Chapter 14 - Concert

5.7K 258 18
                                    

Hi, sorry kung ngayon lang ulit bago ako nakapag update. Halos 1year na din pala no? Sorry talaga! ㅠ ㅠ

--

3 months

Sabi niya lumayo daw muna ako. Ayaw niya akong madamay. Ugh. Ayoko ng ganito.

"Nakakainis yung tindera dyan malapit sa bahay natin!" reklamo ni kuya Des

"Ano nanaman yan Disyembre?" iritang tanong ni Kuya March

"Kasi bumili ako ng mantika tapos sabi ko yung hindi tumatalsik na mantika kasi ayokong masaktan. Alam mo naman sa buhay pag tayo nasakta-- ARAY!"

"Wag ka nga humugot! Ano ginawa sayo nung tindera?" Tanong ni Kuya Jan

"Sinapok ako! Wag na tayo bumili dun para malugi yung tindahan niya." Makulit na sabi ni Kuya Des na parang bata

Mga baliw. Ang hirap mamuhay ng may labing dalawang kapatid ha!

"Kayong apat na kulugo kayo! Nasaan na yung mantika na pinapabili ko? Hindi masimulan yung niluluto ko."

"Kuya June, bakit ka pa naghahanap ng mantika kung pwede ka naman magluto ng ibang pagkain na hindi gumamit ng mantika." Kuya Sep

"Parang sa love, kung wala na pala bakit naghihintay ka pa?" Kuya Tobi

"Wag mo na kasing ipagpilitan pa. Bahala ka...." Kuya Novi

"In short, masasaktan ka lang!" sigaw ni Kuya Des

"Halika nga kayong apot dito!" Sigaw sakanila ni Kuya June

Hala. At nagsimula nanamang magulo ang bahay namin. Takbuhan doon, takbuhan dito, parang mga wala silang problema. Nakakainggit.

"Isang miyembro ng sikat na bandang Positive, may girlfriend na."  Ayan ang nababasa ko ngayon na headline sa TV. What is that? Girlfriend? Si  Yuka ba?

"H-hoy ano yan? Pinagtataksilan ba ng Shiraishi na yon ang kapatid natin ha?" Sigaw ni Kuya January

Pinagtataksilan? Hindi no. Madami na ang lumabas ng mga balita na may girlfriend na si Yuka pero kahit isa doon ay hindi totoo. Tss. Hindi nila malalaman na may girlfriend siya dahil hindi ako magpapakita. Hahahaha!

May tiwala ako sakanya.

"Kalma lang, Enero. Wala pa ngang sinasabi yung reporter. Ang hot mo naman. Hahahaha!" Tawang tawang sabi ni Kuya Juls

"Excuse me lang ha? Ako kasi yung hot." Biglang sabi Kuya Novi

"E paano sunog ka kasing bata ka" Kuya March

Ay. Ang hard kay Kuya November. Hahahahaha! Ang cute nilang mag-away lahat. 

"May'roon na nga bang girlfriend ang drummer ng POSITIVE?" sabi ng isang host sa palabas

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. May nakakakita kaya ng pagpunta ko sa hotel na pinagtataguan niya? Hindi pwede.

"Eto na siguro ang tamang pagkakataon para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa buhay pag-ibig ng grupong POSITIVE"

"Ayon sa nakalap naming mga impormasyon. Isang litrato ang magpapatunay at magwawakas sa mga sabi-sabi kung sino nga ba ang girlfriend ni Yuka Shiraishi"

Napatingin sa akin ang mga kapatid ko.

"Ano itong sinasabi nila, Berry?"

"H-hindi ko alam. Matagal na ulit bago kami nagkita ni Yuka" sagot ko

Imposibleng ako iyon.

"Isang vocalist sa isang banda ang girlfriend ni Yuka. At ang litrato na ito ang magpapatunay sa lahat."

No.

Hindi pwede! Kakagaling ko lang kila Yuka 3 months ago para marinig na mahal niya ako at kaya niya ako iniiwasan ay para hindi ako guluhin ng press. Pero hindi pala.

Kitang kita sa litrato ang sweetness nung dalawa. Tss. Mahilig pala siya sa babaeng nasa banda. Hindi man lang niya sinabi para sana nakapag adjust ako.

"Berry.." tawag sa akin ng mga kuya

Sinabi niya lang na mahal niya ako pero hanggang doon lang pala talaga iyon. Ni hindi niya nga ako tinawagan man lang pagkatapos nung nangyari. Kaya dapat hindi ako umasa.

Nakakainis ka talaga, Yuka!

**

"Mina naman eh! Bakit mo ba kasi ako sinama dito."

"Wag ka na magreklamo. Gusto mo rin naman siya makita."

Tss. Nandito kami ngayon sa concert ng POSITIVE. Oo, tama kayo ng nababasa concert nga! Ibig sabihin non ay makikita ko yung nakakainis na drummer nila!

Yung drummer nila na may girlfriend pala pero ang lakas makasabi na mahal niya ako.

One word, paasa.

"KYAAAAAAAH!"
"OMG! AYAN NAAA!"

Sigawan ng mga fans.

Ano bang ginagawa ko dito? Anong ginagawa ng isang Berry Yoshida sa concert ng POSITIVE? Hindi naman nila ako fan. Basher nga nila ako diba?

Ugh. Isang basher na naghulog sa mismong binabash niya.

Ano bang klaseng buhay 'to?

"Ehem. Hi guys! Nakakatuwa na nandito kayo! Pasensya na kung ngayon na lang kami nakabalik. Alam niyo na, busy sa school. Hahaha!" sabi ni Stephen

"Namiss namin kayo, promise!" tuwang sabi ni Stink

"Sana magustuhan niyo yung mga tutugtugin namin ngayon. Thank you talaga!" Drake

Napatingin naman yung tatlo kay Yuka. Siya na kasi yung magsasalita pero nakayuko lang siya. Siguro nahihiya siya kasi lumabas yung issue about dun sa girlfriend kuno niya na vocalist. Wait, why so bitter, Berry?

"Uhm. Hi! Gusto ko magpasalamat sa inyo kasi kahit anong mangyari ay nandito pa rin kayo at handang makinig sa mga musika namin."

Tahimik ang lahat. Halata kasi sa tono ng pananalita niya na may pinagdadaanan siya.

"Gusto ko lang linawin na hindi ko po girlfriend yung vocalist sa kabilang banda. Talagang magkakilala lang po kami. Ang totoo niyan ay may iba akong nagugustuhan."

Napa oww naman yung mga tao kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Siniko naman ako ni Mina nung sabihin yun ni Yuka.

"Alam niyo bang na inlove ako sa isang basher? Hahahaha! Pinagpipilitan niya kasing hindi daw siya fan kahit fan naman talaga siya. Kaya nga nung lumabas yung issue ay siya agad yung naisip ko. Baka kasi isipin niya na pinaghihintay ko lang siya sa wala."

Walanghiya! Ano ba ito? Hindi ba concert?! Kaya dapat tumutugtog na sila ngayon! Sayang oras aba! Sayang yung pera ng mga fans. Wait. Heart-to-heart talk ba sa mga fans ito?

Okay, ano bang pinaglalaban ko?

Kasi naman Yuka Shiraishi! Kung anu-ano lumalabas diyan sa mga bibig mo! Ugh.

"Kaya nakapagdesisyon na ako. Pagkatapos ng concert na ito, hindi na ako magtatago, hindi na ako matatakot, at ipaglalaban ko na siya. Kaya Berry, humanda ka na dahil papakiligin kita."

Biglang nagsigawan yung mga tao! Ang lakas. Ngunit mas nangingibabaw yung lakas ng tibok ng puso ko.

Nakakainis ka, Yuka.

Paniguro paguwi ko sa bahay ay papaulanan nanaman ako ng tukso ng mga kapatid ko.

My 12 BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon