Nakarating si Tishka sa hotel na tutuluyan niya sa Japan pansamantala. Kaagad siyang lumipad papunta dito kaninang umaga. Gustong gusto na kasi niyang makausap si Stan. Sabi ng sekretarya nito, nasa planta ito ng kumpanya sa Tokyo.
Pagkadating sa hotel ay nagpalit lang siya ng mas makapal na damit at umalis na muli papunta kay Stan. Alam naman niya ang address dahil kinuha niya iyon sa secretary nito at ipinakita na lang niya sa taxi driver niya ngayon.
Upon arriving sa entrance, bumaba kagad siya sa taxi at lumapit sa guard na nakatoka sa gate. Kinuha kaagad ng guard ang pangalan niya. Nagpakilala siyang fiancé ni Stan Lagdameo. Pero parang hindi naniniwala ang Hapon na guard sa kanya. Buti na lang may dumating na Pilipinong head of security.
"Kuya, kahit tawagan nyo lang si Stan. I assure you, kilala niya ako."
"Nako, ma'am," tatawa-tawang wika ng head of security. "Hindi na po kayo ang unang babaeng nagpunta rito at sinasabing girlfriend o fiancé ng amo ko."
Nagpanting ang tenga niya sa narinig. "Bakit? Pang-ilan na ba ako?"
"Hindi ko na mabilang. Napakahabulin talaga ng chicks niyang si Sir. Pero ma'am, okay lang 'yan. Kayo naman ang pinakamaganda," biro pa nito.
"Kuya, hindi ako nakikipagbiruan. Ako talaga ang totoong fiancé niya," seryoso na niyang wika. "Kapag nalaman niya na ayaw nyo akong papasukin, siguradong sisisantihin kayo noon."
"Ma'am, busy si Sir ngayon. May problema kasi sa loob."
Kumuha siya ng kaunting cash sa wallet para ipansuhol na sa guard makapasok lang. "Kuya, eto o. Please papasukin mo na ako."
Nagulat ang guard ng maglagay siya ng pera sa palad nito.
"Well, well, well, if it isn't my beautiful ex-fiancé bribing my men,"wika ng isang baritonong boses sa likod nila.
Nilingon niya kaagad ang boses dahil alam niyang si Stan iyon.
"Sir, kasi po... Sorry po. Akala namin isa na naman sa mga babaeng nagkakandarapa sa inyo. Totoo pala ang sinasabi niya na fiancé-"
"Ex-fiancé," pagtatama ni Stan sa empleyado niya.
Medyo nasaktan si Tishka ng ipinagdiinan ng binata sa pagmumukha niya na ex na siya nito. "H-hi!"
"What brings you here, babe?" At hinapit nito ang bewang niya para magkalapit sila.
"I... I..." Natameme siya at hindi alam ang gagawin. Napatingin siya bigla sa sugat nito sa bandang kilay. "A-Anong nangyari diyan?"
"Oh, it's nothing. Just got caught on the metal railings."
"Ano bang nangyaring problema dito sa planta? Nag-aalala ako kaya... kaya pumunta ako kaagad dito."
Napangiti bigla si Stan ng marinig iyon. "Thank you, but you don't have to worry. I have it all under control." He caressed her hair and kissed her on the forehead. "So 'yon lang? Nag-aalala ka kaya nandito ka?"
She glanced at the two guards hovering behind them. "I think it's better if we talk somewhere private."
"Alright, we can go to my office."
Ngingisi-ngisi ang head of security sa kanilang dalawa. "Sir, akala ko ba ex na? Hehe."
***
"Do you want coffee or water?" tanong ng binata ng makarating sila sa office nito. It really looks like an extension of his office in Manila. Still neat and clean and black and white.
"No, thanks. Ayos lang ako." She sat on the couch beside the window.
"Where are you staying?"
"I just booked a three-star hotel for the meantime."
Nangunot ang noo nito. "You can stay with me in my place... if okay lang sa'yo. Sayang naman kasi may extra room pa ako na pwedeng ipagamit sa'yo."
Medyo kinilig siya sa isiping iyon. Ino-offer ng binata ang bahay nito sa Japan! Pero... "Can we just stay in one room together?" inosenteng tanong niya na ikinabigla ni Stan.
"You amuse me, baby." He sat beside her on the couch while still facing her. "Sige, we can sleep in one room if you like. I can sleep on the couch and you on the bed."
She got annoyed with him. Bakit ba parang umiiwas ito sa kanya ngayon? Where is his possessive Stan? "How about we sleep in the same bed?"
His brows rose. "Is there something I'm not catching here?"
She stood up in annoyance. "You are just so stupid, Stan Lagdameo. Ang mahal mahal ng flight papunta dito ha! Lalo na't biglaan. Pinigilan pa ako ni Sai dahil nababaliw daw ako kung ako pa ang hahabol sa'yo dito. Pero hindi ako nagpapigil kasi sabi ko gusto na kitang makausap kagad kasi hindi na ako makapaghintay. I really want to fix things between us and to ask for your forgiveness kasi masyado akong naging bingi sa mga paliwanag mo. I'm sorry, Stan. I'm really sorry. Naniniwala na ako sa'yo."
Hinila siya nito paupo sa kandungan nito. "Is this your way of saying Yes to my proposal, babe?" masayang tanong nito.
She cupped his face with both hands and said, "I thought you'd never ask, you dumb man."
Abot tenga ang ngiti nito sa sinabi niya. "You caught me off guard, you sly woman!" May kinuha ito sa bulsa at ipinakita iyon sa kanya. Ito ang singsing na ginamit nito ng magpropose sa kanya a few days ago.
"Do you carry this with you all the time?" manghang-manghang tanong niya.
Tumango ang binata. "I was actually gonna ask someone else to marry me kaya dala-dala ko 'to ngayon," biro nito na ikinainis niya. "Ang pikon mo talaga, Tishka. I was just kidding. I have this in my pocket everyday since you rejected my proposal. Kasi sabi ko maghihintay ako until you say Yes. Hindi ko alam when that will be but I was very willing to wait for you, babe. Your charm stole my heart without me knowing it."
Napangiti siya sa pagtatapat nito. "Thank you, Stan."
"So, can I ask you again? Will you marry me, Tishka?" He wasn't kneeling. He was hugging her and caressing her neck at the same time.
"Yes, I'll marry you, Stan."
He placed the ring on her finger and kissed her passionately. "You're mine now," he whispered in between the kiss. "All mine. And yes, we'll be sleeping together tonight... in one bed... possibly doing more than just sleeping..."
And she laughed at his naughtiness.
He smiled and looked at her lovingly while seeing his forever in her eyes.
***
Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta!!! ❤️ Til the next story.
BINABASA MO ANG
Regrets In The End [Completed]
RomanceShe loved him. But he never did. She moved on. Then, he noticed her. And realized he loves her after all. But it's all too late. She found another. And he will try to get her back. Even if it means going through hell and all. 👑 #1 teenromance 👑 #2...
![Regrets In The End [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/72735970-64-k75465.jpg)