Chapter 1 - Des

13.3K 500 59
                                    

"Listen! I am alone at a crossroads! I'm not at ho---"

"MANAHIMIK KA DES!"

"Bakit ba?! Inggit lang kayo sa maganda kong boses eh!"

"Kapal mo talagang Disyembre ka!"

Ang ingay nila! Ang totoo niyan ay kanina pa sila ganyan. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sakanila.

Nandito kami ngayon sa isang van. Oo, isang van lang Ewan ko nga kung paano at bakit kami nagkasya sa isang van lang, eh labing tatlo kaya kami!

"HOY KUYA JAN! WALA NA BANG IBIBILIS YANG PAG D-DRIVE MO?!" Kuya Sep

"LATE NA TAYO! OY KUYA RIL, USOG KA NGA. SIKIP EH!" Kuya Tobi

"GUTOM PA AKO! ITLOG LANG KASI YUNG ALMUSAL, SINO KAYANG MABUBUSOG DUN?" Kuya Novi

"~May labing dalawang Kuya, si Berry na panget. Si Kuya Jan. Si Kuya Feb. Si Kuya March.--" Kuya Des

"Kung kakanta ka, siguraduhin mong maganda muna yang boses mo!" sigaw ni Kuya March

"Hoy! Maganda kaya itong boses ko!"

Nagulat kami kasi biglang napabangon si Kuya Ey! nagising yata sa sobrang ingay nila. Mainit pa naman ang ulo ni Kuya Ey, lalo na pag naiistorbo ang kanyang napaka gandang tulog.

"Isa pang ingay niyo at isasaksak ko na 'tong librong hawak ko sa mga pagmumukha niyo!"

Oh yan! Edi tumahimik ang lahat. Si Kuya Ey lang pala eh!

Hay buti naman...

Nagkamali pala ako! sinabi ko bang tumahimik sila? Kung oo, binabawi ko na! Kilala niyo naman siguro yung mga kuya ko na lalo pang nagiingay ngayon! Walang takot! Sinong pasimuno? Syempre, sa pangunguna na nung Quadruplets. Ano pa bang aasahan dun?

"Isasaksak daw sa pagmumukha natin? Pfft." Kuya Sep

"Wala nga siyang hawak na libro!" Kuya Tobi

"Bakit kasi itlog ang almusal kanina?" Kuya Novi

"~LISTEN! I AM ALONE AT A CROSSR-- ARAY KO NAMAN!" Kuya Des

Kuya Novi naman, hanggang ngayon itlog pa rin yang pinoproblema mo? At ito namang si Kuya Des, hindi talaga natinag at kumanta pa! Binato tuloy sakanya ni Kuya Ey yung bag niya!

"Grabe ka Mayo! Sabi mo kanina Libro lang! Bakit naman bag?!"

"May libro naman dun sa loob ng bag." inaantok na sabi ni Kuya Ey.

ADIHSOY UNIVERSITY

Dyan kami nag aaral, halata naman siguro king bakit ganyan ang pangalan ng University diba?

"Heto ako~ ooh oooh. Basang bas-- ARAY!"

"NANDITO NA TAYO DES! KANTA KA PA DYAN!"

Nagsimula na kaming pumasok. Ang daming alam ng mga kuya ko. Gusto nila sabay-sabay kaming pumasok. Eh 13 kaya kaming lahat! Ang laking harang nun! Tapos ako pa 'tong nasa gitna, Brothers Over Berr-- ay este, Boys Over Flowers lang?!

Nakarinig na naman ako ng mga bulong-bulungan habang dumadaan kami. Panigurado ako yung pinaguusapan nila. Ganyan naman sila eh! Bakit daw babae ako? Bakit daw may pang 13 sa amin? Bakit iba yung pangalan ko? Baka daw ampon ako at iba pang mga walang kwentang bagay.

Sanay na ako sa kanila. Halos lagi naman ganyan ang reaksyon nila sa akin. Hindi ko na lang pinapansin kasi wala din namang kwenta.

Biglang may humawak sa balikat ko.

"Kuya June."

"Hayaan mo na lang sila. Ayan lang kasi yung mga alam nilang gawin, ang manira."

Lumapit bigla yung apat na Ber sa mga nag bulong-bulungan. Agad namang tumili yung mga babe. Tch! Mga plastik! Pag sila kuya ang kaharap, akala mo mga anghel pero pag ako na ang kaharap, lumalabas ang mga tunay na ugali!

"Wag nga kayong tumili! Para kayong mga biik!" Kuya Sep

"Okay lang yan Sep, kamukha nmaan nila! HAHAHA!" Kuya Tobi

"Pasalamat kayo wala akong gana dahil itlog lang ang almusal ko, pero wag niyo naman pag usapan si Berry!" Kuya Novi

"Hindi siya ampon." Kuya Des

Nagulat ako sa ginawa ng mga kuya ko.

"Naseseryoso din pala sila." biglang sabi ni Kuya March

Oo nga, hindi ko akalaing magiging protective sila na Kuya sa akin.

My 12 BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon