Chapter thirteen

11.5K 308 6
                                        

Don't forget to vote and leave your comments para mas ganahan pa akong icontinue ang story na ito! :) Thanks so much for the support!

***

Pagpasok ni Tishka sa kwarto ni Stan, naabutan niya itong papasok sa isa pang pinto while carrying his luggage. Sinundan niya ito to find herself in a walk in closet. Maliit lamang ang walk-in closet, perfect for short-term stays kasi nga rest house lang naman talaga ito. 

"Yes?" tanong ni Stan ng mapansin siya sa likod nito. He opened the luggage and took out some shirts para ilagay sa bukas na cabinet.

"You invited a designer to have me measured for a wedding gown?" she asked, annoyed.

"Margaux will be here for a week only. There's no more time and I want her to design your gown. She studied in New York and for sure, you'll love her style. Pero kung ayaw mo talaga, I can look for another designer to have your gown tailored." He, then, grabbed some underwears from the luggage.

"Hindi ako magpapakasal sa'yo kaya hindi ko kailangan ng designer... Teka! Panties ko 'yan ah! Huwag mo ngang hawakan!" sigaw niya ng mapansing underwear at bra niya pala ang hawak-hawak ng binata. Inagaw niya ito mula sa binata. 

"You know what, fine. Fix your own clothes here on the left side of the cabinet. But Margaux is coming here this afternoon whether you like it or not. Na-invite ko na siya and kagagaling lang niya sa New York. Nakakahiya namang itaboy siya ng last minute. She's a very busy woman." Iyon lamang at tumalikod na ito papasok sa bathroom na connected sa walk in closet. 


***

She was busy checking her phone for e-mails ng lumabas sa walk-in closet si Stan in board shorts and a blue resort polo. Ngayon lang niya itong nakitang hindi naka corporate attire. And gosh! Mas lalo yatang nadagdagan ang appeal nito ngayon.

"Let's go see the sunrise. Nagpahanda ako ng kape sa balcony kay Manang. Won't you change clothes?"

"Mamaya na. Wala pa ako sa mood." 

"Let's check out the sunrise then?" Inilahad nito ang kamay para tanggapin niya. 

Tinitigan lang nito ang kamay na inio-offer ng binata. Pagkatapos ay lumakad at nilampasan ito palabas ng kwarto nila. 

"That woman is insane," tatawa-tawang komento ni Stan.

"I heard you!" pahabol na sigaw ni Tishka. 

"Hindi diyan ang daan pa-balcony. Dito!" Hinila nito ang braso niya dahilan para ma-out of balance siya at mapahampas sa dibdib ng binata. 

"Aray!"

"Sorry! Hindi ko naman alam na lampa ka pala." 

Tinitigan niya ito ng masama. "Ikaw na lang manuod niyang sunrise mo! Magisa ka!" padabog na tatalikod na siya ng hilahin siya nito muli. 

"Tishka, babe, let's stop fighting and just enjoy this morning. Okay?" he calmly negotiated. "You'll be with me here for a long time so I suggest that we be nice to each other, shall we?"

***

Sunrise, pancakes, bacon, coffee, and a hot guy in front of you. Ano pa nga bang hihilingin pa ni Tishka? Pero binatukan din niya ang sarili sa iniisip. 

Oo, hot si Stan pero di ka na dapat nagpapa-apekto sa kanya, girl!

She tried her best to hide her admiration for him. Pilit niyang itinuon ang tingin sa dagat, sa magandang pagbubukang-liwayway at sa dalawang bangkang naglalayag sa laot. 

"Good morning, indeed!" wika ni Stan, pero lihim itong nakatitig sa mukha niya. 

Nakaka-relax naman talaga sa lugar na iyon. Aaminin niya na medyo gumaan ang pakiramdam niya habang tinititigan ang alon. Napakalapit kasi ng resthouse ni Stan sa tabing dagat. 

"So which is better? My resort or that bastard's?" tanong ni Stan sa kanya.

Napatigil siya sa pagtinidor ng bacon at tumitig sa binata. "Talaga? Di ka pa rin over sa topic na 'yan?"

Napabuntong hininga na lang si Stan sa tugon niya.

"Your resort is better. Nakaka-excite 'yong alon kasi ang taas." Nakita niyang ngumingiti na ang binata dahil pinuri nito ang resort niya. "But it doesn't change the fact that Ashton was the one who saved me when I needed comfort the most." At mabilis din ang pagdilim ng mukha ni Stan sa narinig.

"I'm sorry," Stan said.

Nagulat siya sa sagot nito sa kanya. This is actually shocking. "Wow, marunong ka pala magsorry kahit papano."

"KC is a fling. But as I've told you, walang nangyari sa'min. I'm telling the truth. Please believe me." He reached out for her hand on the table. But she pulled back. Parang bumalik ulit 'yong sakit na pilit niyang tinakasan days ago kaya sumama siya kay Ashton.

Para na namang sinasaksak ang puso niya. Bumalik na naman sa alaala niya ang pagtatagpo nila nung haliparot na KC na 'yon sa condo ni Stan.

"Why?" ganting tanong niya. And for the first time, nagkalakas siya ng loob  na itanong ito kay Stan. "Am I not enough? Binigay ko naman ang buong atensyon ko sa'yo di ba? Am I not a good fiance?" Hindi niya namamalayan na nagtutubig na pala ang mga mata niya. 

He was stunned by the question. "I... I guess... Well..."

"You don't have to answer or cover up." Tumayo na siya bago pa bumagsak ang mga luhang pilit niyang pinipigil. She went back inside the house pero mabilis si Stan. He quickly grabbed her right arm and pulled her into a tight hug.

"I'm sorry, Tishka. It's my fault... Hindi ko kaagad natanggap ang responsibilidad ko sa'yo. I couldn't simply give up my freedom yet. I rebelled from my parents at hindi ko alam na masasaktan kita through the process. I'm sorry."

Pilit siyang kumawala sa pagkakayakap nito. "It's fine. That's why I'm giving you your freedom now, 'di ba?" Iyon lang at tinalikuran na niya ang lalaki. Puyat pa siya. She needs to go get some sleep again.


Don't forget to vote and leave your comments para mas ganahan pa akong icontinue ang story na ito! :) Thanks so much for the support!

***

Regrets In The End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon