Busy sa trabaho si Tishka dahil sasapit na naman ang pinaka-inaabangang season ng mga nagmamahalan: Valentine's Day. Marami silang orders at mga susupply-an sa linggong ito. Bukod sa pagiging flower shop kasi, nag-expand silang supplier ng mga mas maliliit na flower shop at events management businesses.
Alas-singko na ng hapon at hindi pa rin siya kumakain ng tanghalian. Halos nakakalimutan na niyang alagaan ang sarili sa dami ng ginagawa. Nakalimutan na rin niyang paglaanan ng oras ang isasagot niya sa marriage proposal ng ex niya.
Her mind was busy checking their finances when a woman entered. In-entertain ito ng isa sa mga sales lady niya pero nagrequest ito na manager ang makausap. Rinig niya ang boses ng babae when she asked for her.
Agad na napatingin si Tishka sa glass wall separating her office room from her shop. Nagulat siya ng lingunin ang customer.
"Hi," bati ng babae. "Tishka, long time no see."
"KC," ganting bati niya. "Anong ginagawa mo dito?" She didn't bother hiding her annoyance at seeing this bitch. Napaka-kapal ng mukhang magpagkita sa kanya matapos nitong sirain ang relasyon nila ni Stan.
"I'm here to ask if you can supply us flowers for my next shoot," imporma nito sa kanya.
"Hindi mo trabahong pumunta dito. Your production staff or agency could have talked to us," mataray na sagot niya.
"Fine, I actually have another reason why I'm here."
She closed her laptop and gave her full attention this time. "Bakit? May inagaw ka na naman ba sa'kin?"
Her face suddenly became cold as ice. "I'm here to tell you that I'm pregnant."
Napamaang siya sa dalaga. What the! And Stan said na walang nangyari sa kanila ng haliparot na 'to. Pero ito nga't nabuntis niya! She felt as if she was stabbed by a million knives in her heart.
"Don't look worried. Nothing happened between me and Stan." She smiled.
At para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
"You look like you're plotting to kill me now," KC joked. "I tried to seduce your fiancé, alright. I won't deny that. He's a catch... handsome, rich and smart. Who wouldn't want to be his wife? But I never succeeded. That day you saw me, I was a bit drunk and went to his condo after a shoot's afterparty. I badly wanted to make him mine and steal him from you. But then he told me he's not into me. Because he already has a fiancée. He already has you." Pero walang bitterness sa boses ng babae. It was only admiration. "Stan loves you even then. Hindi lang siguro niya maamin sa sarili niya that you're already special for him. Anyway, I'm saying this dahil ayoko ng makonsensya. I'm going to be a mother now. I'll be married in a month and I just want you to know how good it feels to marry someone that truly loves you."
"Nang-iinggit ka ba?" mataray na tanong niya. She was still trying to recover from her revelations. Hindi niya alam kung nandito ba ito para sabihin sa kanyang makipag-ayos kay Stan or para badtrip-in siya sa lagay ng lovelife niya.
"A bit? Kasi nabalitaan kong na-cancel na daw ang wedding ninyo ni Stan." Pekeng tumawa pa ito na parang iniiinis siya. "Si Stan pa daw mismo ang nag-cancel. So, ano bang ginawa mo at nagalit ng ganon yong fiancé mo na akala ko mahal ka?"
"FYI, he cancelled it because I said so. But he doesn't want me to leave him. In fact, he asked me to marry him just last week. So if you think you won, you're wrong. Ako pa rin ang nagwagi."
Napangiti na lang si KC sa tinuran niya. "Fine, fine. There's no competition. Stan is yours ever since. I'm happy now with my own fiancé. Isa lang mapapayo ko sa'yo, huwag mo na akong sisisihin kung di kayo magkatuluyan ni Stan. I already did my part. Nakikipag-ayos na ako ngayon. I'm sorry for what I did."
She doesn't know what to say. Natameme siya sa harap ni KC.
"Kapag nawala sa'yo si Stan now, it's all on you." With that, she turned around to leave. Pero bumaling ito ulit sa kanya. "By the way, I need flowers for my wedding next month." Then, she left.
Naiwan siyang nakatitig lang sa pinto ng office niya. Natamaan siya sa mga sinabi ni KC. Oo nga! Napaka-pabebe niya. Siya na ang may kasalanan kapag nawala pa sa kanya this time si Stan.
No, I won't allow that!
She has to find Stan! Para ma-accept na niya ang wedding proposal nito at masabi na niyang pinapatawad na niya ito. hindi niya alam bakit hinintay pa niyang si KC ang magsabi sa kanya ng totoong walang nangyari sa kanila ni Stan. Bakit kasi hindi na lang niya pinagkatiwalaan ang ex fiancé? Oh, gosh, she's so messed up.
She quickly grabbed her bag and car keys. She has to talk to Stan, pronto!
****
"Cherryl!" bati ni Tishka sa sekretarya ni Stan ng makarating siya sa top floor kung nasaan ang office ng binata. God, she missed his office! Dati-rati halos dito na siya tumira at magcamping sa dalas niyang bisitahin ang binata.
"Ma'am Tishka! Namiss kita!"
"Ako rin. Ang tagal kong 'di nakabisita. Sorry! Pero nagmamadali kasi ako. Si Stan?"
"Po?" Naguluhan ang sekretarya sa tanong niya. "'Di po nyo alam?"
"Ang alin?"
"Umalis na kaninang umaga si Sir. Papunta siyang Japan for business purposes."
Nagulat siya. Walang nabanggit sa kanya ang binata. "What? Uhm, alam mo ba kailan babalik?"
Napaisip ang sekretarya. "Mga ilang buwan po yata pero hindi sure kasi nagkaproblema sa planta doon. Si Sir 'yong nakatokang umayos ng lahat."
Nanlumo siya sa narinig. Stan will be gone for a long time. Two months? Three? Four? At hindi man lang ito nagpaalam. Kasi naman, eh. Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag at text nito the past days. Siguro akala ni Stan wala na talaga siyang pakialam.
"AGHGHHHH!!!" sigaw niya at naupo sa sofa sa waiting area sa labas ng opisina ni Stan.
"Gusto nyo pong tubig, Ma'am?"
Umiling siya. Ayaw niya ng tubig dahil si Stan ang gusto niya. Kailangan niya itong makausap. She has no choice.
Susundan niya ito sa Japan.
BINABASA MO ANG
Regrets In The End [Completed]
RomanceShe loved him. But he never did. She moved on. Then, he noticed her. And realized he loves her after all. But it's all too late. She found another. And he will try to get her back. Even if it means going through hell and all. 👑 #1 teenromance 👑 #2...
![Regrets In The End [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/72735970-64-k75465.jpg)