"Aalis ka?"Ayan agad ang naging tugon niya sa sinabi ko. Napatingin agad ako sa kamay ko sa naging tanong niya. Hindi ko siya kayang tignan. Nahihiya ako. Panigurado galit siya sa akin kasi bago palang kami tapos aalis na agad ako.
"Yuka naman.."
Hindi siya nagsalita. Alam kong ngayon palang ay naiinis na siya.
Sinabi ko sakanya na kailangan kong pumunta sa Japan kasama ng mga kuya ko. Ilang taon kasi kaming nahiwalay sa mga magulang namin. Gusto naman nila na makasama kami kahit kaunting oras lang. Ayaw ni Dad na may maiwan dito kasi magiging busy na sila sa mga susunod na buwan kaya baka ay hindi nila kami maasikaso.
"Galit ka ba?"
Tumingin siya sa akin, "Hindi naman. Nagtatampo lang. Kasi naman hindi pa tayo nakakapagdate, hindi pa nakakanuod ng movie, o nakakapasyal man lang tapos aalis ka na agad dyan."
"Saglit lang naman ako! Mga 2-3 months lang.."
Tumungo siya tapos medyo napanguso, "Ang tagal kaya nun"
Napatawa ako ng malakas sa naging reaksyon niya. Ang cute kasi!
"Wag ka nga tumawa! Aalis ka na nga tapos natutuwa ka pa. Gustung-gusto mo bang nakikitang nahihirapan ako?"
Napahampas naman agad ako sakanya. Kung anu-ano na naman kasing pinag-iisip.
"Mamimiss kita.."
Ang bilis niya talaga magbago ng mood. Parang kanina lang ang cute niya tapos ngayon seryoso naman. Iba ka talaga, Yuka Shiraishi.
Nilapitan ko siya saka niyakap ng mahigpit.
"Hindi na ako makahinga, Berry. Wag naman masyadong mahigpit" sabi niya sabay tawa
Lumayo ako ng kaunti saka hinawakan yung mukha niya, "Mamimiss din kita... sobra."
Hinatid niya ako sa bahay namin pagkatapos nung nangyari. Nasa tapat na kami ngayon ng gate. Ayaw ko pang pumasok. Ayaw ko pang bitiwan yung kamay niya.
"Dapat pala lagi kang aalis para ganito ka kasweet sa akin"
Tumawa lang siya pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Sige na, pumasok ka na. Bahala ka at talagang iuuwi kita sa amin pag hindi ka pa pumasok"
"Sana nga eh..."
Napatingin naman siya sa akin pero agad din naman naputol 'yon dahil tinulak ko na siya palayo.
"Umuwi ka na nga!"
"Pumasok ka na muna sa inyo saka ako aalis"
"Yuka Shiraishi! Sige na, ikaw na yung mauna."
Tumawa siya na parang sinasabi na sumusuko na siya. Lumapit siya sa akin saka ako hinalikan sa noo. Napapapikit ako... I'm sorry..
"I love you.." sabi niya
"I lov--"
"Hep! Saka mo na sabihan 'yan pag bumalik ka na. Hahahaha!"
Napatingin ako sakanya ng masama pero tumawa lang siya. Bakit Yuka?
Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang naglalakad na si Yuka. Binuksan ko na ang gate namin saka pumasok. At doon palang ay bumuhos na ang kaninang mga luha na pinipigilan ko.
"I'm sorry..."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagsinungaling ako. Hindi naman talaga kami pupunta ng Japan para lang magbakasyon at magbonding. Pupunta kami kasi maysakit si Dad at kailangan niya kami..
"Nasabi mo na?" ayan ang naging bungad ng mga kapatid ko sa akin
Iling lang ang naging sagot ko at panigurado ay alam na nila ang ibig sabihin nun. Ayaw kong sabihin kay Yuka ang totoo kasi walang kasiguraduhan ang pagbalik namin dito.
Oo, alam kong nakakainis. Pati nga ako naiinis na din sa sarili ko.
"Berry..."
Napatingin ako sa pintuan at nakita ko dun si Kuya March
Lumapit siya sa akin at tinabihan ako. Alam kong nahihirapan siya na makita akong ganito..
"Kuya hindi ko nasabi.."
Niyakap niya lang ako. Ayun lang yung ginawa niya pero pakiramdam ko sobra-sobra na. Kahit hindi man lang siya nagsalita ay naramdaman ko naman na nadyan lang siya sa tabi ko.
"Wag ka na umiyak. Babalik kaya tayo!"
"Paano kung hindi?"
"Wag mo ngang isipin 'yan. Tsaka mahal ka nung drummer na 'yon. Ang lakas kaya ng tama niya sayo"
Napatingin ako kay Kuya March.
"Hindi kami sanay na ganyan ka, bunso. Smile ka nga, ang panget mo na eh!"
Napatawa naman ako sa sinabi niya. Tumayo naman siya at akmang lalabas na kwarto ko nang bumaling siya akin, "Mahal mo diba?"
Napatango naman agad ako..
"Good."
BINABASA MO ANG
My 12 Brothers
Teen FictionAno nga ba talagang mangyayari kung may 12 na kuya ka? Tunghayan kung paano guluhin ng kanyang LABING DALAWANG mga kuya ang kanyang love life.