Chapter 9 - Pangalan

6.7K 286 76
                                    


"BERRY! BERRY, TAPOS NA AKO KUMAIN!"

Siomai! Paano ko malulusutan 'to? Alam kong nagmamasid na din yung POSITIVE dahil sa narinig nila. Ano ng mangyayari sa akin pag nakita nila ako? Patay na talaga. Kailangan kong mag isip ng paraan. Isa kaya akong Yoshida! Dali dali akong tumayo at nilapitan ang POSITIVE. Pakapalan na ng mukha 'to!

"OMG! Ang POSITIVE! pa-picture naman po! Kyaaaah~!"

Pinilit ko talagang gawing medyo pa fangirl yung boses ko. Nagtinginan naman yung mga tao.

"Tama nga siya."
"Kyaaah! Ang POSITIVE"
"OMG!"
"Hindi ako makahinga, ang gwapo nila!"
"Nasaan si Yuka?"

Tama nga ako ng iniisip, pinagkaguluhan nga yung POSITIVE. Nilapitan ko yung epal kong bestfriend na si Mina at hinampas ng notebook ko.

"Aray naman! Ang hard mo sa akin ha?! pero teka-- Fan ka na ng POSITIVE?! Kyaaaah~! Kaya ka ba naging fan kasi fan na din ako? OMG. I love you n--"

"Tse! Hindi yun dun no! Alam mo namang galit silang lahat sa akin diba?"

"Hindi naman lahat. Hindi naman galit sa'yo si Yuka."

"Hayaan mo na yung epal na yun. Ay, wag nga tayo dito. Baka mamaya makita pa nila ako!"

Hinatak ko si Mina paalis dun. Buti na lang talaga! At mabuti na lang at hindi agad nila ako napansin. Ikaw na talaga, Berry. Ikaw na.

**

Nandito ako ngayon sa Cafeteria, nagbabasa ng libro. Two days na lang tapos exam na. Feeling ko talaga matatalo na ako eh! Kahit naman siguro kahit anong gawin kong pag-aaral ay matataasan pa rin ako ni Yuka~! Kainis na Shiraishi 'yun! Napaka talino!

[FLASHBACK]

"Okay! Any questions?" sabi nung Teacher namin sa Math

"Wala po!" 

Isa sa mga basag na linya ng mga estudyante

"Sige! Quiz tayo ngayon! 5minutes review!"

At pag ganyan na ang sinasabi ng teacher... Syempre may eepal na mga estudyante,

"What?!"
"Quiz? Uso pa ba yan Ma'am?"
"Nako, napag iiwanan ka na Ma'am! Hindi na po nagpapa quiz ngayon!"
"Nako, masama na 'yan. Magbagong buhay na po kayo."
"Quiz pa ba?"
"Wala nga siyang tinuro tapos magpapa quiz?"

Teka-- mawawala pa ba ang bida bida mong kaklase? Na laging nagsasabing, "Sige po! Quiz tayo! Wag na tayo magreview Ma'am, hindi naman nag aaral 'yang mga yan eh. Sayang oras po."

Bili na talaga ako sa mga katulad nila. Tinignan ko si Yuka na--- What?! Na natutulog?

Kinalabit ko siya, "Hoy! Mag review ka kaya?"

"Wag na. Katamad kaya..."

"Pag mas mataas ka sa akin, libre kita. Pag ako naman yung mas mataas ang score, libre mo ko. Ano game?"

"Game!" sabi naman niya

"Teka-- Hindi ka talaga mag rereview?" tanong ko

"Kahit wag na. Matataasan din naman kita eh."

"One word. Yabang."

Nagsimula na kami mag quiz. Nasagot ko naman yung ibang tanong kaso yung iba ay medyo hirap ako. Mukhang hindi naman yata tinuro 'to ng teacher kanina eh!

Psh. 15 / 20 lang ako..

"Oy. Yuka, ilan ka?"

Hindi siya sumagot pero binigay niya sa akin yung papel niya. Ang masasabi ko? Walang hustisya! Bakit ganun? 20 / 20 siya! Hindi siya nakinig kanina, hindi rin siya nag review tapos perfect?!

"Nangopya ka no?"

"Hoy! Grabe ka naman! Matapat kaya ako. Paano ba 'yan, Rhee? Libre ko."

"Aish~! Oo na."

[END OF FLASHBACK]

"Rhee, asan na yung libre ko?"

Inabot ko sakanya yung wallet ko. Wala akong gana ngayon tsaka siya naman ang nanalo kaya siya dapat ang bumili ng gusto niyang pagkain. Malay ko ba sa mga favorites niya.

"Bumili ka na lang ng gusto mo. Wag yung mahal ah! Lagot ka sa akin."

Naglakad na si Yuka papunta dun sa counter pero bago siya makarating dun ay may tumawag sakanya. OMG. Ang POSITIVE! Bakit ba lagi ko na silang nakikita? Magtatago nanaman ako nito~! Sana naman wala ng tumawag sa pangalan ko nito.

"Oy. Yuka, nasaan si Berry? Diba kaklase mo yun?"

What?! Grabe naman! Ako agad ang hinanap. Hindi man lang ba nila kakamustahin si Yuka? Berry agad?

"Ha?" Sagot naman ni Yuka. Medyo tumingin siya sa pwesto ko pero binawi naman niya agad

"Baka nakakalimutan mong may atraso sa atin yun?"

"Hindi ah! Si Berry? Parang nakita ko siya papunta sa gym" sabay turo sa isang direksyon

"Ah. Salamat dude. Teka-- pang babae yang wallet mo ha?"

Siomai naman eh! Yung wallet ko yun! Paano na? Yuka Shiraishi, wag mo naman ako ibuko! Kahit ngayon lang, please.

"Napulot ko lang. Balak ko sanang ibalik kaso naka alis na yung may-ari. Mamaya na lang siguro."

"Aba, ang bait ah? Sige, una na kami."

Hoooo~ Medyo nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig yun kaso--

"BERRY! BERRY YOSHIDA! WHERE ARE YOU? HINAHANAP KA NG GWAPONG MONG KUYA."

Aish~! Paano ko ulit 'to malulutasan?

Ano bang meron sa pangalan ko at palagi na lang tinatawag?! Like, hello? Gusto niyo ba ako makita ng POSITIVE? WANTED KAYA AKO SAKANILA! Hmp!

-----

Tingin niyo, sino yung tumawag kay Berry? I-comment na lang po. HAHAHAHA! Ang dali naman yata hulaan kung sino yun.

My 12 BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon