"Ano ayos na ba? Wait, kuya Des naman! Wag kang tumalon! Yung damit mo magugusot lang. Teka, hala nasaan si kuya Ey? Akala ko ba ginising niyo na kanina?""Kalma lang, Berry! Magiging maayos ang lahat." Kuya Feb
"Anong kalma kuya? Malapit na mag start. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Kanina ko pa inaayos ang lahat bago magsimula ang kasal. Ang gulo naman kasi ng mga kapatid ko eh. Wala pa nga pero kinakabahan na talaga ako. Pakiramdam ko ako yung ikakasal kaya gusto ko maayos ang lahat. Ang lahat ng ito ay para kay kuya January dapat maging masaya ang kasal niya.
May humawak sa balikat ko dahilan para mapatigil ako sa pag-iisip, "Berry, magiging maayos ang lahat. Okay?"
"Nandyan na si ate Charm, start na!"
Katulad nga ng sinabi ni Yuka ay naging maayos nga ang lahat. Kinasal na si Kuya Jan at ngayon naman ay nandito kami sa reception. Kasalukuyang nagbibigay ng speech ang mga kapatid ko sa stage. Ang totoo ay kanina pa sila dyan at buti hindi naiinis sa kanila ang mga bisita.
"Yow, January! Ikaw lang ang kuya ko at ayos naman 'yon sa akin. Ako na siguro ang tatayong kuya sa mga kapatid natin. Alam mo bang sayo lang sila sumusunod? Pero paano pa ba yun, wala ka na?" Kuya Feb
"Mukhang mahihirapan kami ni Feb pasunudin ang mga ito lalo na dun sa apat na ber. Sayo lang kasi sila takot. Hahaha!" Kuya March
"Kuya January... nagulat ka ba at tinawag kitang kuya? Hahaha! Grabe parang nung nakaraan lang ay pinapalo mo pa kami para lang sumunod sayo pero ngayon ang laki na natin at kinasal ka na. Iba na, iba na talaga." Kuya Ril
"Alam mo bang nagtatampo kami sayo kasi hindi mo man lang sinabi sa amin na may girlfriend ka na pala. Sinabi mo nga pero ikakasal ka naman agad. Hindi ka man lang namin nasabihan o napayuhan kung may problema ka sa pag-ibig. Pero mukhay ayos naman kayo ngayon kaya ayos na din sa amin." Kuya Ey
"Wala na yung manggigising sa amin ng napaka aga. Yung tipong 3 am pa lang ay ginigising na niya ang lahat para daw hindi magkaagawan sa cr pero mukhang kami na lang ang gigising para sa amin.. hahaha! Ang drama ko naman ata ngayon." Kuya June
"Kuya Jan, pwede na ba ito? Kuya Jan, paano yung ulam ngayon? Paano gawin ito? Halos lahat kami ay nagtatanong sayo. Hindi kami gagalaw hanggat hindi ikaw ang nagsasabi pero mukhang kailangan na baguhin ang ugali na ito." Kuya Juls
"Pasensya ka na kung hindi ka namin tinatawag na kuya at madalas pa ay enero lang talaga ang tawag namin sayo. Pakiramdam kasi namin mas close tayo pag ganun. Sorry talaga." Kuya August
"Pasensya na din kung ako lagi yung nagsisimula ng gulo sa bahay. Kaming apat lagi nila Novi ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo mo. Hindi na kami mangugulo, medyo na lang. Promise 'yan!" Kuya Sep
"Dapat natutuwa ako ngayon kasi panigurado ay sa bawat kaguluhan na gagawin namin sa bahay ay wala nang mamamalo sa amin. Pwede na kami magloko ng hindi pinapagalitan. Kuya Jan, nakakatawa ba pag sinabi kong mamimiss ko yung mga palo mo sa ulo ko? Tss. Nakakatawa nga." Kuya Tobi
"Panigurado hindi na masikip sa van mamaya. Hindi na magrereklamo si Des na kalahating pwet niya lang ang nakaupo. Kuya Jan, bisita ka lagi ha? Kung pwedeng araw-araw, gawin mo!" Kuya Novi
"Naaalala mo lagi tayong labing tatlo kung lalabas pero mamayang uwian ay panigurado ay labing dalawa na lang. Hahaha! Ayoko mag drama kaya titigilan ko na ito. Kuya Jan, sana maging masaya ka pero tandaan mo mas gwapo pa din ako sayo whahaha! Nandito lang kaming mga kapatid mo." Kuya Des
Hindi mo akalain na ganito sila mag seryoso. Bihira ko lang makita na ganito ang mga kuya ko. Ang swerte ko talaga sa kanila.
"Berry, halika ka dito! Kapatid nga diba? Bakit nandyan ka?" Kuya Ril
Napatingin halos ang lahat sa akin. Bumalik ang alaala ko kung saan halos lahat ng tao ay hindi ako tanggap. Dahil nga daw isa akong babae at pang-13 pa ako pero binago yun ng mga kapatid ko. Hindi nila pinaramdam sa akin na wala akong kwenta. Ang totoo niyan ay sa lahat ng gagawin ko ay alam kong suportado nila.
"Si Berry po ang pinaka bunso sa aming magkakapatid. Mahiyain siya pero maalaga naman. Sa aming lahat siya ang tumatayong ate. Mas may alam pa kasi siya sa gawaing bahay kaysa sa aming mga kuya niya. Madami ang may ayaw sakanya pero wala sa amin yun kasi hindi naman sila yung kapatid. Basta ang alam namin, mahal namin si Berry" Kuya Feb
Pumunta ako sa stage kung saan nandun ang mga kuya ko. Ang lahat ng bisita ay nakatingin sa akin. Para bang hinihintay nila kung ano ang sasabihin ko. Napatingin ako sa pwesto ni Yuka kung saan nakita ko siyang nakangiti na parang sinasabi na kaya ko ito.
Nandun din ang mga bandmates niya na halatang naghihitay din sa gagawin ko. Kinakabahan ako pero gaya nga ng sabi ni Yuka, kaya ko ito.
"Kuya Jan, kasal ka na. Hindi ko alam kung kanino na ako magsusumbong ngayon kung sakaling ayaw sumunod nila kuya. Tsaka panigurado mamaya mararamdaman namin na parang may kulang sa bahay. Baka nga hindi agad makatulog sila kuya eh. Ingat ka kuya ha? Thank you na din."
Nagpalakpakan ang mga bisita kasabay nun ang pag punta ni Kuya Jan sa stage. Hindi ko na napigilan ang pag iyak kasi hindi ko alam na dadating kami sa punto na ito.
"Wag na kayong umiyak! Ang papangit niyo pa din eh, group hug na lang!" Kuya Des
BINABASA MO ANG
My 12 Brothers
Teen FictionAno nga ba talagang mangyayari kung may 12 na kuya ka? Tunghayan kung paano guluhin ng kanyang LABING DALAWANG mga kuya ang kanyang love life.