Hinila siya ni Stan pataas hanggang makarating sila sa kwarto nila. And as soon as he closed the door, itinulak siya nito sa kama. Napaupo siya sa edge at tiningala si Stan. Alam niyang galit na galit ito ngayon dahil nagbabaga ang mga mata nito.
"I'm so-"
"Shut up! Ganoon ba talaga kababa ang pagtingin mo sakin? Do you really not trust me enough para ipahiya mo ko sa harap ng pinsan ko?" Tumalikod ito sapo ang noo sa sobrang galit. "God, I don't know what to with you anymore. Dinala kita dito dahil gusto kong magkaayos tayo. Pero parang lahat na lang ng gawin ko, mali sa mga mata mo."
She tried to stand up and hug him from behind pero umiwas lang ito sa kanya. Nagsisisi na siya sa ginawa niya kanina. Nadala lang naman siya ng galit at selos. Dahil na rin siguro sa hindi na niya ito pinagkakatiwalaan simula ng mahuli niya si KC sa condo nito.
"You know what, you're right," halos pabulong na wika nito. He turned to face her. He resumed that cold exterior again.
"I'm sorry, Stan. Hindi ko talaga sinsadya! Hindi ko alam."
"You always assume the worst of me," saad nito, obviously hurt. "You don't trust me, do you?"
Natigilan siya sa tanong nito.
"See? Ni hindi ka makasagot." Tinalikuran siya nito at lumapit sa bintana overlooking the sea. "You're right. I guess we have to tell our parents that this won't work out."
Parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa sa narinig na pagsuko ng binata. Napaupo siya ulit sa gilid ng kama. "S-Stan..."
"Ipapahatid na lang kita bukas pabalik ng Maynila. You can fix your stuff back into the luggage. Papapuntahin ko na ang driver ko dito bukas na bukas ng umaga." Iyon lamang at lumabas ng ito ng kwarto.
Sunod-sunod na umagos ang luha mula sa mga mata niya. Masakit pala. Umayos ka, Tishka! This is what you want, right? Well, ibinibigay na niya ngayon sa'yo! So bakit ka umiiyak diyan?
****
This is really meant to be a short chapter. Teeheehee!! :) Abangan ninyo kung anong sunod na mangyayari. PLease vote and comment if nagustuhan ninyo and kung anong gusto niyong mangyaring sunod!
BINABASA MO ANG
Regrets In The End [Completed]
RomanceShe loved him. But he never did. She moved on. Then, he noticed her. And realized he loves her after all. But it's all too late. She found another. And he will try to get her back. Even if it means going through hell and all. 👑 #1 teenromance 👑 #2...
![Regrets In The End [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/72735970-64-k75465.jpg)