Chapter 15 - Fansign event

6.5K 261 24
                                    


"Tara gawa din tayo ng banda!" sigaw ni Kuya January

Ano daaaw?

"Wait! Teka lang mga kuya ha? Gagawa kayo ng banda? Seryoso ba kayo dyan? Gosh, twelve kayong lahat kaya paano yun?"

"Ano ba naman yan, Berry. Wala kayang imposible." Kuya Feb

"Mga kuya naman eh! Ano yun tatlo sa bass, tatlo sa drums, tatlo sa guitar, at tatlong vocalist?!"

"Ayaw mo nun? Ang cool kaya!" Kuya March

At sakanya ko pa talaga narinig yung word na 'cool' ha.

**

Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama si Mina.

"Yoshida, anong trip mo kagabi at iniwan mo ko sa concert ha?"

"Ang ingay kaya nung mga fans dun."

"Ang sabihin mo kinilig ka lang dun sa sinabi ni Yuka. Ikaw ha! Ano ready ka na ba?"

"Ready saan? Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Hindi ba sabi niya kagabi ay humanda ka na daw? Hahahaha! So, ano ready ka na ba? Malay mo mamaya lang nandyan na siya sa tabi mo. OMG. Kinikilig ako! Hahaha!"

Kaya berry, humanda ka na dahil papakiligin kita.

Hindi ko na inabala yung tawa ni Mina dahil tumakbo na ako palabas ng cafeteria. Kasi naman eh! Kung anu-ano lumalabas sa bibig. Pumunta ako sa restroom para magtago.

Paano kung totoo ngang magpapakita siya? Aba! Hindi pa ako ready. What to do? Teka nga! Bakit ba ako kinakabahan?

Habang para akong baliw na kinakausap yung sarili ko ay may pumasok na dalawang babae sa restroom. Ang sama nung tingin nila sa akin. Sino ba sila? Ay! Isa sila sa mga fans nung POSITIVE.

Alam niyo kasi dalawa ang klase ng mga fans. Una, yung mga mababait at friendly. At pangalawa, yung mga katulad nila. Walang paawat akala mo laging may laban na magaganap.

"Siguro alam mo na yung balita na may nagugustuhan si Yuka diba? Kaya alam namin na ikaw yung dapat lapitan sa ganitong sitwasyon. Berry, ikaw lang ang makakatulong sa amin.

Teka, ano daw? Nabibingi ako ha. Nagulat naman ako sa sinasabi nila. At ano namang gagawin ko?

"Hindi ba basher ka? Sirain mo naman please yung relasyon nila."

And for the second time, nabingi ulit ako. Sirain? Eh ako nga yung babaeng tinutukoy ni Yuka! At kahit na basher ako hindi ako maninira ng relasyon.

"Alam niyo basher lang ako. Hindi ako bitch para manira ng relasyon. Oo, naiinis ako sa banda nila pero hindi ko magagawang manira ng happiness ng iba." mariing sabi ko

"At bakit naman? Hindi ba parang sinira mo na din yung happiness nila nung mall tour? Alam mo bang anniversary ng band nila nun pero pinahiya mo sila sa harap mismo ng fans nila."

"Ang swerte mo na nga at kami pa mismo ang lumalapit sayo"

Nag-init naman yung dugo ko sa narinig ko mula sakanila.

"Hay. Bakit ba ang hirap niyo intindihin ang lahat ha? Basher ako, fans kayo, at idol sila. At kahit anong anggulo ang tignan mo, magkakaiba ang tatlong 'yon. Bakit ba hindi na lang kayo maging masaya kung balak mang pumasok sa isang relasyon yung mga iniidolo niyo? Kasi natatakot kayo na mahati yung atensyon nila diba? Alam niyo, magkaiba man ng antas, sikat man o hindi, pare-parehas lang tayong tao. Nagmamahal din sila katulad natin. Iniisip lang kasi natin yung sarili natin. Mga pansariling kasiyahan. Gaya nga ng sabi ko, tao din sila na nasasaktan din."

My 12 BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon