Exam week nanaman! Nakakainis na kasi wala pa 'kong na r-review! Hindi ko naman pwede pabayaan na lang ang mga grades ko kasi panigurado ay magagalit sila Mommy sa akin."Wag ka ngang tumingin sa akin!" sigaw ko kay Shiraishi
Nakakainis naman kasi tingin ng tingin sa akin. Alam ko namang magand-- LOL! Lumalaki na naman ang ulo ko. Ganito talaga ang nangyayari kapag sumasama ka kay Kuya Des
"Hindi naman ako tumitingin sa'yo ah?"
"Eh anong tawag mo dyan?" mataray kong tanong
"Tumititig ako sa'yo"
Napahawak naman agad ako sa noo ko. Seryoso ba talaga siya sa mga sinasabi niya?
"Tigilan mo nga ako Yuu~! Pag ako bumagsak, sasakalin kita!"
"Pffft."
Oh, ano na naman? Ang weird talaga ng isang 'to. Hindi mo talaga aakalain na isa siya drummer ng isang sikat na banda
"Problema mo nanaman?" tanong ko
"Ano ulit tawag mo sa akin?"
"Ah.. Yuu? Bakit anong problema? Ayoko ngang tawagin kang Yuka kasi ayoko lang at ayoko din sa Shiraishi kasi mahaba kaya ayun na lang!"
Nakita ko namang napakagat siya sa labi niya. O-okay? Anong meron? Lumapit siya sa akin saka ako niyakap ng mahigpit! Whaaaa!
"YuRhee" sabi niya sabay ngiti
"Ha? Yuri? Sino yun?"
Pinagsasabi nito? At sino naman si Yuri? Hindi ko talaga alam kung saan nauntog ang isang ito.
"Baby ko.." sabay tawa niya
"Hoy, may babae ka?!"
Sasabihin ko pa lang sana na joke lang kaso ang loko, umalis na! Baka isipin pa nun ay crush ko siya.
"Hoy Shiraishi! Sino si Yuri?!"
**
"Crush ka pa nga lang nya, may babae agad!?" Mina
"Tch! Babaero!" sigaw ko
"Uyyy~ Nagseselos. Hahahaha! Akala ko ba ayaw mo sakanya?"
"Ayaw ko naman talaga ha?!"
Ano din bang problema ni Mina? At selos? Gosh, isang Berry Yoshida ay magseselos?
"Hahaha! Sabi mo eh~!"
**
"Berry! Anong nangyari?" Kuya Sep
"Balita ko pinagtaksilan ka ni Yuka" Kuya Tobi
"Ipinagpalit ka agad?" Kuya Novi
"Masyado ka daw kasing panget. Nagsawa tuloy." Kuya Des
Aba! Naiinsulto na ako sa mga pinagsasabi nila ha! Hard talaga nila kahit kailan.
"Grabe ka naman Kuya Des!"
Habang nakikipagtalo ako sa mga kapatid ko, narinig kong may tumawag sa akin, Oh-My! Boses babaero!
"Whaaaaa! Mga kuya, itago niyo ko dali! Nandyan si Shiraishi!"
Dali-dali akong nagtago kay Kuya Sep. Huuuu~ sana hindi niya ako mapansin.
"Si Berry parang tanga." Kuya Sep
"Kay Sep pa talaga nagtago, para namang matatakpan ka. Maliit kaya siya!" Kuya Tobi
"Tinawag na siya ni Yuka diba? So, nakita na siya. Bakit ka pa nagtatago?" Kuya Novi
"Berry, nasaan yung utak mo?" Kuya Des
Napaayos naman ako ng tayo saka tinignan ng masama yung mga kapatid ko. Grabe! kanina pa sila. Lumapit sa akin si Shiraishi. Ano pa nga bang magagawa ko? Andyan na eh! Nakita na niya ako, wala ng takas!
"Rhee~ Bakit ba iniiwasan mo ko?" malungkot na tanong ni Shiraishi
"Ayoko lang makita yang mukha mo. Nakakairita!"
Ano bang ginagawa niya dito? Tapos sumingit na naman sila kuya. Ayoko na talaga.
"Mga kapatids, alis na tayo." Kuya Sep
"Yuks, pakibantayan si Berry ha? May sayad sa utak eh" Kuya Tobi
"Pag pasensyahan mo na talaga" Kuya Novi
"Nalipasan ata.." Kuya Des
Naka alis na sila kuya tapos 'tong si Shiraishi nandito pa rin. Ugh.
"Bakit nandito ka pa? Alis na!"
"Bakit mo nga ako iniiwas--"
"Sino si Yuri?"
Ugh. Mukha tuloy akong selos na selos na girlfriend! Na curious lang naman ako! At hindi niya ako Girlfriend! Nevah~!
"Yuri?"
Aba! At parang wala pa siyang alam ha?
"YURI! Y-U-R-I Yung kanina! Sabi mo pa nga baby mo!"
Bigla naman siyang tumawa. At anong nakakatawa? Baliw na ang isang 'to.
"Tayo yun! Eto naman, selos agad."
"T-tayo? Paano?"
"Yuu for Yuka. Rhee for Berry. Yuu + Rhee = YuuRhee/ YURI"
Okay, waley..
Hanodaw? Pangalan lang namin yun? At anong ginawa ko kanina? Para pa akong selos na selos kanina! Halos magtanong na ako sa lahat kung sino si Yuri. Inasar pa ako ni Mina na bestfriend ko, tunay nga namang kaibigan. Sinabihan pa akong walang utak ng mga kapatid ko. Ugh! Bakit ngayon ko lang napagtanto yun? Bakit hindi ko agad nalaman?! Nasaan ang utak ko ng mga panahon na yun?!
"Narinig ko lang yun sa mga fans natin. Shiniship nila tayo hahaha!"
What? At ano ang ship?
"So, okay na tayo?" sabi niya
"Ewan ko sa'yo!"
BINABASA MO ANG
My 12 Brothers
Novela JuvenilAno nga ba talagang mangyayari kung may 12 na kuya ka? Tunghayan kung paano guluhin ng kanyang LABING DALAWANG mga kuya ang kanyang love life.