Chapter three

12.3K 255 3
                                        

Tahimik ang naging lunch nila ni Ashton. Nawalan na siya ng ganang kumain. Parang naglasang ampalaya lahat ng mga paborito niyang pagkain. Ni hindi niya matitigan ang area ni Stan dahil makikita lamang niya itong nakikipagtawanan sa babaeng 'yon.

"You barely touched your food," puna ni Ash ng ipabalot niya halos lahat ng in-order niya.

"Pasensya na. May jetlag pa rin ako, eh. I think kailangan ko na magpahinga. Salamat sa lunch. Di mo na ako kailangang ihatid sa kotse ko. I'll be fine." Ay shit! Coding nga pala car ko today kaya wala ako car. Taxi nga pala ako.

"Okay, sige."

"Mauna ka na. Magsi-CR pa ako, eh," dahilan niya.

"Sigurado kang ayaw mong ihatid kita? Coding ng kotse mo."

Nagulat siya sa sinabi nito. "Oh my gosh. Stalker ka! Paano mo nalaman?"

Napatawa ito. "I guessed. Nakita kasi kitang nag-taxi ng bumaba ka sa harap ng building. So I thought coding ka."

"Well, okay lang ako. I can take it from here. Salamat sa lunch."

"Sige, your call! Mag-iingat ka.  Bye!" At ngumiti ito.

"Bye!"

Pagka-alis nito, naupo siyang muli at tinawag ang waiter para magpa-para ng taxi sa labas papuntang flower shop. Tinawagan niya si Sairha na nalimutan na niyang tawagan after bumaba ng elevator.

"Hay, akala ko nalimot mo na ako," pagdadrama ni Sairha.

"Baliw, naglunch lang kami. Sorry, nalimutan ko tumawag kagad. Papunta na ako diyan. Wait ka lang!"

"Aba, himala at nagka-oras sayo yang fiance mong hilaw! Akala ko habang buhay ka mg dededmahin niyan. Salamat sa Diyos dininig niya mga paNovena ko na sana mapansin ka na niyang si Stan."

Hehehe. "Salamat." Hindi na lang niya sinabi ang totoo dahil mapapahiya lang siya rito. Ilang beses na siyang binabansagang tanga ng kaibigan ngunit hindi pa rin siya nagigising sa katotohanan. Sumulyap muli siya sa gawi ni Stan. Nakikipagtawanan ito sa seksing babaeng 'yon,

Sakto namang biglang napatingin din sa kanya si Stan. Naging seryoso muli ang mga mata nito.

"Hoy, nakikinig ka ba!?" Bulyaw ni Sairha sa kanya. "Sabi ko, anong pumasok sa kukote ng fiance mo at nakipag lunch bigla?"

"H-ha? Ah... Eh... Kasi nacancel daw meeting niya. And na-miss daw niya ako kasi matagal akong nawala."

"Hay salamat. Akala ko talaga nagpapakatanga ka sa wala."

Aray ko po. "Sige na. Bye na! Papunta na ako diyan!" Sinulyapan niya muli si Stan ngunit nakatayo na ito kasama ang babaeng nakahawak sa braso ng binata. Bwisit talaga ang higad na babaeng yon.

Hinatid lang papalabas ng restaurant ni Stan ang babae ngunit pumasok ito muli at naglakad patungo sa table ni Tishka. Tumungo si Tishka ng marealize na papalapit ang binata.

"Who are you waiting for?" tanong ni Stan sa kanya.

"Uhm, taxi." Hindi niya ito tinitingnan sa inis. Ang lakas ng loob nitong pagalitan siya sa pakikipag-lunch kasama si Ashton pero ito naman ay lantarang nakikipaglandian sa babaeng higad na yon.

"Why?"

"Coding kotse ko, eh."

"Oh." Sandaling katahimikan ang lumipas. "I can ask my driver to drive you. Hindi ko naman kailangan ng kotse this afternoon."

Nagulat siya sa narinig. Ngayon lang ito nag-offer. "O-okay lang?"

Tumango si Stan. "And thanks for the sweaters."

Napangiti siya sa sinabi nito. "You're welcome." Ngayon lang ito nagpasalamat sa dinami-dami ng regalo niya. Hindi ito nagpapasalamat kahit kailan.

"Sige, mauna na ako."

"Uhm, wait!" pigil niya sa binata. "Flower shop anniversary namin sa Friday. May event kami sa Le Jardin sa BGC. Celebration sana. Please be there."

"Sige." At ngumiti ito.

Nakalimutan niya ang isang taong pambabalewala sa kanya ni Stan. Kinilig siya sa ngiting ibinigay nito.

"Papupuntahin ko na dito si Mang Elias."

"Thank you." It was her turn to smile.

Regrets In The End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon