Chapter six

10.9K 374 11
                                    

"A-ako na lang ang bababa. Salamat sa paghahatid," hiling ni Tishka kay Ashton.

"Are you sure? Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng kamay mo. If there's a problem, I can-"

"I'm fine! Sige," paalam niya at bumaba na ng kotse.

She waved goodbye to Ash and went inside the lobby of the building. Dumiretso siya sa elevator dahil kilala na naman siya ng reception girl dito. Madalas niya kasing dinadalahan ng pagkain si Stan simula ng ma-engage sila.

Gusto lang niyang mapatunayan sa sarili na hindi totoo ang lahat ng mga narinig niya kanina. Hindi naman magagawa ni Stan iyon, wika niya sa isip. Alam niyang hindi siya lolokohin ni Stan. Maaaring wala itong pagtingin sa kanya pero hindi siya sasaktan nito at ipapahiya ng ganoon.

The elevator dropped her off to the twenty-first floor kung saan naroon ang unit ni Stan. Konti lang ang mga nakatira sa floor na Ito dahil malalaki ang mga units dito. The hallway to his condo seemed so long.

Hindi niya alam kung bakit ayaw niyang kumatok. Natatakot siya na baka totoo nga ang mga narinig niya.

Pero hindi maaari. Stan is a nice guy.

Nakarating siya sa front door ng unit into at pinindot ang doorbell. She waited for a few minutes pero walang sumasagot. "He must be asleep," alo niya sa sarili. "And I must be crazy."

Tumalikod na siya para bumalik sa elevator pero sakto namang bumukas ang pinto ng unit.

"Yes?" tanong ng isang babae.

Humarap sa Tishka sa babaeng nagtanong at nagulat siya sa nakita. KC Santamaria was standing there in just a white shirt. Stan's freaking white shirt!

Halatang nagulat din ang dalaga na makita siya sa pintuan ni Stan at this early hour.

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha sa kanyang mata. Totoo nga. Niloko nga siya ng pinakamamahal niya. Ipinagpalit nga siya nito sa babaeng 'yon. May ibig sabihin nga ang mga pakikipaglandian ni Stan sa babaeng ito.

"Bethieshka, I-" Inunahan na niyang sampalin ang babae.

"Malandi ka!" Iyon lamang at tumalikod na siya. Hindi na niya hinintay pang magising si Stan. Hindi niya kayang harapin ito matapos ang mga nalaman niya ngayong umaga. Halos hindi na niya makita ang dinadaanan dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata.

Pakiramdam niya ay tinatapak-tapakan ni Stan ang buong pagkatao niya. Ayos lang sa kanyang hindi maibalik nito ang pagmamahal na ibinibigay niya. Ayos lang na mabalewala siya. Pero hindi pala ayos 'yong lokohin siya nito.

Ang masakit ay nahuli pa niya. Nananadya yata ito. He slept with that fucking slut tapos pupunta ito sa celebration ng flower shop niya na parang wala lang.

Nag-decide siya na sa hagdan na lang dumaan dahil wala siyang ganang may makasabay na tao. Ayaw niyang may makakita sa kanyang umiiyak.

Tama si Sairha. Napakatanga nga niya.

****

25 Missed calls.

Iba mula sa mga magulang niya. Iba galing kay Sairha. Ngunit mostly ay kay Stan. Sa loob yata ng isang taong pagkaka-engage niya dito, ngayon lang ito nag-atubiling tawagan siya. Too late. Alam na niya ang mga kalokohan nito. Hindi na siya magpapakatanga pa.

Nakababa siya ng building ni Stan ng hindi nahuhulog sa hagdan. It was a miracle considering na wala siyang nakikita. Hinintay pala siya ni Ashton at nakita siya nito ng naglalakad na siya palabas ng condo.

He was kind enough to offer her a ride again. But this time, she doesn't want to go back to her life. She wanted an escape.

Ashton, being the kind person that he is offered his resort in Batangas. Wala pa siyang sinasabi dito tungkol sa nasaksihan niya pero nag-offer ito na isama siya sa resort para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya.

She was crying nonstop since she left the building. 12nn na ng marating nila ang resort at sunod-sunod na rin ang messages at missed calls sa kana ng mga tao. Wala siyang sinasagot ni isa sa kanila.

"Welcome to my escape route!"

The place looks really nice. The view is pretty amazing. Matagal-tagal na siyang hindi nakakapunta sa resorts dito sa Batangas since naming sobrang busy niya sa business nila ni Sairha. This place is indeed magic.

Ramdam niyang namumugto na marahil ang kanyang mga mata sa walang sawang pag-iyak simula pa kanina. Tahimik lang din si Ashton at hindi na siya pinilit pang magkwento at magsalita.

Nagpapasalamat siya't hinintay siya nito. Kung hindi, hindi niya alam kung saan pupunta.

"You can stay here for as long as you like. My treat!"

She tried to break a smile ngunit parang ngibit ang kinalabasan niyon.

"I got a room ready for you. Tara. You should rest and eat."

****


Para sa lahat ng mga babaeng nasaktan at niloko, this one's for you. Vote if you like this chapter!!! ;)

#MalandingHigad

#IpapatayAngMgaMalandingHigad

Regrets In The End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon