Hi guys! Sorry kung ngayon lang nakapag update. At thank you naman sa mga comments niyo sa last chapter. Ang cutie lang talaga. Hahahaha!
- -
Lahat sila ay nakatingin sa akin. Tila ba hinihintay ang magiging sagot ko. Ano ba kasi yung dapat kong sabihin? At higit sa lahat paano ko ipapakilala si Yuka sa mga magulang ko?
Tumingin ako kay Yuka at bahagya pa akong nagulat kasi nakatingin din siya sa akin. Alam kong galit siya sa akin kasi kasama ko si Brent. E sabi niya busy siya kanina! Malay ko bang pupunta siya? Malay ko bang mas pipiliin niya ako kaysa sa shoot niya? Napabuntong hininga siya saka humarap sa mga magulang ko. Omg anong gagawin niya?
"Mauuna na po ako. May shoot pa po kasi ako. Ako po si Yuka. Si Berry na lang po ang itanong niyo kung may nais po kayong malaman sa akin, nagmamadali na po kasi ako eh. Paalam po."
Pagkatapos nun ay sumakay na siya sa kotse saka umalis. Nabato ako sa kinatatayuan ko. Gusto niyang ako ang magpakilala sakanya sa mga magulang ko. Siguro ay hindi niya din alam kung ano kami.
"Aalis na din po ako. Hinatid ko lang po kasi talaga si Berry. Tawagin niyo na lang po akong Brent, blockmate po kami ng anak niyo. Sige po."
Saka naglakad palayo si Brent. Oh-kay? Anong nangyayari? Bakit nag aalisan?
"Teka, may naisip kaming apat!" Kuya Sep
"Mauna na din kaya tayo no?" Kuya Tobi
"Nakuha mo, Tobs! Kanina ko pa din yan naiisip eh" Kuya Novi
"Mauna na tayong pumasok sa bahay at gutom na kami!" Kuya Des
Nagsitawanan silang lahat pero ako ay nanatiling nakatayo at iniisip yung sinabi ni Yuka. Inakbayan ako ni Kuya Juls kaya napatingin ako sakanya,
"Umalis yung isa kasi nakita niyang may kasama ka. At umalis naman yung isa pa kasi kahit kasama mo siya ay iba naman ang iniisip mo"
Lumapit na din sa amin si Kuya Ril, "Sundan mo na"
"Sino?"
"Sino nga ba, Berry?" tanong ni Kuya March na nagpatigil sa iba ko pang mga kuya
Sino nga ba?
"My, pwede po bang alis muna ako? May susundan lang po ako tapos babalik din po ako agad. Promise po!"
Tumawa naman yung Mom ko saka ako niyakap, "Puntahan mo na at baka nakalayo na 'yun."
Nginitian ko silang lahat saka lumakad kung saang daan siya umalis kanina. Oo, pupunta ako sakanya. Pupunta ako kay Yuka.
"Lucky drummer" rinig ko pang sabi ni Kuya Feb
Mas maswerte ako dahil nandyan kayo.
Sabi niya kanina ay may shoot pa daw siya pero hindi ako naniwala kasi bago dumating yung mga magulang ko ay inamin niya na na hindi na siya tumuloy sa shoot nila.
Panigurado ay nandun siya sa isang playground dito sa village at naka-upo sa damuhan. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko nga siya dun at halos bunutin na ang lahat ng mga damo dun.
"Huy maawa ka naman sa damo"
Paano ba naman kasi halos bunutin niya na yung mga nakapalibot sakanyang damo. Magalit sakanya si Hoseok niyan.
"Anong ginagawa mo dito?"
Aba! Hindi niya pinansin yung sinabi ko ha. So nagtatampo nga siya? Hahahaha! E bakit natutuwa pa ako?
"Umalis ka kaya agad! Syempre sinundan kita agad. Wait, diba sabi mo may shoot ka pa?"
"Hindi na ako pumunta kasi late na ako"
"Edi pumunta na lang tayong bahay. Panigurado ay nagluluto na ngayon si Mommy para sa dinner mamaya. Tara na!"
"Ayoko nga! Tigilan mo ko, Yoshida."
Napatawa naman ako sa tawag niya sa akin. Naaalala ko tuloy pag naiinis ako sakanya ay tinatawag ko siya sa apelyido niya. Ang kulit lang.
"Oh bakit ka tumatawa? Dapat nga mainis ka kasi hindi kita tinatawag sa pangalan mo" medyo nakakunot pa ang noo niya habang sinasabi 'yon
Tumawa ulit ako, "Ang cute mo kaya!"
Bigla naman siya napayuko sa sinabi ko kaya agad akong tumabi sakanya at nilapit ko pa yung mukha ko para tignan kung anong meron sakanya.
Medyo napaatras naman ako nung bahagya niya akong itulak para matigil na yung paninitig ko sakanya pero dahil ako si Berry Yoshida at kapatid ko si Disyembre ay tinitigan ko pa rin siya kaya mas lalo niyang niyuko ang mukha niya.
"Berry naman! Lumayo ka nga!"
"Bakit ba? Ano bang may'ron?" sabi ko at mas lalo pang nilapit ang mukha ko
Bigla niya namang hinawakan ang mukha ko saka hinarap sakanya. Bumilis naman agad yung tibok ng puso ko. Omg ang lapit ng mukha namin. Oh ngayon Berry aayaw ka? Pagkatapos mo ilapit yung mukha mo?
"Ang kulit mo!" sigaw niya sa akin pero hindi mo makikita na galit siya parang naiinis lang siya ganun
"Ano ba kasing may'ron?"
"Naiinis pa nga ako sayo. Wag muna!" sagot niya pabalik at mas matalim pa akong tinignan
Nginitian ko na lang siya sa ginawa niya. Patuloy niya akong binibigyan ng mga death glares at patuloy ko naman siyang nginingitian. Smile lang, Berry. Ilang minuto lang kami sa ganung posisyon. Ayaw niya talagang bitawan yung mukha ko ha?
"Bati na tayo?" tanong ko
Nginitian niya ako saka hinila yung dalawang pisngi ko. Medyo napasigaw naman ako sa sakit dahil sa ginawa niya
"Shiraishi!"
"Oh ayan bati na tayo"
Naglalakad kami ngayon patungo sa bahay. Napilit ko kasi siyang kumain sa amin. Saka ito na din siguro yung panahon...
"S-sino... yung lalaki kanina?"
Napatingin naman ako sakanya, "Ah si Brent? Blockmate ko. Buti nga dumating siya kasi wala talaga akong payong kanina eh"
Napanguso naman siya agad sa sinabi ko. Magtatanong pa sana ako kaso napagtanto ko na nasa tapat na pala kami ng bahay. Pumasok agad siya kaya hindi ko na siya nakausap. Sus, tampo agad hahaha!
Pumasok na kami sa bahay. Naabutan namin sila Mommy at Daddy sa sala samantala yung mga kapatid ko ay nakikipag wrestlingan sa kusina. Rinig na rinig kasi dito yung bangayan nila
"Isa pa talaga, Disyembre. Ihahampas ko na sayo 'tong sandok" sigaw ni Kuya March
"Osige, ihahampas ko naman sayo 'tong kawali. Okay! Let's hampas each other, Marso." sagot naman ni Kuya Des
Mga baliw talaga ang mga 'yun. Lumapit si Mommy sa akin saka ako niyakap. Tinignan naman ni Daddy si Yuka na halatang hindi alam yung gagawin. Lumapit ako sakanya at hinila siya palapit sa parents ko.
"Yuka, mga magulang ko"
"G-good evening po sa inyo"
Ngumiti lang si Mommy tapos medyo tumawa si Daddy, nahalata niya sigurong kabado si Yuka.
"My, Dy, si Yuka po. Boyfriend ko po."
Nagulat naman at agad na napatingin si Yuka sa akin tapos biglang tumawa ng malakas yung Dad ko, "Berry, hindi naman niya yata alam na boyfriend mo siya hahaha!"
"Kailan pa?" sabay-sabay na sabi nila
Nakatingin silang lahat sa akin. Maging yung mga maiingay kong kuya sa kusina ay natahimik at halatang hinihintay ang sagot ko
Medyo napatawa ako, "Mga 45 minutes ago?"
- -
So ayun kung mapapansin niyo ay naglagay ako ng kaunting fandom joke. Hahaha! ♡
BINABASA MO ANG
My 12 Brothers
Novela JuvenilAno nga ba talagang mangyayari kung may 12 na kuya ka? Tunghayan kung paano guluhin ng kanyang LABING DALAWANG mga kuya ang kanyang love life.