Chapter four

11.5K 215 1
                                    

"Hoy, Tishkang! Ba't ka ganyan? Ba't ngiting ngiti ka dyan?" puna ni Sairha sa kaibigan na kadarating lang sa flower shop at tulala sa saya.

"W-wala naman...," pagtatago nito. Ngunit hindi matanggal sa mukha niya ang ngiti dahil nagpasalamat sa kanya si Stan.

"Dahil ni Stan mo?"

Hindi na lamang siya nagsalita bagkus ay ngumiti na lamang.

"Hay nako! Ikaw, ha! Baka naman nag-sex na kayo kaya ganyan na lamang yang ngiti mo!"

"Hoy, hindi ah! Grabe ka talaga. Baliw ka na!" Nagfocus na siya sa pag-aayos ng mga freesia na nakadisplay malapit sa counter.

"Nga pala, kilala mo ba 'yong KC Santamaria?"

Nagulat si Tishka sa biglang tanong ng kaibigan. "Bakit?"

"Wala lang, just asking."

"Bakit nga?" Napahigpit ang hawak niya sa mga freesia na inaayos niya,

"Nasa mall kasi ako last week. Nakita ko si Stan." Sumulyap ng makahulugan si Sairha sa kanya. "Well, ayoko naman sanang bigyan ng kahulugan. At ayoko rin sanang sirain yung kasiyahan mo ngayon. Pero nakita ko kasi silang nagtatawanan at magkasama nung KC Santamaria. Gusto ko lang mag-ingat ka."

"Paano mo nakilala na si KC nga ang kasama nya?"

"Model siya ng clothing line ng ate ko."

Natahimik siya sa sinabi ni Sairha. "Magkasama rin sila kanina, eh. Kukunin yata siyang model ni Stan para sa bagong wine brand," pagpapalusot ni Tishka kahit na gusto na niyang kausapin si Stan sa mga oras na 'yon.

"Ahhhh, ganoon ba? Baka nga 'yon lang yung reason ba't sila magkasama. Pasensya na. Nabanggit ko lang. Pero mag-iingat ka pa rin sa babaeng 'yon. She's known for being a slut and sleeping with clients."

"I know Stan. He's too busy to have an affair." I hope so...

Her phone suddenly beeped. One message from Ashton Lee. I hope you got home safe. Thanks for having lunch with me.

Napangiti naman siya sa text ng binata.

"Si Stan?" Hula ni Sairha.

"Si Ashton," sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ni Sairha sa narinig, "Hoy malandi kang babae ka! Anong meron? Bakit ka niya tinetext na ngayon, ha?"

"Wala, nakasalubong ko lang siya sa elevator kanina."

"Sus, feeling ko may gusto sa'yo 'yon, eh. Perfect siya, no? Vice president for marketing at such a young age."

"Si Stan din naman, ah."

"Well, ama ni Stan ang may-ari ng kumpanya kaya mabilis siyang naging Vice president for Operations."

"Hater ka talaga ni Stan kahit kailan, no?" pagbibiro niya.

"Alam mo, magugustuhan ko lang malaga 'yang Stan na 'yan para sayo kapag nakita ko na nage-effort talaga siya for you. At hindi ka na Nina binabalewala!" Iyon laming at tumalikod na ang kaibigan.

"Sus," mungkahi niya sa sarili. She knows it's been a year since the engagement. Pero kahit papaano naman ay may improvements na ngayon. Pinahiram na nga siya nito ng kotse nito kanina at pinasalamatan sa sweaters na dala niya. That's new! And that's a whole lot of improvement already. 

Regrets In The End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon