Chapter five

11.1K 210 0
                                    

"Mas maganda siguro kung ilagay na lang 'yang red roses near the entrance. Masyado na kasing makulay dito sa loob ng restaurant," suggestion ni Tishka sa event organizer nila. It was Saturday early morning at inaayos ang Le Jardin for a brunch event para sa kanilang flower shop anniversary.

"Sige, ma'am." At binitbit na ng organizer ang vase para dalahin malapit sa entrance door.

Kinulbit ni Sairha si Tishka. "Girl, nabigyan ba ng invitation si Cheska, yung famous vlogger and influencer?"

"Oo, last minute nga lang kasi nalimutan siya sa listahan."

"Okay lang. Basta we need her influence para ikalat pa lalo 'yong brand natin. Nga pala, naayos ko na 'yong table natin. I reserved seats for Stan, your family and my family."

"Thanks, Sai." At niyakap niya ito. "Happy first anniversary!"

Yumakap rin ng mahigpit sa kanya ang kaibigan. "Happy first anniversary, too, Tish! You know what, I never knew na magiging ganito ka-successful ang unang business natin. Thanks for your talent!"

"Ikaw rin naman, eh!"

"Sige na. Tama na ang drama. Alis muna ako 'cause I have to fetch my mom. I'll see you at exactly 10AM."

"Sure, ako na bahala dito."

Pagkaalis ng kaibigan ay dumiretso sa comfort room si Tish para mag-ayos. 8AM pa lang naman kaya hindi muna siya nag-makeup kanina pagka-alis niya ng condo niya. 10AM pa naman kasi ang event. Ayaw niyang mahulas ang make-up niya sa pag-aayos ngayong umaga.

Pumasok muna siya sa cubicle to pee bago mag-ayos.

Just then, two women went into the comfort room at hindi yata alam na may tao sa loob ng isa sa apat na cubicle na nandoon.

"Kawawa talaga," muttered the first lady. Tish wasn't really listening dahil busy siya sa ginagawa niya. She's wearing a black jumpsuit and she has to unzip the top part para maka-ihi siya.

"But KC is such a slut, as we all know. Kahit sino yatang lalaki makukuha niya."

"I know."

Nang marinig ni Tishka ang pangalang KC, naging interesado siya sa pinag-uusapan ng dalawang babae.

"I just hope the fiancè of the guy doesn't find out. Malaking gulo if ever."

"Siguro walang time si ate girl para sa guy kasi booming ang flower shop niya ngayon. 'Yan tuloy. Naghanap ng iba si guy."

"Or pwede rin namang malandi lang talaga si KC kaya nakuha niya si Stan"

Nanlaki ang mata niya sa mga narinig. Nagsimula na siyang kabahan ng marinig ang mga salitang fiance at flower shop. Ngunit ng makumpirma na si Stan at KC nga ang pinag-uusapan ng dalawa, napakapit siya sa dingding ng cubicle.

Narinig niyang lumabas na ang dalawang babae sa CR. Dali-dali siyang lumabas ng cubicle at naghugas ng kamay sa sink. Kitang-kita niya ang pangangatal ng mga kamay niya.

She rushed out of the comfort room, totally forgetting to put make-up. She just grabbed her bag sa may bar area at dali-daling lumabas ng restaurant. Saktong nakasalubong niyang papasok si Ashton.

"Tish, are you okay? Namumutla ka," alalang tanong nito.

Hindi siya nakasagot. Napatingin lang siya sa nanginginig niyang mga kamay na nakahawak sa handbag niya. "I have to go to Stan."

"Ihahatid na kita. Your hands are shaking."

"H-hindi na. A-ayos lang ako!" pag-iwas niya sa binata at naglakad. Pero mas mabilis si Ash at nahabol siya.

"Come on. My car is just right here. Tara!"

Hindi niya dala ang car niya today dahil alam niyang uuwi siya ng bahay nila ngayon sa probinsya dahil darating dito ang parents niya. Kaya tumango na lang siya at sumama kay Ash.

Regrets In The End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon