"So kamusta naman ang pagbisita ng isang Yuka Shiraishi sa bahay niyo?" tanong ni Mina habang papasok kami sa school"Nako, kung alam mo lang! Halos siya na yung ituring bunso sa sobrang tuwa sakanya ng mga kuya ko."
"Ano ka ba naman, Berry! Syempre mga fan yung mga 'yon"
"Ako lang ang fan niya no"
Bigla namang napatawa ng malakas si Mina. Grabe yung tawa talagang akala mo nanunuod ng comedy show. Buti na lang at medyo malapit na kami sa classroom kaya kaunti na lang ang tao sa palagid.
"Akala ko ba basher ka nila? E bakit pinagsisigawan mong fan ka? Ikaw ha!"
Hindi na ako nakipagtalo sakanya kasi nakita ko na yung prof namin. Medyo mataray pa naman yun, dinaig pa si Yuka na may dalaw.
Agad kaming pumasok sa room saka umupo sa aming mga upuan. Napatingin ako sa upuan na nasa tabi ko, upuan ni Yuka dati. Hay. Ngayon ay wala na akong katabi. Panigurado ay mahihirapan ako pag seatmate ang partner mo para sa isang project, e sa wala akong seatmate! Paano yun?
Bakit pa kasi lumipat yung pangit na yun?
Sige lang, Berry. Bolahin mo lang ang sarili mo na pangit si Yuka. Hindi siya pagtitilian ng mga babae kung pangit 'yan.
Natigil naman ako sa pag-iisip nung pumasok na yung prof namin kasunod naman niya ay isang lalaki. Uy may bago.
Napa ow-em-ji naman yung mga kaklase ko nung nakita nila yung lalaki. May itsura kasi. Bakit ang daming gwapo sa school na 'to ha? Wait. Hala nagtataksil ako!
"Okay. Listen everyone! At dahil lumipat na ng ibang school si Mr. Shiraishi at hindi pwedeng may bakanteng upuan dito kayaaa... may bago kayong classmate"
Nagtilian naman yung mga kaklase kong mga babae. Hala siya! Nanonood ba ako ngayon ng isang koreanovela? Gayang-gaya nila yung mga babaeng fangirl sa isang drama. Pumunta naman sa harap yung bago daw naming classmate.
"Hi! I'm Brent Jace Forbes, sana maging close tayong lahat." sabay ngiti niya kaya napatili ulit yung mga girls
"Sige na, umupo ka na Mr. Forbes at madami pa tayong pag-aaralan kaya sikapin mong humabol sa klase ko."
Napatango naman siya bilang sagot sa prof namin. Nilibot niya yung paningin niya sa buong classroom para hanapin yung bakanteng upuan nang makita niya ay nilipat niya yung tingin sa akin. Napangiti naman siya nung nakitang nakatingin ako sakanya saka humakbang paungo sa upuan niya, na katabi ng upuan ko.
Napatingin naman agad ako kay Mina nung nagsalita siya, "Okay, mukhang may twist na ang lovestory na ito."
Ano daw?
Bigla namang may naglahad ng kamay sa harap kaya medyo nagulat ako. Napatawa naman siya na naging reaksyon ko. "Brent"
Tinignan ko lang siya at sinabing, "Alam ko. Kakasabi mo lang kanina"
Muli ay napatawa siya. Yung totoo masiyahing tao ba itong katabi ko? Kanina ko pa kasi napapansin na tawa siya ng tawa. Ay wait! Wag niya sabihing may kung ano sa mukha ko kaya ganun siya kung tumawa?
"Sungit"
Napatingin ulit ako sakanya dahil sa sinabi niya pero nakatuon yung pansin niya sa prof namin na nagtuturo sa unahan pero hindi mo maikakaila na nakangiti pa rin siya hanggang ngayon. At mas lalo pa itong ngumiti nung mapansin na tinitignan ko siya.
**
Isang buwan ang lumipas pero wala akong natatanggap na tawag o kaya text galing kay Yuka. Kabute ba yung lalaking yon? Minsan magpapakita tapos mawawala naman agad.
Alam ko naman yung sitwasyon niya pero kasi... hay
Hindi ko kasama ngayon si Mina kasi kailangan niyang unuwi ng maaga at ako naman ay may dinaanan pa sa library. Wala na din masyadong tao sa school, medyo hapon na din kasi. Napatingin naman ako sa labas ng medyo malapit na ako sa gate. No! Bakit umuulan?! Wala pa naman akong dalang payong.
Tinext ko yung mga kuya ko. Tinext ko silang lahat at makalipas ang ilang minuto ay walang nagreply. Ay shet. Sa dami nilang lahat ay walang nag reply sa akin. Oh great.
Napatingin naman ako sa contacts ko, nababasa ko ang pangalan ni Yuka. Sakanya kaya ako magpasundo? No. Hindi pwede. Alam mo namang busy siya tapos papasundo ka pa? Ni hindi nga nagpapakita sayo tapos mag papasusundo ka? Asa ka pa.
Binalewala ko yung mga naiisip ko at tinawagan pa rin si Yuka. Malay mo hindi siya busy. Sana nga..
[Hello? Berry..]
"Yuka! Asan ka? Nasa school kasi ako ngayong tapos ang lakas ng ulan kaya sana ay--"
[Yuka, tara na! Shoot na!]
Rinig kong tawag sakanya. Sabi na eh, busy siya.
[Hey, berry nandyan ka pa ba? I'm sorry. Sobrang busy lang talaga ako. Babawi ako sayo.]
"A-ah. Ayos lang! Haha! Sige na, baba ko na"
Napatingin ako sa phone ko at lumabas doon kung ilang oras ang pag-uusap niyo. 47 seconds. Ni hindi man lang umabot kahit isang minuto. Medyo nagulat naman ako nung biglang mag vibrate yung phone ko.
From: Kuya Des
Yow berry! Pasensya ka na at hindi ka namin masusundo. Napakatamad kasi ng mga kuya mo, kung hindi lang ako busy ay ako ang susundo sayo. Joke lang! Nasa airport kami ngayon, susunduin sila Mommy. Uwi agad ha? Wag kang mag-alala kung magkasakit ka dahil sa ulan ay may gamot dito at aalagan ka ni January. Oo, si january lang. Kaya niya na kasi 'yon! Hahahaha!Siguro kung hindi ako malungkot ngayon ay humagalpak na ako sa kakatawa dahil sa text ni Kuya Des kaso hindi eh. Medyo napatigil naman ako kasi may lumapit sa akin saka binuksan yung payong niya.
"Hatid na kita. Wag ka nang malungkot dyan" sabi niya sabay ngiti
"Brent"
**
Nasa taxi kami ngayon at papasok na sa village namin. Ang laki talaga ng pasalamat ko kay Brent at dumating siya. At kahit na sinungitan ko siya nung una naming pagkikita ay ganito pa rin siya. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin ay bumaba na ako at sumunod naman si Brent pero hindi ko na iyon pinansin dahil nakatuon ang mata ko isang pamilyar na sasakyan at nakasandal doon ang isang lalaking malapit sa akin.
Napatingin siya sa akin at medyo nagulat siya nung makitang may kasama ako. Biglang lumungkot ang itsura niya. Anong ginagawa ni Yuka dito?
"Hindi ko tinuloy yung shoot kasi akala ko kailangan mo ng tulong ko pero mukhang hindi naman pala" sabay tingin niya sa katabi ko, kay Brent.
Napatingin kaming lahat ng may bumusinang sasakyan sa harapan namin. Lumabas ang mga kapatid ko kasama si Mommy at Daddy. No, hindi pwede. Hindi pwedeng sa ganitong sitwasyon magkita kita ang lahat.
"Berry! I miss you, honey. Kamusta naman ang pag-aaral natin?"
Niyakap ko si mommy, "Okay naman po, Mom."
"At may kasama ka pala. Ipakilala mo naman sa amin ng daddy mo yung mga bisita mo. Ang gwapo nila ha!"
Napatingin ako kaya Mommy pero nakangiti lang siya. Anong gagawin ko? Ugh. Hindi ko alam kung paano sila ipapakilala.
"Yung isa po kilala namin, my" sagot ni kuya Tobi
"New friend ata ni Berry yung isa" sabat naman ni kuya August
"Baka siya yung naghatid kay Berry" Kuya Juls
"E bakit nandito din si Yuka? Wag niyong sabihing hinatid din niya si Berry?"
Mas lalong napatingin ang lahat sa akin sa naging sagot ni Kuya Novi kaso naagaw naman lahat ang atensyon nung magsalita si Kuya Des.
"Tatsulok. Nakakakita ako ng triangle ngayon." sabi niya sabay tawa ng malakas.
- -
Wag niyo akong awayin guys. Hahaha! Alam niyo bang sobra akong natutuwa ako sa mga comments niyo? Ang cutie eh! ♡♡
Sige na, promote ko din yung isa ko pang gawa hahaha! NCT's Chatroom. Para po 'yan sa mga NCT fans~ Chittaphon forevs ♡
BINABASA MO ANG
My 12 Brothers
Ficção AdolescenteAno nga ba talagang mangyayari kung may 12 na kuya ka? Tunghayan kung paano guluhin ng kanyang LABING DALAWANG mga kuya ang kanyang love life.