Chapter seven

10.8K 289 18
                                    

The sea looked so magnificent from her balcony.  Tatlong araw na siya sa resort ni Ash. Wala siyang sinagot ni isang tawag. In-off na rin niya ang smartphone niya para hindi na siya maistorbo pa ng mga tao.

Ganoon pala ang masaktan ng sobra. Nasasaktan na naman siya noon lalo na kapag hindi naibabalik ni Stan ang attention na gusto niya. Iniisip na niya lang na busy ito sa trabaho. Pero bakit ganoon? Nabibigyan nito ng attention ang ibang babae.

Hindi siya. Hindi siyang fiance nito.

"Hindi ka niya talaga gusto kung gano'n," bulong niya sa sarili habang tumutulo na naman ang mga luha niya. Hindi niya mapigil ang pag-iyak kahit na anong gawin niya. She just couldn't stop crying everytime she remembers that scene. KC peeking out of his condo wearing his shirt.

Damn him!

This time you'll see. I'll stop loving you. This will be the last time I'll cry for you.

****

"Sigurado ka na bang handa ka ng harapin silang lahat? For sure, hinihintay ka na ng mga magulang mo. Alalang-alala na sila sa'yo." Nasa harapan na sila ng bahay ni Tishka.

"Ash, I think kaya ko na. It's been a week. I can handle myself better now. Salamat."

"Sige, tawagan mo ko kapag may kailangan ka pa."

Tumango si Tishka at bumaba na ng sasakyan nito. Pumasok na siya sa gate nila para harapin ang mga magulang niya. Ngunit nagulat siya ng madatnan sa grand sala nila ang taong pinakaaayaw niyang makita.

"Tishka," bati ni Stan at kaagad na lumapit sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Sinampal niya ito. "Quits na tayo. Now leave me alone." Tatalikuran na niya ito ng nahila nito ang kanang kamay niya. "Bingi ka ba? Sabi ko leave me alone!"

"Ipinagkasundo na tayo ng mga magulang natin kaya sasama ka sakin sa ayaw o sa gusto mo!"

Pilit niyang hinila pabalik ang braso niya pero malakas ang hawak ng binata. "Huhulaan ko. Walang alam sina Mama sa ginawa mo sakin no? Huwag kang mag-alala. Once malaman nila, magiging malaya ka na. Di ba 'yon naman ang gusto mo? Ha?"

"No, don't you dare destroy my name."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Wow. Nagpapatawa ka ba? Bumalik ka na sa malandi mong kabit at magsama kayo. Gagawin ko kung anumang gusto ko. Hindi mo na ako fiance mula ngayon."

"Anak!" Sigaw ng isang babae mula sa likuran.  "Nandito ka na? Bumalik ka na!"

Sinalubong siya ng yakap ng mama niya. Saka siya napahagulhol sa balikat nito.


***


Talk about makapal ang mukha. Bat nga ba may mga lalaking ganito? UGH. Pinapainit ang dugo ko. Vote na para ipa-salvage ko na si Stan. Papatayin ko na siya sa next chapter sa sobrang galit ko.

#DieLiars

#DieCheaters

Regrets In The End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon