Ipapakilala? Ayan agad pumasok sa isipan ko nang sabihin iyon ni Yuka. Agad akong napatingin sakanya. Ano bang gusto niyang sabihin? Ipapakilala niya ako sa mga fans niya? Teka, hindi pa ako handa!"H-ha? Teka, hindi pwede! Paano kung hindi nila ako matanggap? Alam mo naman na idol ka!"
"Matatanggap ka nila, promise!"
"At paano ka makakasiguro? Isa akong basher tapos gusto mo magkaroon din ako ng sarili kong mga basher?!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko tapos makikita ko lang si Yuka na easy lang at tumatawa pa.
**
"Tara na, Berry!"
Agad akong hinila ni Mina dahil ayaw niyang ma-late sa concert daw ng POSITIVE. Hello? Ilang beses niya na kayang nakita ang mga 'yun. Oo nga pala, ayos na kami ni Mina pero hindi niya pa din sinasabi ang dahilan kung bakit siya naiinis. May kutob ako na may gusto talaga siya dun sa lokong Brent na 'yon at nahihiya lang siyang sabihin sa akin.
Pagkapasok namin ay dinig na dinig na ang mga hiyawan ng nga fans kahit hindi pa naman nagsisimula. Wow. Ganito pala talaga sila kasikat tapos inaaway ko lang yung drummer ng bandang 'to. Hahaha!
Lumabas si Yuka sa stage. Oo, siya lang. At bakit wala siyang kasama? Huli na nung napagtanto ko na hindi ito concert ng POSITVE kundi si Yuka lang. Omg anong nangyayari?
"Hi Berry!" sabi niya sabay kaway sa direksyon ko
Bwisit ang landi talaga nito! Sinimangutan ko siya kaya medyo napatawa siya
"Oh sige na mag kukwento na ako..."
Mas lalong umingay ang mga fans. Napatingin naman ako kay Mina na halos maging kamatis na sa sobramg kilig.
"Bakit sila ganyan? Bakit sila parang kilig na kilig? Hindi ba dapat magalit sila sa akin kasi diba kami ni Yuka?"
"Alam mo kasi kanina pa talaga nagsimula ang concert na ito. At habang wala ka pa ay kinausap na ni Yuka ang mga fans. Sinabi na niya lahat. At ngayong naman ay magkukwento siya. Gusto niya kasi nandito ka habang sinasabi niya 'to. At ang masasabi ko lang, ikaw na talaga!"
Pagkasabi nun ni Mina ay agad akong napatingin sa stage kung saan nakatayo si Yuka.
"Nagsimula ang lahat nung pumunta siya sa isa sa mga mall tour namin kahit hindi naman talaga siya fan. Nakabunggo namin siya at ang tinarayan niya kami kasi hindi namin siya tinulungan tumayo. Tutulungan ko naman talaga siya kaso ang cute niya kasi mairita hahaha!"
"Nako, pigilan mo ko Mina. Aakyatin ko talaga 'to sa stage." mariing sabi ko
"At alam niyo ba kung anong sinabi niya, "Hindi niyo ko fan". After nun ay hinanap ko kung saan siya nag-aaral. Gusto ko kasi na lagi siyang nakikita. Sabi pa nga ng mga ka-bandmates ko ay tinamaan daw ako. Tama nga naman kasi tinamaan talaga ako. Unang araw ko nun sa school nila at kailangan kong magpakilala sa mga magiging kaklase ko habang siya ay busy sa kung anu-ano sa gamit niya. Ni hindi man lang siya tumingin sa harap nung nagpakilala na ako. Ang taray talaga."
Kainis. At bakit siya nagkukwento? Ang dami ko pa namang ginawang kahihiyan nun!
"Napansin niya lang ako nung tinawag ko siyang 'bashy'. Buti na lang at naalala niya ako kundi ay hindi ko na alam. Seryoso pala talaga siya na hindi siya fan, kakaiba talaga. Alam niyo ba na gumawa ako ng game para sa amin? Kung sino ang matalo ay siya ang lalayo. Sinadya ko talaga yun kasi alam kong aalis din ako. Nanalo siya, natalo ako. Nanatili siya, lumayo ako. Umiyak siya, bumalik ako. Hindi ko akalain na pupuntahan niya ako at iiyak sa harapan ko. Doon pa lang, napagdesisyunan ko na wala na talagang atrasan"
"Ang corny niya ha!"
"Kunyari ka pa, Berry. Kilig na kilig ka nga dyan eh"
"Pumupunta na siya sa mga concert at fanmeeting namin. Hindi ko alam kung saan siya nauntog at ginawa niya yun" nagtawanan ang mga fans, "May shoot kami nun nang bigla siyang nagtext at humihingi ng tulong. Tinanggihan ko siya kahit ayoko pero sa bandang huli ay pumunta pa rin ako sakanila. Nakita ko siya na may kasama siyang lalaki. Nasaktan ako nun. Umalis ako kasi hindi pa ako handa na harapin ang mga magulang niya lalo na na may kasama pa siya..."
"Ang drama mo!" sigaw ko na nagpangiti sakanya
"Alam niyo bang sinundan niya pala ako tapos kung anu-ano pa ang mga sinabi niya para magbati lang kami. Baliw talaga. Inaya niya ako sa bahay nila at ipinakilala na boyfriend niya. Kahit ako hindi ko alam na kami na pala! Pinagtawanan pa tuloy ako ng daddy niya pero buti na lang todo suporta yung mga kapatid niya sa akin."
Naghiyawan ang mga fans. Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon nila para sa amin. Akala ko magkukulong na ako sa kwarto at itatapon ang cellphone ko para hindi makabasa ng bad comments pero hindi pala.
Tinulak ako ni Mina para umakyat sa stage kaya mas lalong naghiyawan ang lahat. Pumunta ako sa harapan niya at mahina siyang hinampas. Oo, mahina lang baka awayin nila ako pag sobrang lakas.
"Ano ba 'tong pakulo mo? Ang arte mo!"
"Grabe wala man lang thank you muna dyan? Ang effort ko oh!"
Niyakap ko lang siya kasi sobrang nahihiya na ako. Ang dami kayang nakatingin sa amin! Rinig ko din dito ang bawat komento ng fans niya. May humabol pa nga na fan na lalaki na ang ganda ko daw na agad naman sinagot ni Yuka, " Sorry bro pero akin na siya. Hanap ka na lang ng sarili mong basher hahaha!"
Sa gitna pagsasaya ay lumabas din sa stage ang mga kuya ko. Mas lalong nagsigawan ang fans.
"Seryoso mga kapatid niya yan?"
"Uy ang gwapo nun!"
"Grabe anong feeling na gigising ka sa umaga at 'yan agad ang bubungad sayo."Nako kung alam niyo lang! Mukha lang talaga 'yang mga mababait pero ang ugali naman! Talagang susuko kayo sa hirap.
Tumakbo ako papunta sakanila.
"KUUUUYA!"
Nang makalapit ako ay niyakap ko sila. Ang totoo nga nyan ay si Kuya Feb lang talaga yung niyakap ko at nakiyakap na lang din sila. Hahaha! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala sila.
- -
Hi! Thank you kay hooshit para sa cover ng story! Sobrang ganda talaga! ♡ Ang cute cute~
BINABASA MO ANG
My 12 Brothers
Novela JuvenilAno nga ba talagang mangyayari kung may 12 na kuya ka? Tunghayan kung paano guluhin ng kanyang LABING DALAWANG mga kuya ang kanyang love life.