tingin niya. Si Stan sa kabilang table ay nakamasid sa kanya. Nagulat siya na doon pala ang lunch meeting nito. Ngumiti siya ngunit nanatiling seryoso ang gwapong mukha nito. Nang tingnan niya ang kasama nito, nakita ang ang isang seksing babaeng kaharap nito. Maganda ngunit mas maganda siya. Pero sobrang sexy nito na halos lumuwa na ang cleavage sa dibdib dahil sa bukas na bukas na top. Nagpanting ang tainga niya sa nakita. Akala niya lunch meeting pero bakit parang may date ito. Ibinalik niya ang tingin sa menu book.

Ngunit nahalata na ni Ashton kung sino ang tinititigan niya kanina. "He's here also. I thought busy siya."

"L-lunch meeting niya ngayon, eh."

"With her?" Tanong ni Ash.

Nagkibit-balikat na lang siya. Tumawag na siya ng waiter para sabihin ang order niya. Matapos niyang ilitanya ang mga paborito niya, pinaglaruan na lang niya ang tinidor niya. Gusto niyang idistract ang sarili sa nakita. 'Yon pala yung lunch meeting niya.

"She's KC Santamaria, if you want to know."

"I don't want to know."

"You do. You're uneasy after seeing him with her."

Napabuntong hininga na lamang siya. "Well, wala naman dahilan para magselos. Business meeting naman 'yon."

"KC is a model."

"Ahhh."

"So paanong naging business meeting 'yan?"

"Probably, he's looking for an ambassadress or a new influencer for the wine brand."

"Probably..."

Pinaglaruan naman niya ang kutsara dahil nabitawan na niya ang tinidor.

"So, tell me about Aus. How was the weather?" Pilit nitong pinapagaan ang mood.

"Summer doon sa panahong 'to. Nagpunta ako doon para magpahinga. Nagbu-boom kasi ang flower shop at naging sobrang busy namin ni Sairha, 'yong partner ko nitong mga nakaraang buwan. I just needed a breather."

"Ah, akala ko naman nagpapa-miss ka sa fiance mo kaya ka nawala," panunukso nito.

Umiling siya. "Kahit yata sa Antarctica ako magpunta, hindi niya ako hahanapin!"

"Bakit naman? You're beautiful."

"Well, never niya akong tinawagan in those two weeks. Ako pa 'yong tumatawag at nag-aaksaya ng load." Looking back, natatawa nga siya. Bakit nga ba ganoon? Normal lang ba sa mga lalaking busy ang ganoon?

"Dapat sinabihan mo ko! Tatawagan kita, kung alam ko lang."

Napangiti naman siya. "Gagi ka talaga! Subukan mo lang. Baka ipatapon sa ka Dead Sea ng fiance ko."

"Seloso ba siya?"

"Well..." Never naman pa siyang nagselos. "Ewan ko." Baka wala lang talaga siyang pakialam.

"Seloso ako. Gusto ko pag girlfriend ko, akin lang."

Napatawa naman siya sa pagkaseryoso nito. "Grabe. Nagtanong ba ako?"

"Hindi naman. For your information lang para kapag sakaling ayaw mo na kay Stan, liligawan kita," pabirong sabi nito.

Just then, biglang sumingit sa usapan nila ang isang baritonong boses. "Can I talk to my fiance?" tanong ni Stan kay Ashton at hinila papatayo si Tishka.

Nagpadala na lang ang dalaga hanggang sa parteng hallway papuntang restroom ng restaurant kung saan walang tao.

"Are you distracting me intentionally?" Tanong ni Stan.

"W-what?"

"You're having lunch with the enemy and in front of me. How rude of you."

"Niyaya lang naman niya akong kumain at nauna kami sa'yo dito. Tyaka... mukha namang busy ka rin sa lunch meeting mo."

"Do you really just accept lunch offers of whoever you bump into?"

Napanganga siya sa sinabi nito. "Of course not!" Something pricked her eyes. How can he be so insensitive! "G-gutom na rin kasi ako, eh. At niyaya naman kita pero-"

"Oh, whatever. This is the last time you'll see him. Or else, baka kung ano ang magawa ko." Iyon lamang at tumalikod na si Stan.

Regrets In The End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon